ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 26, 2026

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng Memorandum of Understanding (MOU) ang ating Tanggapan at ang Commission on Filipinos Overseas (CFO) kung saan ang Public Attorney’s Office (PAO) ay makatutulong sa pagsusulong ng adhikain ng CFO na mabigyan ng proteksyon ang ating mga kababayan na naninirahan sa ibayong dagat. Isa sa mga sektor na binibigyan ng proteksyon ng Estado, sa pamamagitan ng CFO, ay ang mga kababaihang maaaring mabiktima ng “Mail Order Spouse” scheme.
Ayon sa polisiya ng Republic Act (R.A.) No. 10906 o ang tinatawag na “Anti-Mail Order Spouse Act,” patakaran ng Estado na bigyan ng proteksyon at garantiya ang mga indibidwal na karapatan ng mamamayang Pilipino. Para sa layuning ito, dapat pigilan ng Estado ang pananamantala sa mga Pilipino, at magbigay ng proteksyon mula sa mga ilegal na mga gawain, negosyo, at pakanang pag-alok ng kasal ng mga mapagsamantalang dayuhan. Sa gayon ay malalayo ang mga Pilipino sa pang-aabuso, pananamantala, prostitusyon, at iba pang marahas na sitwasyon.
Ipinagbabawal ng naturang batas ang mga sumusunod na gawain:
“(a) Engage in any business or scheme for money, profit, material, economic or other consideration which has for its purpose the matching or offering of a Filipino to a foreign national for marriage or common law partnership on a mail-order basis or through personal introduction, email, or websites on the internet;
(b) Exhibit, advertise, publish, print, or distribute, or cause the exhibition, advertisement, publication, printing, or distribution of brochures, flyers, or propaganda materials which are calculated to promote the prohibited acts in the preceding paragraph, or to post, advertise, or upload such materials through websites on the internet;
(c) Solicit, enlist, or in any manner, attract or induce any Filipino to become a member in any club or association whose objective is to match Filipino nationals to foreign nationals for the purpose of marriage or common law partnership for a fee; and
(d) To use the postal service or any website on the internet to promote the prohibited acts under this section. The above notwithstanding, legitimate dating websites, which have for their purpose connecting individuals with shared interests in order to cultivate personal and dating relationships, are not covered by this Act.”
Sa pagninilay sa mga nabanggit na probisyon, ipinagbabawal ang negosyo na ang layunin nito ay ang pagtutugma o pag-aalok ng isang Pilipino sa isang dayuhan para sa kasal o common law partnership batay sa mail-order o sa pamamagitan ng personal na pagpapakilala, email, o mga website sa internet. Ito ay nangangahulugan na ang pag-aalok, pagtutugma, o pagpapakilala ay ginagawa upang kumita ng salapi ang taong nag-aalok ng kasal at magdadala ng kapahamakan sa taong iniaalok o ipinakikilala.
Sa ating bansa, hindi negosyo ang pagpapakasal sapagkat malinaw ang mga batas na sumasakop sa kasal bilang isang institusyon. Mabigat din ang responsibilidad ng bawat panig kapag sila ay ikinasal. Kaya naman hindi ito ginagawang uri ng kalakal bilang pagkilala sa pagiging sagrado nito. Nang dahil dito, mabigat ang parusa na naghihintay sa anumang paglabag sa mga nabanggit na ipinagbabawal na gawain, katulad ng mga sumusunod:
“SEC. 4. Penalties. – Any person found guilty by the court to have committed any of the prohibited acts provided under Section 3 of this Act shall suffer the penalty of imprisonment for fifteen (15) years and a fine of not less than five hundred thousand pesos (P500,000.00) but not more than one million pesos (P1,000,000.00).”
Sinumang tao na kakutsaba o makikipagtulungan sa pagpapatupad ng mga ipinagbabawal na gawain na binanggit sa Seksyon 3 ng batas na ito, sa pamamagitan ng nauna o kasabay na mga aksyon, ay dapat maparusahan ng parehas na kaparusahan na binanggit sa itaas. Kung ang paglabag ay ginawa ng isang sindikato o ginawa sa malawakang sukat, mas mataas ang parusang iaatang. Ang taong lumabag ay maparurusahan ng 20 taong pagkakulong at multang hindi bababa sa P2 milyon ngunit hindi hihigit sa P5 milyon. Ang ipinagbabawal na gawain ay itinuring na ginawa ng isang sindikato kung ito ay ginawa ng isang grupo ng tatlo o higit pang mga tao na nagsabwatan o nagkaisa sa paggawa ng mga ipinagbabawal na akto ng batas.
Ang isang kriminal na aksyon na nagmumula sa paglabag sa batas na ito ay maaaring isampa sa lugar kung saan ginawa ang paglabag, kung saan nangyari ang alinman sa mga elemento nito, o kung saan aktwal na naninirahan ang biktima. Ang hukuman kung saan unang isinampa ang aksyong kriminal ay magkakaroon ng ekslusibong hurisdiksyon.
Bukod sa kasong kriminal na maaaring isampa ng biktima, mayroon ding karapatan ang nasabing biktima na lumapit sa mga sangay ng pamahalaan na nabigyan ng mandatong magbigay ng mga tulong katulad ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Justice (DOJ), Philippine Commission on Women (PCW), at CFO.



