top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 20, 2026



SPECIAL - AWRA, SUMAKSES ANG IPINARETOKENG ILONG, MALA-KENDRA KRAMER NA ANG GANDA-IG _awrabriguela

Photo: IG _awrabriguela



Dedma ang social media influencer-TV personality na si Awra Briguela sa pamba-bash ng mga netizens sa desisyon niyang magpa-rhinoplasty.


Recently, nag-trending sa social media ang mga pictures ni Awra nu’ng bago ang kanyang rhinoplasty procedure at during the time na nasa recovery stage pa siya.


Hindi na kasi hinintay ni Awra ang pagta-transform niya at kahit namamaga pa ang kanyang ipinaretokeng ilong ay nag-post na siya sa kanyang Instagram account at YouTube channel ng hitsura niya.


Kaya naman, inulan siya ng batikos ng mga memang (may masabi lang) netizens na obyus namang gusto lang siyang asarin. 


May mga tumawag sa kanya na hitsurang “avatar” at kung anu-anong pang-ookray sa kanyang looks.


Pero hindi nga nagpakita ng panghihina ng loob si Awra at itinuluy-tuloy pa rin niya ang pagpo-post ng kanyang bagong hitsura.


Hanggang sa ang latest post niya ay nanggulat na sa lahat dahil ang laki nga naman ng iginanda ni Awra at talagang na-achieve niya ang Latina look na goal niya.


Ang siste, may mga nagko-comment ngayon na mala-Kendra Kramer (anak nina Cheska Garcia at Doug Kramer) na ang awrahan niya, kaya malaking sampal daw ito sa mga nanlalait na mukha siyang Avatar.


Well, for sure ay thankful si Awra kay Lord at sa surgeon niya dahil sumakses ang kanyang operasyon.


Malay natin, baka next time, rarampa na rin si Awra sa mga international fashion show dahil ang taray-taray na ng kanyang bagong gawang ilong! Hahaha!

Anyway, congrats, Awra! Umawra ka na hanggang gusto mo!





Love Kryzl, nakipag-showdown kina Jhong at Sarina



Espesyal ang pagdiriwang ng ika-10 kaarawan ng child performer at “Little CEO” na si Love Kryzl Jorge matapos makiisa sa kanyang birthday concert ang mag-amang sina Jhong Hilario at Sarina Hilario. 


NAGING mas espesyal ang pagdiriwang ng ika-10 kaarawan ng child performer at “Little CEO” na si Love Kryzl Jorge matapos makiisa sa kanyang birthday concert ang mag-amang sina Jhong Hilario at Sarina Hilario. 


Sa ginanap na Xtraordinary Kryzl: Born to Shine concert, umani ng hiyawan ang audience nang magsanib-puwersa si Kryzl at ang batang internet sensation na si Sarina sa isang masiglang dance performance. 


Hindi rin nagpahuli si Jhong Hilario na umakyat sa entablado upang samahan ang dalawa, dahilan upang lalo pang maging masaya at puno ng enerhiya ang selebrasyon. 


Bukod sa kanilang pagtatanghal, ipinakita rin ang magandang samahan nina Kryzl at Sarina, na kapwa hinangaan ng mga manonood dahil sa kanilang talento, kumpiyansa at husay sa pagsasayaw sa murang edad. 


Sa milestone birthday concert ni Love Kryzl ay tampok din ang iba pang musical performances at espesyal na panauhin, na nagsilbing selebrasyon hindi lamang ng kanyang ika-10 kaarawan kundi pati ng kanyang lumalaking karera bilang batang performer at inspirasyon sa maraming kabataan. 





Akala ng guy, winner na, olats pala! 

AKTRES-BEAUTY QUEEN, SOBRANG LASING SA FIRST DATE NILA NG BUSINESSMAN-POLITICIAN, INIUWI SA BAHAY, NAIHI SA CARPET SA SALA




BLIND ITEM:


MAY nakakatawa pero medyo kadiri ring kuwento tungkol sa isang aktres-beauty queen na mukhang hindi suwerte sa pag-ibig.


Marami nang naging karelasyon sa showbiz at maging sa pulitika ang aktres-beauty queen na ito, pero laging nauuwi sa hiwalayan.


Nagkaroon siya ng BF na aktor na ginawa niyang PA (personal assistant). Nu’ng super in love pa sa kanya ang aktor, kesehodang ito ang magbitbit ng bag at shoes niya ay okay lang. Pero sa huli ay nauntog din ang aktor kaya hiniwalayan siya.


May naging boyfriend naman siyang pulitiko. Medyo tumagal din sila at akala ng lahat ay sa kasalan na ito mauuwi, pero ang ending, balik-single lady si aktres-beauty queen.

Eto ang nakakatawang kuwento ng huling guy na naka-date niya. Gandang-ganda pa naman daw sa aktres-beauty ang businessman-politician sa first date nila. Nag-dinner sila at nag-wine after. Sobrang nalasing si girl kaya itineyk-home na lang ng businessman-politician. 


Pagdating daw sa bahay, nasa sala pa lang ang girl ay nagkalat na! 

Oh, noooo!!! Ay, ohhh, yesss pala! Nagkalat nga ang aktres-beauty queen.


Nope, hindi siya nagsuka sa sobrang kalasingan, naihi lang naman siya sa carpet!

Lokang-loka sa kanya ang businessman-politician dahil ni hindi makapunta sa CR ang aktres-beauty queen at du’n nga inabutan sa sala ng pagwiwi nito!


Hahaha! Akala pa naman ng businessman-politician, winner na siya na nai-take home si girl, ‘yun pala, sakit ng ulo ang ibibigay sa kanya. 


Olats!!!


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 20, 2026



SHEET - MAJA, NASARAPAN SA SAMPAL NI KATHRYN-IG _majasalvador

Photo: IG _majasalvador



Dahil sa closeness at pagiging ‘ate’ ni Maja Salvador kay Kathryn Bernardo ay nahirapan ang huli na sampalin ang una sa eksena nila sa upcoming series na Someone, Someday (SS).


Ito ang isa sa mga kuwento ni Maja sa nakaraang solo mediacon niya para sa serye na kasama sina Kathryn at James Reid, handog ng Dreamscape Entertainment mula sa direksiyon nina Chad Vidanes at Dolly Dulu.


Sey ni Maja, “Yes, ate talaga n’ya ako. But ‘pag may mga eksena kami, feeling ko, parang nahihiya s’ya. Kaya ako talaga ang nagsasabi sa kanya na ‘Hindi ako si Ate Maj, kalimutan mo ‘yun.’ May ganu’n ako sa kanya.


“Okay, nakita n’yo na naman po, nasa teaser naman ‘yung sampal, sapak. Ayaw n’yang gawin ‘yun, ayaw gawin ni Kathryn. Takot s’ya. Sabi ko, ‘No, kailangan mong gawin. Gawin mo na para tapos na. Isipin mo na lang na ‘di ako si Ate Maj.’


“Ang tawag ko sa kanya, ‘yung name ng character n’ya, si Billy, para magawa n’ya. Ginawa n’ya, nakita n’yo naman!”


At finally, nagawa na nga kaya ang tanong sa aktres ay kumusta ang sampal ni Kathryn sa kanya.


“Ang sharap (sarap)! Hahaha! Ang sarap kasing makita na game s’ya, at ibibigay talaga n’ya ang eksena!” tumawang sagot ni Maja.


Diehard fan ang karakter ni Maja bilang si Abi na talagang nakasubaybay kay Billy, ang karakter ni Kathryn, at gusto nitong mapasok ang mundo ng idolo, na nangyari naman, pero nagkaroon sila ng malaking problema.


Ilang taong nawala si Maja sa ABS-CBN kaya natanong kung paano siya napabalik bilang Kapamilya. 


Matatandaang napanood siya sa GMA-7 sitcom na Open 24/7 (2023) at sa TV5, sa Sunday Noontime Live! (2020-2021), seryeng Niña Niño (2021-2022), at Emojination (2023-2025).


“Kasi ABS-CBN show. ‘Pag gumawa ang ABS-CBN ng show, alam mong isang magandang show ‘to.


“Alam kong I’m home. There are many reasons why I accepted this project at isa na ru’n ang gusto kong makatrabaho sina Kathryn and James. Isa itong napakagandang role,” paliwanag ni Maja.


Hindi sinagot nang diretso ni Maja kung may next project siya sa Dreamscape Entertainment pagkatapos ng SS, pero ang ganda ng ngiti niya. 


Inamin din ng business unit head na si Erick Salud na may ipi-pitch pa sila sa aktres.

Kasama rin sa cast sina Dimples Romana, Rowell Santiago, McCoy De Leon, Daniela Stranner, at Migz Casimiro.


Mapapanood ang Someone, Someday sa Netflix sa Hulyo 24, sa iWant sa Hulyo 25, at simula Hulyo 27, ganap na 8:45 PM, sa ALLTV 2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live (KOL) sa Facebook (FB) at YouTube (YT).





PATULOY na tinatangkilik ng mga manonood ang suspense thriller na The Loyalty Game (TLG) ng ABS-CBN Studios at Prime Video matapos nitong manguna sa listahan ng most-watched series sa Prime Video Philippines simula noong Sabado (Hulyo 12).


Kapit na kapit ang mga viewers ng serye sa Pilipinas maging sa ibang bansa dahil kabilang din ang serye sa listahan ng most-watched shows sa Prime Video UAE (United Arab Emirates). 


Labis din ang pagbuhos ng reaksiyon ng mga viewers online tungkol sa bawat episode nito, lalo pa at unti-unting nabubunyag ang mga sikreto ng bawat karakter.


Sa nakaraang episode, muling ipinatigil ni Ana (Janine Gutierrez) si Beth (Sofia Andres) sa pagsasagawa ng loyalty test kay Ben (Jericho Rosales) dahil naniniwala siyang hindi siya niloloko ng kanyang asawa sa kabila ng mga kahina-hinalang kilos nito.


Mas itinuon na lang ni Ana ang kanyang sarili sa pagsuporta sa asawang si Ben matapos itong mapagbintangan na pumatay kay Antonio (Bernard Palanca). Kalaunan ay lumabas na si Nathalie ang nasa likod ng pagpatay. Nakatulong din ang pangyayari kay Ben lalo pa at naibunyag ni Antonio ang lihim na pagkikita nila ni Mara (Yassi Pressman).


Lalo namang nagdulot ng mga tanong ang ginawa ni Ben matapos mapanood ng mga viewers kung paano niya pinatay ang private investigator ni Antonio. 


Dahil dito, patuloy na hinahanap ng mga manonood ang sagot kung ano pa ang itinatago ni Ben at kung nananatili ba talaga siyang tapat kay Ana.


Samantala, ibinahagi nina Janine at Jericho na hindi naging madali sa kanilang isabuhay ang kanilang mga karakter sa serye.


Ani Janine, “Throughout the script, nare-reveal sa akin ‘yung important things about her. Grateful talaga ako kay Direk Mae because she really helped me find Ana.”


“The character scared me. I think gray characters are the most interesting characters to play,” ayon kay Jericho.


Habang patuloy na lumalabas ang mga bagong sikreto sa likod ng kanilang mga karakter, asahan pa ang mas marami pang rebelasyon at pasabog sa mga susunod na episodes.


Abangan ang bagong episodes ng The Loyalty Game tuwing Biyernes, eksklusibo sa Prime Video.


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 20, 2026



FRANKLY - JM KAY DONNA NAPAKASUWERTE KO. MAHAL KITA!-FB JM De Guzman

Photo: FB JM De Guzman



Masayang nagdiwang ng kanilang 3rd anniversary sina JM de Guzman at Donnalyn Bartolome.


Ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram (IG) account ang kanilang simpleng dinner date sa isang restaurant.


Sa caption, sinabi ni JM ang kanyang wish para sa kanilang anibersaryo.

“EST (Established) June 22, 2023. Sana mas mapasaya pa kita, mas maalagaan, mas mabigyan pa lalo ng pagmamahal at alaga @donna,” ang pahayag ng aktor.


Sa kanyang IG Story, nagpasalamat naman si Donnalyn sa Diyos at siyempre, kay JM.

Aniya, “3 years? Thank you Papa God. @1migueldeguzman, thank you for everything.”


Actually, mukhang seryoso na talaga ang relasyon nina JM at Donnalyn, to the point na nagsabi na ang aktor na gusto niyang pakasalan ang girlfriend.


Madalas ding sabihin ni JM sa kanyang mga posts kung gaano niya kamahal si Donna at kung gaano siya kasuwerte for having her.


Sa isang madamdaming post noong August 2025, mensahe ng aktor sa GF, “Pinili mo ako kahit ‘di ka sigurado sa akin, kahit I was at my lowest. You saw the best in me. You always give me strength. You always make me believe that I’m handsome and sexy and the greatest actor of all time.”


Saad pa niya, “Nagpapasalamat ako sa Diyos na nakilala kita, na nabigyan ako ng grasya Niya na mahalin mo. Suwerte ko... napakasuwerte ko. Mahal kita.”

Kaya naman ang tanong ng mga netizens ay kung kailan magpo-propose si JM kay Donna.





NAGING isang pambihirang paglalakbay sa musika ang gabi para sa mga manonood nang itanghal ni Love Kryzl ang halos lahat ng kanyang sampung orihinal na awitin. 


Binuksan ang programa sa masiglang Purple Hearts Jingle, na ipinakilala ng celebrity host na si Dianne Medina. 


Napanatiling buhay ang sigla ng audience sa pamamagitan ng mga interactive na laro, kapana-panabik na papremyo, at masasayang bahagi ng programa.


Pormal na nagsimula ang konsiyerto sa mataas ang enerhiyang pagtatanghal ng

No Rush, kasama ang mga mananayaw ng GAU Entertainment. 


Sinundan ito ng Crush on You, kung saan nakasama ni Kryzl sa entablado sina Josh Ford at Kira Balinger, na umani ng masigabong palakpakan mula sa mga manonood.


Naghatid din si Kryzl ng mga makabagbag-damdaming duet kasama ang kanyang mga espesyal na panauhin, kabilang ang Opo, Thank You Po kasama si Queenay Mercado at Hugs, Breathe, Smile kasama si Rachel Ann Pegason. 


Inialay ang huling awitin sa sampung benepisyaryo ng Purple Hearts Foundation, na naging isa sa mga pinakanakaaantig na sandali ng buong gabi.


Isa pang tampok na pagtatanghal ang Perfect Summer ng The Jorge Siblings, na lalo pang naging espesyal sa pamamagitan ng father-and-daughter dance nina Jhong Hilario at Sarina Hilario. 


Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Jhong ang patuloy na suporta ng pamilya ng Purple Hearts kay Sarina sa kanyang paglalakbay, habang pinuri rin niya si Kryzl sa mga kahanga-hanga nitong tagumpay sa murang edad.


Isa sa mga pinakaemosyonal na bahagi ng konsiyerto ang pag-awit ni Kryzl ng Hearts in Bloom, isa sa kanyang pinakabagong orihinal na kanta. 


Sa pamamagitan ng kanyang taos-pusong pag-awit at emosyonal na pagtatanghal sa entablado, naipakita niya ang kanyang patuloy na paglago bilang batang recording artist at tunay na naantig ang damdamin ng mga manonood.


Nagtapos ang konsiyerto sa Birthday LOVE, kung saan nakasama ni Kryzl sa entablado ang kanyang buong pamilya. 


Ang emosyonal na pagtatapos na ito ang nagsilbing magandang paggunita sa pangunahing mensahe ng gabi—ang pasasalamat, pagmamahal, pagkakawanggawa, at kahalagahan ng pagbibigay at pagtulong sa kapwa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page