top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 5, 2026



TALKIES - MIGUEL, GANDANG-GANDA KINA MARIAN, KRISTINE AT MYLENE-IG _migueltanfelix

Photo: IG _migueltanfelix



Bukod sa kanyang girlfriend na si Ysabel Ortega, ibinahagi ng aktor na si Miguel Tanfelix ang kanyang Top 3 na pinakamagagandang Pinay actresses sa isang panayam.


Ayon kay Miguel, ang kanyang mga napili ay sina Marian Rivera, Kristine Hermosa, at Mylene Dizon.


Nang tanungin kung bakit sila ang kanyang mga choice, sinabi niyang si Marian ang kanyang No. 1 dahil sa tingin niya ay napakaganda nito. Samantala, inilarawan naman niya si Kristine bilang may ‘classic beauty’. 


Si Mylene naman ay napili niya dahil aniya, medyo magkahawig ito at ang kanyang mommy.


In fairness kay Miguel, ang ganda ng taste niya pagdating sa magagandang babae. Sa true lang…





MALAPIT nang ilunsad ang PinaSexy Challenge (PC), isang exciting challenge series na magtatampok sa walong kilalang social media personalities na magpapakitang-gilas sa iba’t ibang masaya, nakakakaba at hindi inaasahang hamon.


Kabilang sa mga tampok na influencers sina Vannesa Raval, Queen Money, DJ Justine Joyce Dayag, Trixie Escosis, Tei Escosis, Aki Mitu, Nikkie Millares, at Eunice Andrea.


Sa katatapos lamang na pocket press conference ng PC na ginanap sa Ayala Feliz, nakapanayam ng media ang ilan sa mga sikat na influencers na kabilang sa mga sasabak sa naturang reality challenge.


Sa panayam, ibinahagi ng mga kalahok ang mga dapat abangan sa PC, pati na rin kung sino ang kanilang nais na makapareha sakaling mabigyan ng pagkakataong magkaroon ng love team.


Ayon kay Eunice Andrea, si Donny Pangilinan ang nais niyang maging ka-love team.


“Kung mabibigyan po ako ng ka-love team, ang gusto ko po talaga ay si Donny Pangilinan. Pinag-aagawan po namin s’yang tatlo, pero sana, ako ang piliin,” ani Eunice habang natatawa.


Dagdag pa niya, hindi lamang tungkol sa pagiging ‘sexy’ ang ipinapakita ng show.

Aniya, “Aabangan po nila sa PinaSexy Challenge na ang ibig sabihin ng ‘sexy’ ay ‘di lang panlabas na anyo. Mas ipinapakita rito ang lakas ng karakter. Palakasan ito ng stamina at strength. Iba talaga ang mga challenges na ipinagawa sa amin—sobrang challenging talaga. Sigurado akong matutuwa kayo sa mga makikita at mapapanood ninyo.”


Samantala, inamin ni Aki Mitu na matagal na niyang crush ang aktor na si Donny at ito rin ang nais niyang makapareha kung mabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng love team.


“Ang gusto kong maka-love team ay si Donny Pangilinan kasi super crush ko po talaga s’ya. Kaso may Belle (Mariano) na s’ya at bagay na bagay talaga sila,” ani Aki.

Pabiro pa niyang idinagdag, “Kung magkakaroon ng pagkakataon, gusto ko s’yang mapangasawa.”


Ibinahagi rin ni Aki ang mensaheng nais iparating ng PC, kung saan aniya, hindi lamang panlabas na kagandahan ang ipinapakita ng programa.


Saad ni Aki, “Abangan ninyo ang PinaSexy Challenge. Dito ninyo makikita na ‘pag sinabi mong sexy, ito ay ang lakas ng babae, ang kanyang tapang, determinasyon, at ‘di pagsuko. ‘Yan ang tunay na kahulugan ng pagiging sexy na makikita ninyo sa PinaSexy Challenge.”


Para naman kay Trixie Escosis, wala pa siyang naiisip na gustong maka-love team.

Sey niya, “Sa love team, wala pa po akong idea. Natutuwa ako na si Donny Pangilinan ang type nila, pero sa akin, wala pa talaga akong naiisip.”


Ayon kay Trixie, ibang bersiyon ng kanyang sarili ang mapapanood ng publiko sa reality challenge.


Aniya, “Siguro, ang aabangan ninyo sa PinaSexy Challenge ay ibang Trixie. Makikita ninyo akong palaban pero at the same time, ine-enjoy ang journey at ang friendly competition. Nakakatuwa kasi ibang version ko ‘to, at gusto ko rin itong i-share sa inyong lahat. Sana, magustuhan n’yo ang makikita ninyo.”


Sa nasabing panayam, napag-usapan din ang husay sa pagdidirek at magandang pakikitungo ng actress-director ng PC na si Kristel Moreno.


Nagkaisa sina Eunice Andrea, Aki Mitu at Trixie Escosis sa paghanga kay Direk Kristel. Ayon sa kanila, bukod sa husay nito sa pagdidisenyo at pangangasiwa ng mga hamon sa programa, kapansin-pansin din ang pagiging mabait, approachable, at pala-kaibigan nito sa buong cast.


“Idol ko si Direk (Kristel). Sobrang idol ko po s’ya at ang bait n’yang direktor. ‘Di mo mararamdaman na direktor talaga s’ya dahil parang tropa lang s’ya ‘pag kasama mo,” saad ng mga kalahok.

Nagpasalamat din sila kay Direk Kristel sa pagkakataong maging bahagi ng programa.


“Nagpapasalamat ako kay Direk sa experience. Sobrang nag-enjoy po talaga kami. Very grateful ako kay Direk dahil napaka-approachable niya,” dagdag pa nila.

Well, saksi si yours truly sa tunay na ugali ni Direk Kristel, kung gaano siya kabait, lalo na bilang isang anak.


Kaya naman hindi nakapagtatakang super-proud ang kanyang mother dearest na si Annabelle Valdes Moreno. Talagang makikita ang ganda ng pagpapalaki niya kay Direk Kristel. ‘Di ba naman, Mommy Anna?


Anyway, patuloy na ang paghahanda para sa opisyal na premiere ng PinaSexy Challenge. Abangan ang mga susunod na anunsiyo at updates sa official social media pages nito.

‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 5, 2026



SHEET - CARLO AT JUDAY, PASOK DAW SA INCOGNITO 2-IG _jose_liwanag & _officialjudayph

Photo: IG _jose_liwanag & _officialjudayph



Kasama na pala si Carlo Aquino sa Incognito 2

May kumalat na video mula sa airport ng Tawi-Tawi kasama ang grupo na magte-taping ng nasabing serye na ipapalabas ngayong 2026.


Gagampanan kaya niya ang tulad ng karakter ni Baron Geisler bilang sniper at doktor ng grupo dahil importanteng may kasama silang may alam sa medisina kapag may aksidente?


O ang karakter ni Richard Gutierrez bilang dating miyembro ng military na gustong ituwid ang mga katiwalian sa gobyerno? O, baka naman pain siya?


Nabanggit namin sina Richard at Baron dahil ang tsika sa amin ay hindi na kabilang sina JB (Richard) at Miguel Tecson o Jaguar sa sequel ng Incognito.


Bukod-tanging sina Daniel Padilla, Kaila Estrada, Maris Racal, Anthony Jennings at Ian Veneracion ang natira sa original cast na sasamahan ni Carlo.


Trulili rin kaya na kasama si Judy Ann Santos sa Incognito 2


Bagama’t wala pa kaming nakikitang larawan o video na kasama ang aktres at hindi pa namin ito makumpirma dahil walang resibo, naringgan namin ang taga-production na ka-join si Juday at kung ano ang karakter niya.


In fairness, nag-aral si Juday ng martial arts kaya pasok siya kung anuman ang karakter niya rito.


Going back to Richard, nanghinayang kami kung bakit hindi na siya ka-join sa sequel ng Incognito gayung hindi naman siya namatay sa kuwento. 


Ang ibinigay na dahilan sa amin ay,

“May Blood vs. Duty (BVD) kasi s’ya. Nagte-taping na s’ya nang mabuo ang Incognito at ‘di na rin mahahabol kasi nag-abot,” katwiran ng taga-ABS-CBN.


Inakala naman namin na may kakambal si Baron bilang si Miguel Tecson kaya umasa rin kaming kasama siya sa Part 2, pero wala na rin pala siya.


Excited kami sa Incognito 2 dahil isa ito sa talagang mga inabangan namin gabi-gabi sa Netflix nang walang sablay.





NAGPAABOT ng puspusang pasasalamat sina Kathryn Bernardo at James Reid sa mainit na pagtangkilik ng manonood sa loob at labas ng Pilipinas para sa kanilang comeback seryeng Someone, Someday (SS) kasama si Maja Salvador, matapos itong manatiling nangungunang serye sa Netflix Philippines at makapasok din sa listahan ng Top 10 most-watched TV shows sa Singapore at Malaysia kasabay ng premiere nito.


“We are very grateful sa lahat ng Kapamilyas natin na sumubaybay not just on Netflix in the Philippines but also sa iba’t ibang parte ng mundo. I heard maganda rin ‘yung pagtanggap sa Singapore and also in Malaysia. Grabe, nakakatuwa s’ya,” sabi ni Kathryn sa panayam ng TV Patrol.


Hindi naman lubos na inakala ni James ang pagmamahal at positibong reaksiyon mula sa mga fans at sinabing, “We just want to say thank you, mga Kapamilya, for all the support, for the warm welcome for this very hot first week. Honestly, your support and the reactions exceeded my expectations, so thank you so much.”


Sa kasalukuyang takbo ng kuwento, patuloy ang imbestigasyon nina Billy (Kathryn) at Jordan (James) para matunton ang taong nag-utos kay Caloy (McCoy De Leon) sa nangyaring hacking sa LoveList dating app dahil tila gusto nilang pabagsakin si Billy. 


Samantala, unti-unting ipinapakita ni Abi (Maja) ang totoo niyang pagkatao dahil nauwi sa mapanganib na kahibangan ang paghanga niya kay Billy sa katakut-takot na panghihimasok niya sa pribadong buhay nito.


Subaybayan ang SS gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at TFC. 


Napapanood din ito 72 hours in advance sa Netflix at 48 hours in advance sa iWant.


Para makakuha ng updates sa Someone, Someday, bisitahin ang ABS-CBN website. 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook (FB), X (dating Twitter), Instagram (IG) at TikTok (TT), o bisitahin ang ABS-CBN newsroom website.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | August 5, 2026



RUN WILD - BARBIE, INILABAS ANG PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza

Photo: IG _barbaraforteza


Isang malutong at matapang na “F*ck no!” ang pinakawalang sagot ni Barbie Forteza nang tanungin ang cast ng Saving Cherry (SC) kung dapat bang bigyan ng second chance ang mga cheaters.


Big “No” rin ang sagot nina Mika Salamanca, Mikee Quintos, AC Bonifacio at Sassa Gurl na gumaganap na mga kaibigan ni Barbie sa pelikulang mula sa Regal Entertainment na showing na sa September 2.


At si Khalil Ramos naman, na asawa ni Barbie sa movie at nag-cheat ay ganoon din ang paniniwala.


Sabi ng aktor, “I believe no, simply because it is impossible to restore the relationship after breaking the trust and respect.”


Karamihan sa mga katwiran nila, kung nagawa kang lokohin ng ka-partner mo, puwede pa ring maulit kahit binigyan na ng second chance.


Samantala, ibang-iba nga ang role ni Barbie sa movie na ikagugulat talaga ng mga fans niya dahil may pagka-wild ito.


“I play the role of Cherry. Ang role ko po rito ay I am the wildest virgin you would ever see. And you will find out why.


“She is the wildest woman I have ever portrayed to date. Wow! May susunod?” natatawang sagot ni Barbie.


Aniya pa, “S’ya ‘yung wildest and most freeing. Lahat ‘yun, ipinagpapasalamat ko kay Direk Ivan (Payawal) kasi, not just ‘yung role pero ‘yung freedom, parang approaching every scene.

“Binigyan n’ya kaming lahat ng buong laya as to how we understood every scene. Nakinig s’ya sa amin. He is really a good captain. Thank you so much!”


Nagulat din si Barbie na kaya niyang magpaka-wild sa movie.

Kuwento ng Kapuso actress, “In-unleash ko lang ‘yung wild side ko. Hahaha!


“So, ‘di ko rin akalain na meron din akong ganu’ng side. Wild pero may dahilan, may lalim. So, parang ito ‘yung most mature role ko because we will tackle about marriage. Ito ‘yung role ko na kasal na ako agad-agad, umpisa pa lang. Marami talagang pagdaraanan ang pelikula.”


Labis din ang pasasalamat niya sa Regal sa pag-offer ng kakaibang project.

Sabi niya, “To Regal, comeback ko po ito, so thank you again, maraming-maraming salamat po.”


Nakasama pala si Barbie sa episode na Bangungot ng Shake, Rattle & Roll 9 (SRR9), na naging official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2007. Ito rin ang first movie niya sa Regal. Gumanap siya bilang young Roxanne Guinoo. Ten years old pa lang siya noon at ngayon nga ay nagbabalik siya bilang bida ng SC.


Sobra raw siyang na-overwhelm nang i-offer ng Regal ang movie dahil sa ipinakitang treatment at sa kaseryosohan nilang maging bahagi siya ng project.


Kuwento niya, “So, du’n pa lang, convinced na ako. ‘Di ba, ‘pag ganu’n ang respeto at trato sa ‘yo na gusto kang makatrabaho, bakit ka naman hihindi?” saad niya.

“Tapos, nalaman ko pa na bagong materyal s’ya para sa akin.


“Actually, sinabi rin sa akin ni Gabbi Garcia dahil nag-message ako sa kanya. Sabi n’ya, ‘Nagulat nga rin ako na tinanggap mo ‘yan. Kakaiba talaga ‘yan para sa ‘yo. I’m very, very excited for you.’


“Sinabi ko nga sa kanya na magkakatrabaho kami ni Khalil Ramos sa project na ‘to.

“I’m excited for everyone to see it dahil sa ibang projects ko, palagi nilang sinasabi na ibang Barbie ang mapapanood. Pero ibang Barbie talaga ‘to. Nu’ng nabasa ko ‘yung script, sabi ko talaga, ‘Ah, okay, patung-patong kami. Okay, go!’”


Pahabol pa niya tungkol sa movie, “With Cherry, sabi ni Direk Ivan, ‘All-out comedy ‘to, Barbie. As in wild comedy, pero punumpuno ito ng puso.’


“So, ‘yun din ang ginawa ko, na kahit nagpapatawa ako, totoo ‘yung emosyon. Kahit na ang atake o ang scene objective is supposed to be funny, where I’m coming from emotionally should be real!”


Panigurado pa ni Barbie na magiging worth it ang panonood ng movie nila dahil lahat ng ginawa niya ay hindi puwedeng gawin sa TV.

Kasama rin sa cast sina Joey Marquez, JC Alcantara, Kokoy de Santos, Almira Muhlach, Monina Lawrence at introducing si Than Perez.





NATUPAD nga ang birthday wish ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na nag-celebrate ng kanyang ika-46 na kaarawan noong August 2.

Mas pinili nga nina Dong at Marian Rivera, na magbi-birthday naman sa August 12, na magbakasyon sa Amerika kasama sina Zia at Sixto at doon na nga mag-celebrate.


Sa kanyang Facebook (FB) post nitong August 3, makikita ang mga larawan, at ang isa ay kasama si Marian. Kuha ito sa TCL Chinese Theatre sa Hollywood, California.


Caption ng birthday boy: “Birthday wish granted.

“A rare movie date with my love. The Odyssey in IMAX 70mm at the Chinese Theatre in Hollywood.


“After months of nonstop work, this was exactly the breather I needed, made even more special by sharing it with her.


“And somewhere between the first frame and the last, I remembered why I fell in love with making movies in the first place.”


Nag-post din si Marian ng madamdaming mensahe na punumpuno ng pagmamahal at larawan ni Dingdong kasama ang dalawang anak.

Panimula sa birthday message ni Marian at ng dalawang anak, “Happy Birthday, Dada!


“Thank you for being the most loving husband and the most amazing father to our family. Watching you love, guide, and protect our children is one of the greatest blessings of my life.”


Dalangin pa ng aktres, “I pray that God continues to bless you with good health, happiness, wisdom, and strength. May all the dreams in your heart come true, and may you always feel how deeply you are loved—not just today, but every single day.

“We are so grateful for you. Thank you for being our safe place. We love you beyond words.


“Happy Birthday, Dada! Here’s to more beautiful memories together.”

Samantala, ang pelikulang Remember ng mag-asawa, na kinunan pa sa Canada at balitang sa November 11 na ang showing nationwide ay inaabangan na nga ng mga DongYan (Dong at Marian) fanatics.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page