top of page
SPECIAL - HEART, HIWALAY NA RAW KAY SEN. CHIZ, TAMEME_FB Heart Evangelista.jpeg
Search

ni Elyssa Nichole @Sports | May 6, 2026



ANG Stage 7 Individual Time Trial Podium Winners na sina 1. #123 Shulchenko, Nikita (LCW) 00:30:06 (gitna) 2. #126 Alrefai, Yousef Ibrahiem (LCW) (kaliwa) at 3. #91, MIN, Kyeong Ho (SCT) sa 22.9 km Pagudpud Municipal Hall-to-Bangui, Pagudpud, Ilocos Norte sa idinaraos na MPTC Tour of Luzon 2026 na inihatid ng Philippine Sports Commission kaagapay ang Philippine Olympic Committee at PhilCycling.     										   												(mptctolpix)

Photo: Ang Stage 7 Individual Time Trial Podium Winners na sina 1. #123 Shulchenko, Nikita (LCW) 00:30:06 (gitna) 2. #126 Alrefai, Yousef Ibrahiem (LCW) (kaliwa) at 3. #91, MIN, Kyeong Ho (SCT) sa 22.9 km Pagudpud Municipal Hall-to-Bangui, Pagudpud, Ilocos Norte sa idinaraos na MPTC Tour of Luzon 2026 na inihatid ng Philippine Sports Commission kaagapay ang Philippine Olympic Committee at PhilCycling. (mptctolpix)



Pagudpud, Ilocos Norte - Umalagwa sa overall si Russian rider Nikita Shulchenko ng LCW UAE Cycling Team matapos sikwatin ang panalo sa Individual Time Trial Stage 7 ng MPTC Tour of Luzon kahapon.


Inirehistro ni Shulchenko ang 30 minuto at anim na segundo sa 22.9-kilometer lap sa event na suportado ng Metro Pacific Tollways Corp., Manny V. Pangilinan Group of Companies at Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni chairman Patrick "Pato" Gregorio.


Second best time naman ang naitala ng teammate ni Shulchenko na si Ibrahiem Yousef Alrefai, 49 segundo ang lamang ng una sa pangalawa, tumersero si Seoul Cycling Team bet at Stage 6 winner Kyeong Ho Min.


Pangalawang podium finish na ni Shulchenko, una ay noong pumangalawa siya kay Stage 1 ruler Alrefai.


Lalong lumaki ang lamang ni Shulchenko sa second placer na si Alrefai sa Individual General Classification matapos makalikom ng 19 oras, 31 minuto at 20 segundo, nakaungos ito ng isang minuto at 38 segundo.


Nagkaroon ng pagbabago sa pangatlong puwesto sa IGC matapos umakyat ni Pinoy rider Mervin Barnachea Corpuz ng 7-Eleven Cliqq Roadbike Philippines pero medyo malaki ang hahabulin na oras kay Shulchenko kaya kailangan nitong maka-umento sa mga susunod na laps.


Naka-puwesto naman sa pang-apat si Ronnilan Quita ng 7Eleven Cliqq Roadbike Philippines habang pang-lima si British cyclist Tyler Hannay ng local team Excellent Noodles.


Ang dating nasa tersero puwesto na si  Emmanuel Dave Montemayor ng Go for Gold ay nalaglag sa pang 11th place.


Samantala, nanatili sa unahan ng Team General Classification ang Go for Gold sa nalikom na 77 oras, 13 minuto at 38 segundo, nasa pangalawa ang Standard Insurance Philippines at pangatlo ang 7Eleven Cliqq Roadbike Philippines.

 
 

ni Elyssa Nichole @Sports | April 30, 2026



Stage 1 winner - MPTC

Photo: Ang mga Stage 1 Individual Classification Podium Winners na (mula kaliwa) #126 Alrefai, Yousef Ibrahiem (LCW),  #123 Shulchenko, Nikita (LCW) at #57 Hannay, Douglas Tyler (ENCT) sa MPTC Tour of Luzon mula Calatagan, Batangas hanggang Tagaytay City kahapon. (tolpix)  



Tagaytay City - Naparamdam agad ng lakas ang mga foreign riders matapos sikwatin ni Syrian rider Alrefai Yousef Ibrahiem ng LCW UAE Cycle team ang panalo sa Stage 1 ng MPTC Tour of Luzon 2026, kahapon.


Halos sabay na dumating sa finish line sina Alrefai at kakamping Nikita Shulchenco, inirehistro nila ang tiyempong 3 oras, 36 minuto at 35 segundo sa 143.7 kms. na nagsimula sa Calatagan, Batangas at nagtapos sa Praying Hands sa Tagaytay City.


Pero nakalamang sa oras si 19-year-old Alrefai dahil sa makukuhang bonus bilang stage winner sa event na suportado ng MVP Group at Philippine Amusement and Gaming Corp. katuwang ang National Sports Tourism Inter-Agency Committee.


Tumersero ang pambato ng Excellent Noodles na si Douglas Tyler Hannay ng Great Britain, naungusan siya ni Ibrahiem ng may 1 minuto at 56 segundo.


Dalawang Pinoy riders mula sa Go for Gold ang umupo sa fourth at fifth placers, ito'y sina Jericho Jay Lucero at Rench Michael Bondoc ayon sa pagkakasunod.


Lumanding naman si Joo sa sixth place na inamin na halos lahat ng mata ay nakatuon sa kanya sa simula pa lang ng karera. “Everybody was watching me,” ani Joo. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page