top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | January 15, 2022


ree


Pinasalamatan ni Kris Aquino ang mga nagpahatid ng pag-aalala at nagsabi na ipagdarasal siya sa kanyang pinakahuling Instagram post.


In fact, may mga netizens-followers niya sa kanyang IG ang sinagot ni Kris.


“GET WELL SOON MADAM, ALWAYS REMEMBER, MADAMI NAGMAMAHAL SA 'YO KAHIT WALA SI ***,” comment ng netizen.


Nag-reply ang isang netizen ng “Mel?”


Nag-post din ng reply si Kris sa comment ng netizen sa unahan.


Say ni Kris, “It’s not my loss. #truth.”


Inayunan ng netizen ang sinabi ni Kris, “Girl, you’re too good for him."


“Yes exactly! Not your loss!”


“@krisaquino korek ka d'yan! Someday, your prince will come... Be well and choose to be happy!”


Sa last part ng caption ni Kris sa kanyang recent IG post, inunahan na niya ang mga netizens na mag-i-speculate na si former DILG Secretary Mel Sarmiento ang kanyang pinatamaan when she mentioned na knows niya kung sino ang tunay na nagmamalasakit sa kanya.


“To protect the privacy of the very thoughtful friends who sent me flowers, balloons, fruits, home cooked food, rosaries, prayer books, ice cream, and so much more I am refraining from any gratitude posts,” lahad ni Kris.


Karugtong pa ng caption niya, “To all, please know how much your thoughtfulness & gestures of caring especially your messages and hand written cards have uplifted me. At least now I know sino ang totoong nagmamahal at maaasahan, at sino ang makasarili at fake lang pala. (Hindi po 'yung ex-fiancé ang pinatatamaan, kung siya, pinangalanan ko na lang.)”


Sa kabila nito, may umaasa na magkakabalikan sina Kris at Mel. Shookt but true, hah?


“Fighting! Still hoping there will be a second chance for you and ***#lovelovelove”

O, ‘di ba?


 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 07, 2021



ree

Abut-abot ang pasasalamat ni Kris Aquino sa bigwigs ng GMA-7 na sina Ms. Annette Gozon-Valdes at Joey Abacan dahil pinagbigyan siyang lumabas sa network sa Linggo, Agosto 8.


“Thank you @annettegozonvaldes and @joeyabacan for this opportunity,” say nito.

Sumagot naman ang GMA exec, “We're so excited to watch you at the Shopee Special! (emoji smiley).”


Paanong hindi sila pasasalamatan ni Kris, eh, pagkalipas ng limang taon ay muli siyang mapapanood sa telebisyon, bagay na matagal na niyang inaasam-asam.


Inakala niya na pagkatapos niyang mawala sa ABS-CBN nu'ng 2016 ay mapapanood siya sa Kapuso Network nu'ng 2017 para sa travel show, pero hindi natuloy dahil may humarang daw.


At nitong nakaraang 2020 ay may nag-alok na producer para sa TV5 naman bilang blocktimer at excited na nga si Kris pero sa dami ng naging problema sa parte ng produ ay umayaw na ang Queen of All Media.


Pero ngayon, totoo na lalabas na siya sa GMA-7 sa Linggo, Agosto 8, para sa Mega Flash Sale ng Shopee bilang co-host ni Willie Revillame.


Ipinost ni Kris ang larawan nila ni Willie kasama ang ibang guest para sa special episode ng Shopee.


Caption ni Kris, “Paano ba magsisimula? THANK YOU to my friend, a real friend Willie Revillame because from even before the 1st lockdown, bago pa naging bahagi ng mga buhay namin ang SHOPEE, he tried his best to convince @gmanetwork to give me a chance to co-host with him.”


Bukod kina Ms. Annette at Joey ay nagpasalamat din si Kris sa kanyang Shopee family dahil sa pabor na hiningi niya para sa mga nagbantay at nag-alaga sa Kuya P-Noy niya noong labas-masok ito sa Makati Medical Center.


Aniya, “To my @shopee_ph family, maybe I can now share this part of my journey with my brother, my KUYA (sorry I will omit the exact date but this was a little over a month before his death), napuntahan ko s’ya, naghintay ng more than 3 hours until he was peacefully resting para masilip s’ya sa ICU after a procedure.


“The whole team at Makati Med were just so caring & compassionate and they did EVERYTHING to protect his privacy. Sobrang na-touch ako because I saw for all of them it was more than just professionalism, it was RESPECT.


“Gumawa ako ng paraan because they had to know how much I appreciated them - so my Shopee fam kept my secret so that I could order special Kris ShopeePay vouchers.


“Walang lumabas- nagawan ng paraan, nakapag-THANK YOU ako sa mga tahimik na nag-alaga sa Kuya ko mula December 2019 nu’ng labas-masok na s’ya sa ospital. As I told my Shopee fam, I am fully aware my contract expires on 10/10- but they have my LOVE & LOYALTY for LIFE!


“Honestly, takot akong bumalik on TV (and all platforms FB, YT, IG, and Twitter) this Sunday because I know I’m underweight, although I’m fully vaccinated I do have autoimmune, I’m still grieving, and matagal na 'kong hindi lumalabas on network TV.


“BUT sabi n'yo hinahangaan n'yo sa 'kin ang pagiging “strong” ko - NOW is my chance to prove it, and why should I be scared? Katabi ni KCA si WBR and this is for @shopee_ph. And for all of my followers na patiently naghintay for this moment to arrive. #lovelovelove.”

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 05, 2021



ree

Isang golf cart ang natanggap na regalo ni Joshua Aquino sa kanyang 26th birthday kahapon, Hunyo 4, mula sa kapatid na si Bimby at Mama Kris Aquino niya.


Mababanaag sa facial expression ni Josh ang labis na kasiyahan dahil magagamit niya ang golf cart na siya mismo ang nagda-drive para libutin ang malawak na solar ng Sitio Alto, Barangay Central, Tarlac kung saan gustong manirahan ng panganay ni Kris.


Pinasalamatan ng binata ang kapatid at ina, “Thank you, Mama and Bimb. I love you.”


Samantala, base sa video post ni Kris sa kanyang Instagram account ay namahagi si Josh sa mga kababayan niyang residente sa Tarlac ng grocery bags bilang selebrasyon sa kanyang kaarawan na madalas ginagawa ng binata.


Matatandaang laging sinasabi ni Kris na generous ang panganay niya sa lahat ng tao at ang mga staff nila sa bahay ay mahal na mahal si Josh dahil napakabuti ng puso nito.


Anyway, ang message ni Kris sa panganay niya na ipinost niya sa IG account niya.

“Kuya Josh’s Birthday, June 4, 1995, I was so NOT READY to be a mama in many ways, Kuya Josh helped me grow up. He was just 3 years old when it became just the 2 of us because never kong itinago sa inyo that he is a special child, that he’s in the autism spectrum, oftentimes na-bully s’ya lalo na 'pag may pulitikang involved, BUT di hamak mas marami ang nagtanggol at nakaramdam ng pureness ng puso n’ya at ng kanyang genuine na generosity at ang hindi n’ya pagpili sa kakaibiganin at bibigyan ng respeto - for kuya kung mabait ka at nagpakita ng kabutihan higit du’n ang lambing at pagmamahal na isusukli n’ya.


“I have often said life isn’t perfect BUT it does have many wonderful moments. Hindi possible for Kuya Josh, Bimb, and me to share our blessings had you not given me the trust and support you have. Nakabalik ako sa trabaho, and I’d like to consider that my true career started because you accepted me with all my flaws & strengths 4 months after I gave birth to my panganay. Lahat ng meron kaming mag-nanay, nanggaling sa trabaho ko na sinuportahan ninyo. Habang kakayanin, patuloy naming ibabalik sa inyo ‘yung blessings that you gave the 3 Aquinos.

“Happy birthday, Kuya Josh, we love you," post ni Kris kasunod ang pasasalamat sa mga taong tinatanawan ng utang na loob.


“Buti pa ang Tarlac at si Kuya- may FOREVER! #lovelovelove,” pagtatapos ng post ni Kris.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page