top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 08, 2021


ree

Kung may ipinagmamalaking "Lola’s Menudo" si Marian Rivera-Dantes na punumpuno ng sahog at sobrang nakakatakam na sarsa, may pantapat naman si Bea Alonzo.


Sa latest vlog niya sa kanyang YouTube channel na in-upload noong September 4, ibinahagi niya sa kanyang mga followers ang recipe ng kanyang "Lola’s Osso Buco Caldereta".


Caption ni Bea, “I’m sharing with you another cooking video on my channel!! MY LOLA’S OSSO BUCO CALDERETA recipe!! This is one dish that my friends always request for me to do, so sana, magawa n'yo rin sa inyong bahay. Share your thoughts and suggestions in the comments section. #BeaAlonzo #ByBea #LifeIsBEAutiful #cooking.”


Puring-puri nga ng mga netizens si Bea habang nagluluto ng caldereta na ipinamana ng kanyang lola. Talaga namang katakam-takam ito at palagi raw kasama tuwing may okasyon sa pamilya. Lalo na 'pag Pasko at Bagong Taon, hinahanap-hanap daw ng mga kaibigan niya ang napakasarap at masarsang caldereta.


At may nag-comment na bagay talaga na magkaroon siya ng talk show sa GMA-7 dahil para siyang si Kris Aquino na ang sosyal magsalita, na hopefully i-consider talaga ng network.


May isa namang nag-comment ng, “Grabe, ang tat*nga ng mga lalaking pinakawalan si Bea. At ang suwerte ni Dominic, hays, sana sila naaaa… I will be the happiest.”


Anyway, looking forward talaga sina Bea at Dominic Roque na makabisita sa bahay nina Marian at Dingdong Dantes, na matatandaan na personal ngang inimbita ni Kapuso Primetime Queen ang premyado at bagong Kapuso actress sa isang online chikahan.


Kuwento naman ni Bea nang mag-guest sa GMA Pinoy TV Fun Con, “Doon lang talaga kami nagkaroon ng time na mag-chikahan. Because before, nakatrabaho ko rin si Dingdong sa She’s the One, pero hindi ko talaga nakasama si Marian, during our premiere night lang.”


Pahayag pa ni Bea sa mag-asawa na nagpakita ng suporta sa pamamagitan ng video greeting, “I’m happy kasi ganyan sila ka-warm mag-welcome and I’m so looking forward to working with them and having them as my friends.”


Instagram friends na nga ngayon sina Bea at Marian, at panay na ang palitan nila ng mga private messages.


Anyway, excited na talaga si Bea na matikman nila ni Dominic ang ipinagmamalaking menudo ni Marian at dahil request nga ng huli na magdala rin siya ng kanyang iniluluto.


“Gusto ko ring magluto ng caldereta ng lola ko at iba pang putahe para sa bahay nila,” ani Bea.


Imagine, 'pag pinagsama ang masasarap na menudo at caldereta nina Yan at Bea na sabi nga ay sarsa pa lang, ulam na, for sure ay mabubundat sina Dong at Dom.


Matuloy na sana ito ngayong September, para sa birthday naman ni Bea sa October 17, sina Dong at Yan naman ang dadayo sa bahay ng labs ni Dom.

 
 

ANG MGA KUMIKITA SA FAKE NEWS.


ni Julie Bonifacio - @Winner | July 08, 2021


ree

Pinalagan ni Vice Ganda ang balitang kumalat sa social media na nagpatutsada siya kina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa paglipat sa GMA-7.


Ini-retweet ng It’s Showtime host ang isang post sa socmed na may ganitong titulo: “#ViceGanda #JohnLloydCruz #BeaAlonzo, Vice Ganda Has This ‘Patutsada’ Against John Lloyd Cruz, Bea Alonzo?”


Sa caption na inilagay ni Vice sa kanyang tweet ay mapi-feel ang pagkadismaya ng TV host/comedian sa kumalat na tsika.


“Kadiri 'tong FAKE NEWS na 'to!!!!!! Pero mas KADIRI 'yung mga sumakay!!!! Pero PINAKAKADIRI 'yung mga sumusuweldo at kumikita sa FAKE NEWS!!!”


Nakakuha ng kakampi si Vice sa mga netizens.


“Tama ka d'yan Meme. Ang daming mga ganyan lalo na sa Facebook. END THEM!”


“'Di nila knows na siya ang unang ate girl ng life mo, what a shame that some journalists nowadays make up stories for money and clout, which they should be the ones spreading facts, information.”


Sinundan pa ni Vice ng isang post sa ķanyang Twitter account bilang reaksiyon sa naglabasang “fake news.”


“Mga taong sa panahon ngayon chismis, paninirang puri at fake news pa din ang trabaho YUUUUICCCCKKK!!!! Mas mababa pa kayo sa T*E! 'Yan ang #FACT !”


'Yun na!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page