top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | July 21, 2026



RUN WILD - COCO SOBRA ANG RESPETO KO KAY DINGDONG-IG _cocomartin_ph

Photo: File / IG _cocomartin_ph


Ang Primetime Queen ng GMA na si Marian Rivera ang unang nag-post ng mga larawang kuha sa muling pagkikita ng Primetime King ng GMA at ABS-CBN na sina Dingdong Dantes at Coco Martin.


Nilagyan niya ito ng caption na, “Si Atoy at si Gabo para sa AKTOR - League of Filipino Actors. #Soon.”


Sumunod namang nag-post si Dingdong sa kanyang Instagram (IG) account ng naturang mga larawan, kasama rin ang isang larawan nila ng wifey na si Marian, Iza Calzado at iba pang taga-AKTOR.


Mababasa sa masayang post ng bida ng The Master Cutter (TMC), “Magkaiba man ang programa, iisa lang ang layunin: pagmamahal at pagpapalakas ng ating industriya.


“Isang magandang Sunday meeting, may kasamang masayang kuwentuhan at makabuluhang palitan ng mga ideya, para pag-usapan ang isa na namang proyektong ilulunsad ng AKTOR sa ilalim ng pamumuno ng ating kapwa AKTOR member na si Coco Martin. Soon.


“Para sa AKTOR. Para sa mga aktor. Para sa industriya. Salamat, Coco. #ProudAktor @aktorph.”


Ilang oras ang nakalipas, nag-post na rin ang bida ng Batang Quiapo (BQ) sa kanyang Facebook (FB) page at nagpahayag si Coco ng labis na paghanga kay Dingdong at suporta sa lahat ng proyekto ng AKTOR.


“Sobra ang respeto ko sa taong ‘to. Maraming salamat, Kuya Dingdong Dantes, sa walang sawang pagmamahal at dedikasyon mo sa ating industriya,” sambit ni Coco.


Aniya pa, “Isa kang inspirasyon sa maraming tao dahil sa sipag at malasakit. ‘Di lang talento ang ipinapakita mo, kundi tunay na puso para sa industriyang mahal nating lahat.


“Nandito lang ako sa likod mo at buong puso ang suporta ko sa lahat ng iyong ginagawa, lalo na para sa AKTOR - League of Filipino Actors.”


Marami ngang celebrities ang natuwa at bumati sa muling pagsasama ng dalawang Primetime Kings, at na-excite ang mga netizens sa proyektong gagawin nila na ang alam namin ay mangyayari bago matapos ang taon.


Marami rin ang nagwi-wish na magsama sina Dingdong at Coco sa isang action movie o serye.


Ramdam din ng mga fans na walang rivalry sa kanila kahit magkatapat ang kanilang primetime series. Hoping ang mga netizens na magkaroon sana ng crossover, kahit mapadaan lang sina Atoy at Gabo sa magkabilang lugar.


Well, abangan na lang natin ang isang malaking proyektong ilo-launch ng AKTOR na tiyak na pag-uusapan bago matapos ang 2026.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 27, 2020




Buntis na ang long-time partner ni Jhong Hilario na si Maia Leviste Azores sa kanilang first child.


Ipinost ni Jhong sa kanyang Instagram account ang piktyur nilang dalawa ni Maia kung saan makikita ang baby bump nito.


Caption ni Jhong, “Thank you Lord! #SamplePrince or #SamplePrincess #Soon.”


Bumuhos naman ang congratulatory messages sa comments section ng naturang post ni Jhong at kabilang sa mga bumati sa kanila ni Maia ay ang mga kasamahan niya sa “It’s Showtime!” na sina Kim Chiu, Amy Castillo, Vhong Navarro, at Ryan Bang, gayundin sina Dimples Romana, Rayver Cruz, Karla Estrada, Yam Concepcion, atbp..

 
 
RECOMMENDED
bottom of page