top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | July 21, 2026



RUN WILD - COCO SOBRA ANG RESPETO KO KAY DINGDONG-IG _cocomartin_ph

Photo: File / IG _cocomartin_ph


Ang Primetime Queen ng GMA na si Marian Rivera ang unang nag-post ng mga larawang kuha sa muling pagkikita ng Primetime King ng GMA at ABS-CBN na sina Dingdong Dantes at Coco Martin.


Nilagyan niya ito ng caption na, “Si Atoy at si Gabo para sa AKTOR - League of Filipino Actors. #Soon.”


Sumunod namang nag-post si Dingdong sa kanyang Instagram (IG) account ng naturang mga larawan, kasama rin ang isang larawan nila ng wifey na si Marian, Iza Calzado at iba pang taga-AKTOR.


Mababasa sa masayang post ng bida ng The Master Cutter (TMC), “Magkaiba man ang programa, iisa lang ang layunin: pagmamahal at pagpapalakas ng ating industriya.


“Isang magandang Sunday meeting, may kasamang masayang kuwentuhan at makabuluhang palitan ng mga ideya, para pag-usapan ang isa na namang proyektong ilulunsad ng AKTOR sa ilalim ng pamumuno ng ating kapwa AKTOR member na si Coco Martin. Soon.


“Para sa AKTOR. Para sa mga aktor. Para sa industriya. Salamat, Coco. #ProudAktor @aktorph.”


Ilang oras ang nakalipas, nag-post na rin ang bida ng Batang Quiapo (BQ) sa kanyang Facebook (FB) page at nagpahayag si Coco ng labis na paghanga kay Dingdong at suporta sa lahat ng proyekto ng AKTOR.


“Sobra ang respeto ko sa taong ‘to. Maraming salamat, Kuya Dingdong Dantes, sa walang sawang pagmamahal at dedikasyon mo sa ating industriya,” sambit ni Coco.


Aniya pa, “Isa kang inspirasyon sa maraming tao dahil sa sipag at malasakit. ‘Di lang talento ang ipinapakita mo, kundi tunay na puso para sa industriyang mahal nating lahat.


“Nandito lang ako sa likod mo at buong puso ang suporta ko sa lahat ng iyong ginagawa, lalo na para sa AKTOR - League of Filipino Actors.”


Marami ngang celebrities ang natuwa at bumati sa muling pagsasama ng dalawang Primetime Kings, at na-excite ang mga netizens sa proyektong gagawin nila na ang alam namin ay mangyayari bago matapos ang taon.


Marami rin ang nagwi-wish na magsama sina Dingdong at Coco sa isang action movie o serye.


Ramdam din ng mga fans na walang rivalry sa kanila kahit magkatapat ang kanilang primetime series. Hoping ang mga netizens na magkaroon sana ng crossover, kahit mapadaan lang sina Atoy at Gabo sa magkabilang lugar.


Well, abangan na lang natin ang isang malaking proyektong ilo-launch ng AKTOR na tiyak na pag-uusapan bago matapos ang 2026.


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 21, 2026



FRANKLY - ANDI AT JAKE, HIRAP NA KAY ELLIE DAHIL TEENAGER NA-IG _unoemellio & _andieeigengirl

Photo: IG _unoemellio & _andieeigengirl


Inamin ni Andi Eigenmann na nahaharap sila sa malaking challenge ni Jake Ejercito ngayong teen-ager na ang kanilang anak na si Ellie.


Sa isang sit-down interview kay Karen Davila, naitanong sa dating aktres kung kumusta ang relasyon nila ngayon ng ama ng kanyang panganay.


Aniya, maayos naman ang co-parenting setup nila at nagpapasalamat siya kay Jake na katuwang niya sa pagpapalaki kay Ellie.


“We’re okay. We’re not really like other parents or co-parents that you see on social media, but we have a really good co-parenting relationship, I would say. And I’m so grateful to have him as my partner in raising Ellie,” pahayag ni Andi.


Pero dahil nasa teenage years na ang kanilang anak, medyo challenging stage raw ito sa kanila bilang mga magulang.


“We’re at an extremely difficult level. You know, we have a teenager. Ellie’s turning 15 this year, and she’s going on to Grade 9. So we’re being faced with more difficult challenges,” sey niya habang natatawa.


“I mean, I feel like every teenager’s parents can relate. So, I feel like us really getting along and seeing eye-to-eye is more inevitable at this stage than ever,” dagdag niya.


As we all know, dating magkasintahan sina Andi at Jake noong nasa showbiz pa ang aktres at nagbunga ang kanilang relasyon ng isang napakagandang bata sa katauhan ni Ellie.


Hindi sila pinalad na magkatuluyan at sa ngayon ay masaya na si Andi sa piling ng kanyang partner na si Philmar Alipayo. 

May dalawa silang anak, sina Lilo at Koa.


Naging madali raw para sa kanila ni Jake ang kalimutan ang nakaraan at magpatawaran sa kanilang mga pagkakamali noon dahil sa malaking pagmamahal nila sa kanilang anak.





MAS maraming Pilipino ang makakapanood ng local entertainment shows dahil inanunsiyo ng ABS-CBN ang bago nitong primetime lineup na mapapanood sa iba’t ibang platforms simula Hulyo 27.


Pangungunahan ito ng patok na action-romance drama na Coco Martin’s Sigabo sa ganap na 8 PM, na pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes.


Susundan ito ng inaabangang pagbabalik-teleserye nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador sa Someone, Someday (SS) sa ganap na 8:45 PM.


Mapapanood naman sa 9:30 PM ang romantic-thriller ng TV5 na A Secret in Prague (ASIP), na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Andrea Brillantes.


Samantala, mapapanood na rin ng Kapamilya viewers ang Book 2 ng inspirational drama ng TV5 na My Bespren Emman (MBE), na pinangungunahan nina JM De Guzman at Shaina Magdayao, tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 PM.


Masusubaybayan ang tatlong primetime shows at ang My Bespren Emman sa iba’t ibang platform sa pamamagitan ng ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel,


Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), iWant, at TFC.

Sa panahon ng pagbabago ng viewing habits, mahalaga ang kolaborasyon ng industry players para patuloy na mabigyan ang mas maraming viewers ng magagandang programa na nagpapakita ng husay ng Filipino talent at creatives.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | July 21, 2026



BULGARY - ANDI, UMAMING ‘DI 100% ANG SAYA-IG _andieeigengirl

Photo: IG _andieeigengirl



Naging emosyonal si Andi Eigenmann sa panayam ni Karen Davila sa kanya kamakailan. 

Naiyak siya nang mapag-usapan ang kanyang mga yumaong magulang na sina Mark Gil at Jaclyn Jose.


Bagama’t nakabuo siya ng masaya at kuntentong buhay sa Siargao, ibinunyag ng aktres na palaging may malaking puwang sa kanyang puso dahil sa kalungkutan.


Bukod dito, bilang anak ng mga sikat na artista sa showbiz, inamin ni Andi na palagi niyang kinukuwestiyon ang sarili kung paano niya mabibigyan ng hustisya ang pangalan ng kanyang mga magulang.


Sa pagninilay-nilay sa kanyang sitwasyon, inalala ni Karen na parehong pumanaw ang kanyang mga magulang sa medyo murang edad, si Mark sa edad na 50 at si Jaclyn sa edad na 60 na nag-iwan kay Andi na isang ulila sa edad na 30.


Nang tanungin kung ano ang pakiramdam sa maagang pagkawala ng dalawa niyang minamahal, hindi napigilan ni Andi ang kanyang emosyon. 


“S’yempre, mahirap talaga,” sabi niya habang umiiyak.

“Lagi kong ikinukuwento ang buhay ko rito, ang buhay ko sa isla, na para bang perpekto o masayang buhay ‘to. Masaya ako, kuntento ako. Pero ngayon, may malaking butas na ‘di na kailanman maaayos,” pag-amin niya.


Kahit na iniwan na niya ang showbiz upang mag-focus sa kanyang pamilya, ramdam pa rin niya ang patuloy na responsibilidad na pasanin ang mabigat na pamana ng kanyang mga magulang, lalo na’t pareho silang mga alamat ng industriya.


“Ako dapat ang kanilang pamana, at kung minsan, tinatanong ko ang aking sarili: Dapat ba akong magpatuloy upang mapangalagaan ko ang pangalan nila? Na bigyan ‘to ng buhay kahit matagal na silang wala?” pag-amin pa niya.


Sa huli, napagtanto niya na ang pagbibigay-pugay sa kanila ay hindi nangangahulugang pagbabalik sa kinang at kagandahan ng showbiz.


Sey ni Andi, “My mindset is just that I hope that they can see me flourishing in this life, and that it’s who they are—as authentic and strong people that inspired me to be the same. And somehow, it gets easier... but I miss them.


“I can’t help but imagine him coming here, wanting to go fishing with my husband and trying out surfing, and my mom as well, you know, staying here in Maison Bukana (private villa).”

Natatawa pa niyang sabi habang medyo naiiyak, “I am sad that they never got to this point... or see this life that I’ve built for myself. But I sure hope they’re proud.”





ITINANGGI ni Maja Salvador na may ‘sapawan’ sa set ng bagong ABS-CBN drama na Someone, Someday (SS) at iginiit na collaborative at teamwork ang umiiral sa kanilang grupo kahit may mga intense na eksena kasama si Kathryn Bernardo at iba pang cast members.


Sa kanyang panayam, sinabi ng aktres na, “‘Di pinapaandar kunwari ‘yung ego, o mas sikat ako, o mas (magaling), ganyan.”


Pinuri pa niya si Kath bilang ‘captain ng show’ na mahusay mag-lead at nagtataguyod ng maayos na atmosphere sa set.


Ang serye ay pagbabalik ni Maja sa primetime television matapos ang kanyang huling teleserye noong 2022, kung saan inamin niyang may adjustment sa pagbabalik sa trabaho bilang ina, ngunit nagbigay ito sa kanya ng mas malalim na perspective bilang artista.


Dagdag pa ni Maja, “Kaya, walang sapawan. May kani-kanya kaming mga eksena. May kani-kanya kaming mga moments. At ‘pag ibibigay naman ‘yun sa ‘yo, i-grab mo talaga ‘yung opportunity na ‘yun.”


‘Yun naman pala!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page