top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 21, 2022

ree

Halu-halo ang reaksiyon ng mga Marites sa ipinost ni Julia Barretto na sexy photos niya sa kanyang Instagram kahapon.


Ang naturang sexy photos ay para sa movie ni Julia na Expensive Candy.


One-piece sexy lingerie with animal print ang suot ni Julia kung Narito ang mga comments na nakita namin sa Twitter.


“Once a Barretto always a Barretto,” simula ng isa.


“Stop with your misogynistic dirty mind. It’s a role! That story is from a book. So far nga, si Julia lang ang masipag unlike Claudine and Gretchen na nagwawala at that age, while Julia works hard and even started vlogging. This girl hustles more than anyone.”


“Ikaw 'yung negative mag-isip po. What's wrong with the tweet? It's an appreciation post of how beautiful the Barrettos are," sagot-depensa ng unang nag-comment.


Matatandaan na mas bumongga ang career ng tiyahin ni Julia na si Gretchen Barretto nu’ng ilunsad siya as ST Queen noong dekada '90.


At sa bagong henerasyon, ang pamangkin ni La Greta na si Julia ang ilulunsad sa sexy genre films.


Umani naman ng papuri si Julia sa kanyang mga sexy photos na ipinost niya sa Instagram.


“Kabog!”


“Ayan na. 'Pag nagpa-sexy na talaga si Julia, talbog na lahat sa kanya.”


“'Yan ang LEGIT na maganda, si Julia Barretto, walang RETOKE!!!!! #FACT young and fresh!!!!!!!”


May pinatatamaan ba ang netizen sa “fresh” comment?


Mukhang si Bea Alonzo, ha? May nag-comment din kasi tungkol sa team-up ni Bea with Alden Richards sa serye nila sa GMA-7.


“Parang si Julia yata ang nababagay kay Alden sa Start-Up."


And of course, mawawala ba ang mga bashers ni Julia?


“Medyo cheap looking, not expensive.”


“Sexy 'yung damit and setting but no justice. Para siyang neneng nagpapaka-dalaga.”


“'Di ako makahinga sa pagkakaipit ng hinaharap niya. Proud naman siyang flat-chested, sana hindi pinilit dahil maganda naman hubog ng katawan niya kahit hindi kalakihan.”


“Sa edit and liyad ang butt. Hindi naman siya big butt.”


Ganern?


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 09, 2021


ree

Kaya raw pala panay ang post nina Coco Martin at Julia Montes ng kanilang larawan na magkasama in public places ay dahil may proyektong gagawin.


Ang latest post na magkasama ang rumored celebrity couple ay kasama ang aktor na si

JM de Guzman at si Direk Erik Matti.


Ayon tuloy sa mga netizens, "Kaya pala panay pakita in public. Akala naman ng mga fans nila, couple talaga sila, ahahaha!"


Sagot naman ng CocoJuls fans, "Lol! Sila naman talaga."


"Ano? Eh, puro nga nakatakip ang mukha ni Julia sa mga photos... Baks, kung magpapakita sila sa public para sa promo, sana, hindi nakatago ang buong mukha ni Julia sa mga pictures, hahaha!"


"IKR. Ang daming delulu fans dito. Professional sila at hindi pakawala."


"'Teh may nakita ka bang clips na naging sweet sila? Sa teleserye o movie siguro, OO, unlike sa ka-LT ni Coco na sobrang sweet."


Ang tinutukoy ng netizen ay si Yassi Pressman.


"Hindi lang dini-discuss but they are not hiding it. 'Di ko lang gets bakit gigil tayong umamin sila kahit na obvious naman na. May common sense naman tayong mga tao I suppose."


Sabi naman ng ibang followers ng CocoJuls, "Ayaw pa nilang umamin kasi mawawalan ng excitement ang mga tao sa kanila. Pero sa totoo lang, sila naman talaga."


"Anong magagawa natin kung ayaw nilang umamin? Action speaks louder than words! 'Wag bitter dahil hindi nagkatuluyan 'yung iba."


Espekulasyon naman ng ibang netizens, baka raw ang gagawing project nina Coco at Julia ay ang FPJ's Ang Probinsyano.


"Probinsyano The Movie??? Charot!"


"Julia Montes is back!"


May nagsasabi namang "Kakasawa na rin ang acting ni Coco, to be honest, ewan ko ba."

"True! Mas magaling nang 'di hamak si JM sa kanya! #FACT"


Awww! 'Yun lang!

 
 

ANG MGA KUMIKITA SA FAKE NEWS.


ni Julie Bonifacio - @Winner | July 08, 2021


ree

Pinalagan ni Vice Ganda ang balitang kumalat sa social media na nagpatutsada siya kina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa paglipat sa GMA-7.


Ini-retweet ng It’s Showtime host ang isang post sa socmed na may ganitong titulo: “#ViceGanda #JohnLloydCruz #BeaAlonzo, Vice Ganda Has This ‘Patutsada’ Against John Lloyd Cruz, Bea Alonzo?”


Sa caption na inilagay ni Vice sa kanyang tweet ay mapi-feel ang pagkadismaya ng TV host/comedian sa kumalat na tsika.


“Kadiri 'tong FAKE NEWS na 'to!!!!!! Pero mas KADIRI 'yung mga sumakay!!!! Pero PINAKAKADIRI 'yung mga sumusuweldo at kumikita sa FAKE NEWS!!!”


Nakakuha ng kakampi si Vice sa mga netizens.


“Tama ka d'yan Meme. Ang daming mga ganyan lalo na sa Facebook. END THEM!”


“'Di nila knows na siya ang unang ate girl ng life mo, what a shame that some journalists nowadays make up stories for money and clout, which they should be the ones spreading facts, information.”


Sinundan pa ni Vice ng isang post sa ķanyang Twitter account bilang reaksiyon sa naglabasang “fake news.”


“Mga taong sa panahon ngayon chismis, paninirang puri at fake news pa din ang trabaho YUUUUICCCCKKK!!!! Mas mababa pa kayo sa T*E! 'Yan ang #FACT !”


'Yun na!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page