top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 22, 2026



TALKIES - CHARIZ, UMAMING MAY THIRD EY-IG _chariz_solomon

Photo: IG _chariz_solomon



Inamin ng TV host-actress na si Chariz Solomon na may ‘third eye’ siya.

Sa kanyang pagharap sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), diretsahang tinanong ng King of Talk si Chariz tungkol sa naturang kakayahan.


Pabirong sagot ni Chariz, “Yes, check. Meron din akong second mouth.”

Ngunit nang seryosong sagutin ang tanong, kinumpirma ni Chariz na mayroon nga siyang third eye.


“Meron po, Tito Boy,” saad niya.


Ayon sa aktres-host, una niyang napansin ang kakaibang karanasan noong high school pa lamang siya. Aniya, tila lumalabas o nagiging mas aktibo ang kanyang kakayahan kapag siya ay lubhang vulnerable, malungkot o maraming pinagdaraanan.


“I think it comes out sa time na sobra kang vulnerable, sobra kang malungkot na tao, saka s’ya nag-o-open,” kuwento ni Chariz.


“Parang na-observe ko, nangyayari s’ya ‘pag sobrang lungkot mong tao. ‘Pag marami kang darkness inside,” saad pa niya.


Sa ngayon, sinabi ni Chariz na hindi na raw ganoon kalakas ang kanyang nararanasan, pero naniniwala siyang hindi ito tuluyang mawawala.


Ibinahagi rin ng aktres ang ilan sa mga hindi pangkaraniwang bagay na umano’y nakita niya.


Kuwento niya, minsan ay nakakita siya ng tila isang taong biglang tumawid sa kalsada habang nagmamaneho sila noon ng kanyang boyfriend. 


May mga pagkakataon din umano na may nakakasalubong siya sa banyo.

Aniya, hindi niya literal na nakikita ang mukha ng mga ito, ngunit tila may ibang paraan kung paano niya nalalaman ang kanilang hitsura at emosyon.

Aniya, “Parang ibang klaseng communication.” 


Paliwanag niya, “Basta ang nakikita mo lang is a bright light tapos in your mind, nagre-register ‘yung hitsura, ‘yung emotions nila.”


Mas naging seryoso ang kuwento nang ibahagi ni Chariz na may pagkakataon ding nakaranas siya ng umano'y pananakit.


Ayon sa aktres, nangyari ito sa isang bahay na tinirhan nila noon sa Pasay.

“Akala mo nanaginip ka, akala mo bangungot, tapos kinalmot ka. Tapos, paggising mo, nakalmot ka talaga,” kuwento niya.


Ibinahagi rin niya ang isa pang nakakatakot na karanasan noong high school siya, nang umano'y makaramdam siya na sinasakal habang natutulog.


In fairness kay Chariz, positibo pa rin ang life niya sa kabila ng mga kakaibang karanasan.





SUPER proud ang mahusay na aktres na si Isabel Rivas sa kanyang mga apo na sina Heather Sloane at Austin Titus, mga anak ng kanyang nag-iisang anak na si Richard Chua at ng aktres na si Nadine Samonte.


Sa social media, muling ibinahagi ni Isabel ang post ng kanyang beautiful daughter-in-law na si Nadine tungkol sa anak nitong si Heather. Ipinakita niya kung gaano siya kasaya bilang isang lola na makita ang kanyang mga apo na natututong magsikap, mag-ipon at maging responsible sa murang edad.


Sa caption ni Isabel, saad niya, “Friends: I’m a happy grandma seeing how my little angels are learning early how to sell & save for what they want. This time, it’s a cute real fluffy duck. Can’t wait for her pet to arrive!”


In fairness sa mga apo ni BFF Isabel, bata pa lang ay mga negosyante na. Ang gaganda nina Heather at Harmony, at ang guwapo naman ni Titus—tipong pang-artista rin! Ang tanong, papayagan kaya sila ni Grandma Dearest Isabel na pasukin ang showbiz? 

‘Yan na!





Maraming takot sa kanya…

TESSIE, AMINADONG MALDITA



DIRETSAHANG tinanong ni Morly Alinio sa kanyang YouTube (YT) channel ang beteranang aktres na si Tessie Tomas kung maituturing ba siyang ‘maldita’.

Tanong ni Morly, “Diretso, maldita ka ba?”

Napatawa si Tessie bago sumagot.


Ani Tessie, “Hahaha! Maldita siguro in a sense na ‘di ko sinasadyang mang-api ng tao o manakit.


“‘Di naman ako nakakatakot. Siguro, sila ang natatakot, ‘di ba? Kasi nalulula sila. Pero I try to make them comfortable.”


At kapag napapansin niyang naiilang o nate-tense ang isang tao, gumagawa siya ng paraan para maging komportable ito sa pamamagitan ng pagbibiro.


Aniya, “Kung minsan, nagdyo-joke ako ‘pag alam kong nate-tense sila.”


Well, hindi lahat ng mukhang mataray ay maldita. Minsan, sila pa nga ang mas mabait, ‘di ba naman, Tessie Tomas?

‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | August 22, 2026



RUN WILD - STELL NG SB19, TRENDING DAHIL SA NEW SON-IG _stell16

Photo: IG _stell16



Tulad ng inaasahan, pasok sa Top 1 trending sa Philippines ang #StellCrazy sa X (dating Twitter).


Saktong 12 AM (August 21) nang ilabas ang comeback solo single na Crazy ng SB19 member na si Stell Ajero sa top music platforms, agad naman itong nag-number one sa Trending in PH.


Nasa Top 7 naman ang GO1NG CRAZY BUKAS NA, na naunang nag-trending.

Bandang alas-8 nang gabi, inilabas naman ang video ng naturang single. Ilang oras na ang nakalipas, hindi pa rin natitinag sa top spot.


Nakuha naman ng sikat na Korean boy band na ENHYPEN ang mga sumunod na top music trending post kung saan ini-release naman ang kanilang ika-8 mini-album noong August 21 din.


Trending ang mga hashtags sa puwesto na: 2. #THE_SIN_BLISS_OutNow, 3. #BloodyParadise at 4. #ENHYPEN.


Ang tindi talaga ng kasikatan ng SB19 at hindi talaga nagpapabaya ang A’Tin para laging pasok sa top trending ang mga ganap ng P-Pop Kings.





Hirit ni Gabbi, shaking na ang Hollywood actress… KHALIL, PALABAN KAY ANNE HATHAWAY SA DAMI NG PROJECTS



TRENDING at kinatuwaan ng mga netizens ang Facebook (FB) post ng aktor na si Khalil Ramos noong August 19.


Makikita ang screenshot ng kanyang Instagram (IG) bio kung saan naka-line-up ang mga upcoming projects niya sa September na katulad ng style sa social media ng sikat at Oscar-winning Hollywood actress na si Anne Hathaway.


Tila pagbibirong caption ni Khalil, “Oh, sorry, Anne Hathaway.”

Agad namang nag-comment ang kanyang girlfriend na si Gabbi Garcia, “Anne Hathaway is shaking, sama mo na si Tom (Holland) and Zendaya.”


Natawa naman si Iza Calzado at sabi nito, “Seriously, you deserve all the blessings. Congratulations!!!”


Narito ang mga projects ni Khalil for next month: Saving Cherry (SC) ng Regal Entertainment na showing na sa September 2, kung saan leading man siya ni Barbie Forteza, BL-fantasy film na Patay Gutom (PG) kung saan katambal niya rito si Ian Pangilinan, na part naman ng Puregold CinePanalo Film Festival (September 23 - October 4), at kasama rin siya sa star-studded series na pinagbibidahan nina Megastar Sharon Cuneta at Barbie, ang Honor Thy Mother (HTM), na streaming naman sa Prime Video PH simula sa September 11.


Kamakailan ay tila na-canonize bilang unofficial patron saint of productivity ng internet si Anne dahil ang kanyang Instagram bio ang textbook definition ng ‘peak ng career!’

Nakalagay nga sa bio ni Anne ang dalawang pelikulang magkasunod na ipinalabas sa mga sinehan, ang mega-blockbuster na The Odyssey (TO) at The End of Oak Street (TEOOS).


Sa Oktubre, bida naman siya sa movie adaptation ng psychological romantic thriller novel na Verity ni Colleen Hoover.


Early this year, ipinalabas ang mga pinagbidahan ni Anne, ang Mother Mary (MM) at The Devil Wears Prada 2 (TDWP2), na parehong streaming ngayon.

Komento ng mga netizens:


“Napaisip pa ‘ko, naalala ko nga pala this year ang dami ring premiere showing ni Anne Hathaway. Hahaha!”


“Actually, deserve naman talaga ni Khalil ang maraming projects since magaling s’ya — not only limited sa acting but pati theater, sing, dance + photography pa.”

“Just spotted a strong Anne Hathaway contender.”

“Anne Hathaway worthy opponent.”


“Oh, pak! Peak ng career. Ang daming ganap ni Khalil, the cinephile!”

“The reference is referencing.”


“PEAK NG CAREER!! Kinabahan na rin si Zendaya.”

“Booked and Blessed! HAHAHAHAHA.”





PROUD daddy si Quezon City (QC) Councilor Alfred Vargas sa pagkapanalo ng kanyang unico hijo na si Cristiano dahil sa isinuot niyang barong.

Ibinahagi ng aktor-pulitiko ang sobrang cute na photo ng anak nila ni Yasmine Espiritu-Vargas.


Caption ni Alfred, “Proud to be from Lumban, Laguna- the Embroidery Capital of the Philippines.


“Cristiano won ‘Pinakamagandang Kasuotan,’ wearing a beautiful barong that proudly showcases the artistry and craftsmanship our town is known for.


“Thank you, Liza Mondez Barong for making him look extra guwapo!”

Umani nga ng papuri si Cristiano at halos lahat ay agree sa kanyang pagkapanalo.


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 22, 2026



FRANKLY - AMY, 6 NA TAONG NAG-SHABU-IG _amyaustria_ventura

Photo: IG _amyaustria_ventura



Hindi ikinakaila ng veteran actress na si Amy Austria na dumating din siya sa puntong nalulong siya sa ipinagbabawal na gamot.


Sa kanyang panayam sa The Daily Dish (TDD) ng Bilyonaryo News Channel (BNC), nag-open-up ang aktres at binalikan ang madilim na bahaging iyon ng kanyang buhay.

Kuwento ni Amy, gusto lang daw niyang magpapayat noon kaya sinubukan niya ang shabu.


“Nu’ng una, parang ‘Ay, wala naman,’ okay lang s’ya, ‘Ah, puwede mo naman s’yang itrabaho.’

“Pero little by little, ‘di mo alam na hahanap-hanapin mo na s’ya. Tapos, ‘pag ayaw mo na, tulog ka nang tulog, kain ka na nang kain, tumataba ka na, ‘di ka na maka-banyo, ang sakit na ng ulo mo sa ‘kakatulog,” kuwento niya.


At kahit gusto raw niyang tumigil na ay hindi niya magawa dahil hindi na rin siya makakilos kung wala ito.


“Hanggang sa dumating sa point na almost one year in-out, in-out, in-out. Sabi ko, ayoko na. Papaano ‘to?


“Pero maski ayaw mo na, dahil nga ‘yung katawan mo, ‘di ka na makakilos, wala ka nang magawa, sige na, bibili ka na naman.


“And then, pagkabili mo, ‘yan, magagawa mo na naman, malilinis mo na ulit ang bahay, magagawa mo na lahat ng dapat mong gawin, makakapag-banyo ka na,” pagtatapat niya.

Inabot din daw ng anim na taon ang pakikipaglaban niya sa drug addiction.


Hanggang sa inimbita raw siya ng kaibigang aktor na si Christopher de Leon sa isang retreat.


“Nu’ng in-invite ako ni Christopher de Leon na um-attend ng Oasis of Love, du’n sa retreat nila, sumama ako. This time, sabi ko, ‘Lord,’ kinausap ko s‘ya, ‘Sa ‘Yo na ‘to. Alam mo naman na six years ko nang gustong tanggalin ‘to. ‘Di ko kaya,’” saad niya.


Thankfully, nalampasan na ni Amy ang panahong iyon at ang journey niyang ito ay tiyak na magsisilbi ring inspirasyon sa ating mga kabataan, lalo na nga sa mga batang artista ngayon.





Nag-throwback sa pinagsamahan nila…

MANILYN, NAG-ARTISTA DAHIL SA IDOL NA SI JULIE VEGA



MAY emotional major throwback si Manilyn Reynes sa kanyang social media account nitong Huwebes.


Sa Instagram (IG), ibinahagi ng aktres-singer ang old photo niya kasama ang yumaong child actress na si Julie Vega.


Makikita sa larawan na pareho pa silang mga bata ni Julie, whom she revealed na idol niya.


“With Ate Pearl, Ms. Julie Vega…” simula ng caption ni Mane.


Ikinuwento niyang noong hindi pa siya artista ay lagi niyang pinapanood ang Anna Liza (AL), ang sikat na soap opera na pinagbidahan ni Julie.


“Ang dahilan ng panonood ko ng Anna Liza sa @gmanetwork bago ako napunta sa Manila. Tuwing umiiyak s’ya sa scene, I would cry too,” aniya.


Kaya naman pinangarap daw niya na maging artista at makasama si Julie, na nagkatotoo naman.


“One day, while watching (and crying, hihi), sabi sa ‘kin nila Daddy at Mama, ‘Hala, nganong hilak man ka? Artista ka? (Hala, ba’t umiiyak ka? Artista ka ba?)’


“Sagot ko: ‘Usa ka adlaw makit-an ko ninyo dinha (Isang araw makikita n’yo ako r’yan (referring to the TV, and the show Anna Liza).’


“And true enough, naging part nga ako ng show ~ as DODIT, the niece of Greg (Tito Robert Arevalo) and Elvie (Tita Marissa Delgado),” pagre-recall ni Mane.

Isa pang dream niya na natupad ay nakasama rin daw niya si Julie sa debut film niya.


“At nagkasama pa kami sa first movie kong To Mama With Love, at Dear Mama. Dreams do come true po talaga,” saad ng aktres-singer.


Matatandaang pumanaw si Julie noong May 6, 1985 at the young age of 16 at sa kasagsagan ng kanyang kasikatan. Her cause of death was cardiac arrest secondary to bronchopneumonia, following a battle with the rare autoimmune disease.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page