top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 28, 2024



Sports News

Sa ikalawang sunod na taon, isang Pranses – Zaccharie Risacher – ang napiling pangkalahatang numero uno sa NBA Draft. Tinawag ng Atlanta Hawks ang pangalan ng 19 anyos na 6’9” forward sa seremonya kahapon sa Barclays Center. 


Ginulat ng Hawks ang lahat at hindi nila ikinuha ang isa pang Pranses Alex Sarr na mas binabanggit ng mga dalubhasa sa mga araw papalapit ang draft. Agad napunta ang 19-anyos na 7’0” sentro sa Washington Wizards na pangalawang pumili. 


Mas kumpletong manlalaro si Zaccharie,” paliwanag ni Coach Ariel Vanguardia na magsisilbing bahagi ng coaching staff ng Hawks sa Las Vegas Summer League ngayong Hulyo. Ngayon pa lang ay inaabangan ni Coach Vanguardia ang pagkakataon na makatrabaho ang baguhan. 


Si 6’3” shooter Reed Sheppard ang unang Amerikano na kinuha sa #3 ng Houston Rockets.  Sumunod sa #4 ang isa pang guwardiya 6’6” Stephon Castle ng San Antonio Spurs habang #5 si 6’8” forward Ron Holland ay napunta sa Detroit Pistons. 


Maliban kay Risacher at Sarr, dalawa pa nilang kababayan na sina 6’9” forward Tidjane Salaun ay napunta sa Charlotte Hornets sa #6 at 6’8” guwardiya Pacome Dadiet sa New York Knicks sa #25. Si Risacher ay sumunod sa kababayang Victor Wembanyama na piniling numero uno ng Spurs noong 2023. 


Winakasan ng Los Angeles Lakers ang haka-haka ng marami at pinili si 6’5” gwardiya Dalton Knecht sa #17. Malakas ang usapan na kukunin ng Lakers si Bronny James na anak ng kanilang superstar LeBron James subalit may pagkakataon pa sila sa Round 2 ngayong araw. 


Kamakailan ay ipinakilala ng Lakers si JJ Redick bilang kanilang bagong coach kapalit ni Darvin Ham. Si Coach Redick ay naglaro sa NBA mula 2006 hanggang 2021 para sa Orlando, Milwaukee, LA Clippers, Philadelphia, New Orleans at Dallas at matapos magretiro ay naging komentarista sa telebisyon subalit walang karanasan sa pagiging coach.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | June 20, 2024



showbiz news

Inaasahang itatatag ni Gilas Pilipinas tower Kai Zachary Sotto ang kanyang katayuan bilang isa sa mga inaabangang puwersa sa basketball sa bansa sa pananatili nito sa Japan B. League para sa bagong koponan na Koshigaya Alphas sa susunod na season.


Inihayag sa isang online report na tatalon sa second division ng East Conference ang 22-anyos na 7-foot-3 Filipino center matapos nitong lisanin ang Yokohama B-Corsairs at Hiroshima Butterflies sa nagdaang 2023-24 season ng B.League.


Dalawang season din itong nasilayan sa Adelaide 36ers sa National Basketball League (NBL) sa Australia, kung saan hinirang itong NBL Fans MVP noong 2022 at 2023 season.    


Nagawang magpasikat ni Sotto sa 34 na laro sa Japanese league noong nagdaang season para itala ang 12.8 points, 6.4 rebounds, at 1.1 blocked shots para sa Yokohama. Kinakitaan ito ng pinakamahusay na laro noong nagdaang season ng ibuhos ang 28 puntos mula sa 12-of-15 shooting at humakot ng anim na boards laban sa semifinalists na Alvark Tokyo.


Magiging malaking tulong si Sotto sa Koshigaya na naglalaro sa B2 League matapos makatuntong sa Finals upang maiangat sa isa sa matataas na dibisyon sa liga, lalo na’t kinakitaan ng malaking pagbabago sa laro ang dating Ateneo Blue Eaglets ng magpasikat ito sa mga buwan ng Pebrero hanggang Abril ng kumamada ito ng 17.0 puntos at 7.8 rebounds kada laro sa 16 na sunod na laro.  


Kinukonsiderang isa sa mga tinitingnang prospect ang tubong Las Pinas City na makakapasok sa prestihiyosong National Basketball Association (NBA) sa Amerika.


Tinangka nitong magpa-draft noong 2022, subalit hindi ito pinalad na mapili sa nagdaang dalawang rounds


Sumubok si Sotto na makapaglaro sa NBA sa pamamagitan ng NBA Summer League nang tapikin ng Orlando Magic, subalit na-injured ito. 

 
 

ni Clyde Mariano @Sports | June 18, 2024



Sports Photo

Sa eksklusibong panayam sa tapat ng malaking Black Nazarene sa Smart Araneta Coliseum, sinabi ni coach Luigi Trillo na ang tagumpay ng Meralco Bolts sa Philippine Cup ay dala ng hardwork, burning desire, aspiration at determination ng kanyang mga players para masungkit ang unang korona sa PBA matapos ang 10 taon na paghihintay  at sa wakas nagkaroon katuparan sa taong gagawin ang 33rd Olympic Games sa Paris.


We could not achieve the ultimate goal we are longing for. My players labored hard, worked hard and sacrificed a lot for three months for just one cause win the crown. Finally, the achieved the ultimate dream. I praised them for a job well done,” sabi ni Trillo kasama ang kanyang mga anak na tumulong at dumamay sa kanya habang nakikipaglaban siya sa 11 coach sa hardcourt. “Rock solid defense and torrid offensive did it for us. We limit the points production of June Mar Fajardo and limited him to measly 4 points in the 4th period,” wika ni Trillo.


Ang hindi nagawa ni coach Norman Black sa loob nang 13 taon ay nagawa ni Trillo at kabilang na ang 48 years old Meralco bench tactician sa elite club of “champions coach” at pang-anim na coach sa kampo ni sportsman/businessman Manny V. Pangilinan na nanalo sa PBA kasama sina Norman Black, Chot Reyes, Joel Banal, Perry Ronquillo at Jojo Lastimosa.


Hindi lang nanalo sa PBA Philippine Cup, ang tagumpay ay fitting advance birthday gift sa kanyang ika-49th birthday sa Hulyo 18. “Now, the Philippine Cup is over and we won the crown, panahon na pagtuunang pansin at sapat na atensiyon ang aming mga pamilya at mga anak. We’ll go somewhere and have fun with our loveones,” aniya. 


“This is sweetest. All of us worked really hard, played really hard, and consolidated our efforts to win our first ever PBA crown and finally we achieved it,” sabi ng 33-years old na si Newsome na isinilang sa California at nagtapos ng Communications sa Ateneo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page