top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 14, 2026



SHEET - RICHARD, OUT NA SA INCOGNITO 2, PINALITAN NI CARLO-IG _richardgutz & _jose_liwanag

Photo: IG _richardgutz & _jose_liwanag



Mainit na talakayan sa socmed (social media) ang hindi pagbanggit sa pangalan ni Richard Gutierrez sa Incognito 2 (I2), na ibig sabihin ay hindi siya kasama kahit isa siya sa original cast.


Maraming fans ni Chard ang umaapela na isama raw siya dahil isa ang karakter niyang si JB Bonifacio o code name na ‘Shark’ sa may malaking ambag sa kuwento.


Matatandaang nasulat namin dito sa BULGAR na hindi na kasama ang aktor sa sequel ng programang inabangan mula Aparri hanggang Jolo (pahiram, Eat… Bulaga!), kung saan maging sa ibang bansa ay bukambibig ang Incognito, lalo na ng mahihilig sa aksiyon.


Nabanggit namin sa aming panulat na kaya hindi nakasama si Richard ay dahil nagsimula na siya sa Blood vs. Duty (BVD) noong nabuo ang I2 at hindi naman puwedeng iwan ng aktor ang seryeng kasama si Gerald Anderson dahil silang dalawa ang bida rito.


Sa isang event ay natanong si Richard tungkol sa I2

Incognito 2? I think they started filming, ‘di ko alam, eh, ‘di ako updated,” kaswal nitong sagot.


Sa pagkakaalam namin ay nabanggit ito noon kay Richard na may part 2 ang programa, pero huli na dahil may iba na siyang ginagawa at hindi puwedeng maghintay ang Star Creatives at Studio Three-Sixty bilang mga producers dahil may sinusunod na timeline, bukod pa sa availability ng mga shooting locations nila tulad ng Tawi-Tawi na inabot sila ng mahigit isang linggo at kababalik lang ng cast nitong Huwebes, Agosto 13.


Nasulat din namin na ang bagong cast sa part 2 ay si Carlo Aquino dahil nakita siya sa Tawi-Tawi airport, bukod kina Daniel Padilla, Kaila Estrada, Anthony Jennings, Maris Racal at Ian Veneracion. Kasama rin pala si Jane Oineza na hindi kaagad namin nakilala noon dahil nakatakip ang mukha.


Base sa nakausap namin tungkol kay Richard, “In fairness kay Richard ay wala s’yang alam na may part 2, nakapagsimula na s’ya ng taping ng Blood vs. Duty nang malaman n’yang may sequel. ‘Di na s’ya makaurong kasi main character s’ya with Gerald (Anderson). ‘Di s’ya puwedeng hintayin kasi may timeline.”


At ngayong tapos na ang BVD, ang gagawin ng aktor, “Magpapahinga muna ako after this (Blood vs. Duty).”


Parang hindi yata nakakapahinga si Chard dahil panay ang larga nila ng girlfriend niyang si Barbie Imperial at dinala siya sa Bicol kung saan nagdiwang ng kaarawan niya ang aktres.


Bago nagtapos ang panayam sa aktor ay may nagsabing vlogger, “Abangan na lang namin (kung ibabalik s’ya).”


“Yeah, abangan nila kung anuman ‘yun,” nakangiting sambit ni Chard.





Sising-sisi na umatras sa kasal kay Edu…

CHERRY PIE, GUSTO NG PART 2, TODO-HIRIT KAY LORD



Inamin ng aktres na si Cherry Pie Picache sa panayam niya sa Unplugged vlog ni Julius Babao na noong magkarelasyon pa sila ni Edu Manzano ay napag-usapan nila ang kasal, lalo’t answered prayer ang aktor para sa kanya.


Pero at that time ay hindi kaagad nakasagot si Cherry Pie dahil may agam-agam pa, na base sa sagot niyang, “Kasi that’s marriage. I’ve never been married, so give me more time, let’s take our time.”


At biro ni Julius, “Pinatagal mo pa kasi.”

Sabi ni Pie kay Julius, “Sabi ko dati na ‘yung kay Edu, answered prayer? Kasi ano pang hahanapin mo, ang guwapo, matipuno, maayos, edukado, napakabait na tao. Sabi ko nga, ‘answered prayer’, but I think God has other plans.”


Tumawang hirit ni Julius, “‘Yan na naman si God, nakialam na naman sa buhay mo. Okay?”


At dahil ilang taon na ring single si Cherry Pie, sabi nito, “Sabi ko (ngayon), ‘God, puwedeng take 2?’”


“Bakit, sabi mo, ideal guy, answered prayer, what happened, bakit naging ganu’n?” tanong pa sa kanya.


“‘Di siguro meant,” mabilis na sagot ng aktres.

Noong una ay okay lang na walang partner ang aktres dahil abala naman siya sa kaliwa’t kanang trabaho, pero ngayon ay natapos na itong lahat.


“Ngayon, medyo naisisingit-singit ko (natatawa) ‘yung ‘Lord, medyo napapagod na akong mag-isa. Hahaha!’” sey ng aktres.


Ang requirement ni Cherry Pie sa magiging partner-to-be niya ay sana older sa kanya para stable na at hindi ‘yung marami pang gustong gawin sa buhay.


“Gusto ko kasi ‘yung tahimik lang kami, travelling, ganu’n. ‘Yung life namin, sana ay compatible. I mean ngayon at my age, parang ang gusto ko na lang, ‘yung kayo lang dalawa na enjoy life, tatawa kayo, magkukulitan kayo, you can talk kahit kayo lang dalawa without anybody,” sey ni Cherry Pie.


Nabanggit din nitong mas gusto niya ang Pinoy para pareho ang kultura, lalo’t malapit siya sa family.


“I’m manifesting, manifesting,” kaswal na sabi ng aktres.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | August 15, 2026



RUN WILD - VICE AT MVP, NAGSANIB-PUWERSA PARA MAKA-SURVIVE ANG TV INDUSTRY-IG _praybeytbenjamin

Photo: IG _praybeytbenjamin



Inamin ni Asia’s Phenomenal Unkabogable Box Office Superstar Vice Ganda na matagal na ang negosasyon nila ng MediaQuest Holdings, Inc., pero ngayon lang ito naisakatuparan. Kaya naman, maituturing niya itong isang malaking blessing na dapat niyang ipagpasalamat.


“Masarap s’ya sa pakiramdam, gusto ko s’ya,” pag-amin ni Vice.

Aniya pa, “At dahil may kontrata, s’yempre, may bayad ‘yan, ‘di ba? Kaya iniisip ko lang, gusto ko ng ganito, magpapagawa ako ng ganito, magpapadala ako sa ganito.


“Kasi okay na naman ako, even without this contract, mabubuhay naman ako bukas.

“Kaya para saan kaya ang blessing na ‘to? Para sa akin ba lahat? Kakamkamin o sasarilinin ko lang ba ‘to?


“‘Di ba, sabi ko nga kanina, this is a win-win for me, for ABS-CBN or TV5 or MediaQuest and for everyone that I will be sharing this win-win.”


Ibinahagi rin ni Vice ang naging pag-uusap nila ni Mr. Manny V. Pangilinan (MVP) tungkol sa naganap na partnership.


Aniya, “Nu’ng nag-meet kami ni Sir MVP, meron akong narinig sa kanya na ‘di ko makakalimutan. Kasi nu’ng tinatanong ko ang sarili ko, before ako nag-decide, ‘Why will I enter into this agreement? What will it do to me?’


“Ano’ng maibibigay ko sa kanila? Ano’ng maibibigay nito sa audiences?

“At this very moment, naghihingalo naman talaga ang telebisyon. At ‘yung hamon na bukas o makalawa, baka wala nang manonood ng telebisyon dahil sa dami ng ibang libreng platforms, ‘yun ang isa pang bagay na ayaw kong i-embrace na, bukod sa pinaghahandaan, gusto ko na hangga’t makakaya natin na mga taga-industriya, ipaglaban natin na maipagpatuloy ang nasimulan natin.”


Pagpapatuloy pa ni Vice, “Kaya nang sinabi n’ya (MVP) sa ‘kin na, ‘At this point, we just need to unite because I have what you don’t have, and you have what I don’t have. So let’s just unite because the industry needs us to unite in order to survive.’


“So that’s very clear… So ‘pag pinagsama mo ‘yun, it’s a win-win for so many people.”

Inamin naman ng TV host-comedian na sumama ang loob niya sa TV5 nang biglang mawala ang It’s Showtime (IS) sa Kapatid Network.


Kuwento ni Vice, “A month or after na nawala kami sa TV5, meron nang talks, eh.

“Pero hindi, eh, dahil heartbroken pa ako,  parang no muna dahil ‘di ako comfortable.

“It broke my heart at that time, pero ngayon, nakakatuwa dahil ang heartbreak, naghi-heal. Nagkaroon ng maraming learnings at puwede pang makabuo ng isang magandang relationship after a heartbreak.”


Samantala, natanong naman si Vice kung ano ang maaaring abangan ng audiences sa phenomenal partnership niya sa MediaQuest.


Sey niya, “I want them to expect, I want also to expect,” sagot niya.

“With the audience, I want to expect a pasabog na mga projects. Hello, ang dami n’yong pera, dapat pasabog talaga tayo, Sir MVP!


“‘Di ba, parang magtataka ang mga tao, ‘Ang dami namang pera, bakit parang tipid ang production?’ ‘Yung ganu’n.”


Dagdag pa niya, “Kidding aside, mag-expect sila ng same thing, ‘di ba? Ano ‘yung gusto ninyo sa akin, ano’ng hinahanap n’yo?


“You need laughter every day to help you through the day. You need to laugh, to escape every now and then—I will give that to you, with the help and support of MediaQuest.”


Naganap ang makasaysayang sandali nang sinelyuhan ni Vice Ganda at ng MediaQuest Holdings, Inc. ang kanilang phenomenal partnership noong Agosto 12, Miyerkules, sa The Lighthouse sa Meralco Center, kung saan nilagdaan ang two-year contract.


At dahil sa pagsasanib-puwersa, tinawag ni MVP si Vice na ‘Queen of All Networks’ na labis naman niyang ikinatuwa at ipinagpapasalamat dahil malaking blessing iyon para sa kanya.


Super-excited din siya sa content na gusto niyang gawin at sa challenge na kaakibat nito.

Dinaluhan ang naturang seremonya nina Chairman MVP, Ranvel Rufino, Head for Partnerships, People and Business Development, at Victorico P. Vargas, President at Chief Executive Officer (CEO) ng MediaQuest Holdings, Inc..



 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 15, 2026



BULGARY - KATHRYN, SABLAY DAW ANG ACTING SA SERYE NILA NI JAMES, NILAIT-IG _james

Photo: IG _james



Bakit nga ba ang daming namba-bash kay Kathryn Bernardo sa akting niya sa teleseryeng Someone, Someday (SS) with James Reid?


Post ng isang netizen sa Threads, “‘Di ko alam kung bakit ang daming namba-bash kay Kath sa acting n’ya sa new series n’ya na Someone, Someday. Napanood n’yo na ‘tong scene na ‘to? Gagi, sobrang galing n’ya!”

Komento ng ibang netizens…


“Papalakihin lang mata, then ‘yun, okay na. Galit na. Hahaha!”


Tila sarkastiko naman ang komento ng isang ito, “Magaling nga, sa sobrang galing nitong scene, kinilabutan ako.”


“Totoo. Parang nakakatakot talagang makaaway ‘yan.”

Pagtatanggol naman ng isang fan, “‘Di sila sanay sa ganyan na Kath but I love it. She’s fierce.”


“Parang ngayon pa lang yata s’ya nagkaroon ng ganyang role. Pero grabe, galing!”

“Mga bugok naman ‘yang mga bashers ni Kath.”


“Agree, gets ko ‘yung sinasabi nila na same ang acting ni Kath pero ‘di naman para sabihin na bad acting. Usually sa mga bashers, ‘yan pa ‘yung ‘di makasabay sa pagda-dub nila sa audio sa mga TikTok video nila. Hahaha!”


“Hahaha! TAWANG-TAWA ‘KO! Pero ‘di ba? Ilang awards na natanggap n’yan, ‘di pa pala ‘yan magaling? Hahaha!”


Pagpuri naman ng isang commenter, “Ang galing n’ya sa part na ‘to. Mata sa mata lang kahit ‘di magsalita. Sana, makita mo na kayang-kaya n’yang dalhin ang character n’ya r’yan. 


“‘Yung professional ka pa ring magsalita kahit gusto mo nang hambalusin si Abi, napa-wow ako. Sana ang lahat, katulad ni Billy na kayang kontrolin ang galit sa mga taong may ugaling masama.”


“S’yempre, tinapatan ba naman kasi ng Best Actress, ang nag-iisang Maja Salvador.”

Isa namang commenter ang pinasok pa talaga ang ex ni Kath na si Daniel Padilla.

“Nanonood din kaya si DJ nito? Ems (joke).”


“Huy! ‘Yan ang ‘di natin alam. Hahaha! Malay mo?”


“‘Di ako fan ni Kath, pero na-intrigue ako sa dami ng bash sa kanya. Tapos nu’ng nanood ako, very nice naman nu’ng acting n’ya at ni James—may konting chemistry as BFFs, ‘di pilit ‘yung friendship nila. Masyado lang sigurong nasanay mga tao na ka-LT (love team) niya si DJ. Anyways, no hate na lang.”


“I’ve seen all the episodes, so ano’ng mali ang ginawa ni Kathryn para i-bash? I don’t see anything wrong except that she’s more beautiful and very good at acting!”

Tumpak!





Fans, proud na proud…

SB19, LUMABAS SA JAPANESE MORNING TV PROGRAM



Proud ang mga A’TIN fans dahil lumabas sa Japanese morning TV program na DayDay ang SB19. 


Guest ang ‘Kings of P-pop’ at mahusay na nag-perform sa show. Masaya rin silang nakipagkuwentuhan bilang kinatawan ng ‘Pinas. Sa kanilang live performance, ibinida nila ang pinakabago nilang single na Lawless


Ipinagpatuloy nila ang kanilang iskedyul sa Japan sa pamamagitan ng mga pagtatanghal sa Summer Sat, isang fan meet sa Yokohama.


“Another milestone! The Philippines and beyond! Our first live TV appearance in Japan is coming up. We can't wait to share this moment with you,” caption nila sa Instagram (IG) post nila.


Ang SB19 ay bahagi ng lineup ng Summer Sonic 2026 at nagtanghal sa MASSIVE Stage kahapon, Agosto 14, sa Osaka, Japan. Magtatanghal naman sila sa PACIFIC Stage sa Tokyo ngayong Agosto 15. 


Pagkatapos ng Summer Sonic Music Festival, magkakaroon sila ng Thanksgiving Fan Meet sa Yokohama sa Agosto 18.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page