top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 17, 2026



SHEET - CARMINA, KINAKAUSAP ANG MGA BIRKIN BAGS HABANG NILILINIS SA MADALING-ARAW_IG _mina_villaroel

Photo: IG _mina_villaroel



“If you gonna ask me kung kumusta ang married life, near to perfect, eh,” ito ang sabi ni Zoren Legaspi kay Aiko Melendez tungkol sa relasyon nilang mag-asawa ni Carmina Villarroel.


Nakapanayam ni Aiko si Zoren sa kanyang vlog nitong Sabado at isa sa mga topics nila ay ang relasyon ng mag-asawa na sa loob ng 27 years ay pakiramdam ng aktor na ‘binata’ pa rin siya.


Aniya, “Saan ka makakarinig ng lalaki na ever since nag-asawa s’ya, pakiramdam n’ya, binata s’ya? ‘Yun ang pakiramdam ko, hanggang ngayon, binata ako. So, ibig sabihin, ‘yung partner ko, ‘yung asawa ko, ‘di ako naka-kadena sa kanya.”

Tanong ni Aiko, “‘Di ka nasasakal?”


“‘Di ako sakal kaya pakiramdam ko, wala akong asawa although may asawa ako kasi nagagawa ko pa rin ang gusto kong gawin. So, ‘yun ‘yung isang mabuti. Pero dahil sa freedom na ‘yun, I have to be careful naman din. Saan naman ako pupunta?


“May mga may asawa (lalaki) na kunwari magmo-motor kami, (sabi nila), ‘Naku, ‘di ako pinayagan (asawa), ‘di ako maka-relate,’” kuwento ni Zoren.


Sobrang lenient ni Carmina kay Zoren pero problema ito para sa hubby ng aktres.

“Ang problema ko naman sa kanya, nerbiyosa, kaya iniisip ko, magpapaalam ba ako sa kanya o hindi? ‘Pag nagpaalam ako, nenerbiyusin dahil ang destination namin, Batangas, kakabahan s’ya dahil alam n’yang malayo.


“‘Pag ‘di ako nagpaalam, nenerbiyusin dahil ‘di n’ya alam kung nasaan ako. Kaya ano bang gagawin ko, magpapaalam ako o ‘di ako magpapaalam?


“Kaya ang ginawa ko, naglagay na lang ako ng tracker para i-track mo na lang ako pero ‘di naman n’ya binubuksan ‘yung tracker. So, kung salbahe ako, makakatakas ako, ‘di n’ya alam, nasa Germany na ako. May pamilya na pala ako sa Germany, ‘di n’ya alam,” tumatawang kuwento pa ni Zoren.


Tawa naman nang tawa si Aiko dahil kilala nga niyang nerbiyosa ang BFF niya dahil nagkukuwento naman daw ito sa kanila.


Next question ni Aiko ay hindi pa ba nawawala ang kilig nina Zoren at Carmina sa isa’t isa pagkalipas ng 27 years?


“Twenty-seven years, mahaba-haba na, ‘di ba? Ang dami nang chapter na pinagdaanan, so ‘di naman lahat ng chapter ay maganda ang istorya, eh. ‘Di ba kahit sa pelikula, ‘yung love story…


“‘Di ko sinasabing dumating kami sa point na maghihiwalay pero darating ka sa point na naiintindihan ko pa ba s’ya o ‘di n’ya ako maintindihan?


“So, kailangan ‘pag dumating kayo sa chapter ng buhay sa marriage life, kahit anong chapter ‘yan, kailangang masundan n’yo ‘yung bawat isa kasi magbabago ‘yung ugali kasi tumatanda, ‘di ba?


“So ‘yung mga wants, likes, do’s and don’ts niya, ‘yung mga mannerisms n’ya nu’ng 18 years old s’ya mula nu’ng niligawan mo, iba na ngayon,” esplika ng hubby ni Mina.

At dahil singkuwentahin na sina Zoren (54) at Carmina (50), ay may mga pagbabago na raw sa katawan.


Aniya, “Papunta na kami sa pagtanda, so, mahina na ‘yung tenga (minuwestra) ‘pag may sinabi, ‘Ano!’ (pasigaw), iisipin ko kaagad, ‘Galit ba ‘to sa akin?’ Kasi (mataas ang boses) ‘Ano?!’”


Grabe ang tawa ni Aiko sa kuwento ni Zoren tungkol kay Carmina at sabay sabi ng host, “Kailangan na ng hearing aid? Nakakatawa ‘to!”


Pagpapatuloy pa ni Zoren na tawa nang tawa, “Kaya kung baliw ‘yung asawa mo, ‘Bakit ka galit?’ Mag-aaway na kayo, ‘di mo alam na medyo marupok lang ‘yung pandinig.”


Hindi na rin halos makapagsalita si Aiko sa kakatawa sa kuwento ng Kumpareng Zoren niya dahil inaanak niya ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi.


May kuwento pa si Zoren na labis ding ikinaloka ni Aiko.


“Tulad ngayon, ‘di ba mahilig s’ya (Carmina) sa aso, ako rin mahilig sa aso, pero ayoko ng tumatahol na aso! Kung meron lang piping aso, bakit ‘di ‘yun ang bilhin natin? Gusto ko lang naman ganu’nin (cuddle) ‘yung aso, ayoko ng tahul-tahol,” masayang kuwento ng aktor.


“Pero katabi n’yo matulog minsan, ‘di ba?” tanong ni Aiko.

“Oo, s’ya, ‘di s’ya naiinis sa tahol ng aso, ako, naiinis. So, paano ngayon ‘yan? Nand’yan ‘yung mga aso, so merong magtitiis.


“Yes, ako magko-compromise ako. So, kailangang matutunan nila (mag-asawa), otherwise, ‘di kayo aabot nang five years,” katwiran nito.


Natanong ni Aiko kung ano ang sikreto ni Zoren dahil sa edad niyang 54 ay looking young pa rin.


“Ikaw din naman (looking young), pero mas marami ka lang pinagdaanang battle scars kaysa sa akin. Meron kasi akong inner peace,” kaswal na sagot ng aktor.


“Ako kasi, lately ko pa lang inaano (nararamdaman ang inner peace),” sagot naman ni Aiko.

“Kaya sinabi kong mas marami kang battle scars. Kung dadalhin mo ako r’yan, ‘di ako sanay. Isang maganda kasi sa amin (Carmina), paano ka magkakaroon ng inner peace?


“For example, kadalasan, pinag-aawayan ng mag-asawa ay pera. So whether mayaman ka o ‘di ka mayaman, away ‘yan. Kami, ‘di namin pinag-awayan ‘yan, never!


“So, very thankful ako na naging ganu’n ang pananaw namin pagdating sa pera na ayaw naming pinag-uusapan,” pagtatapat ni Zoren.


Isa pang binanggit ng aktor ay hindi sila nagtatanungan ni Carmina kung magkano ang kinikita nila sa bawat proyekto.


“Never ako nagtanong tungkol sa mga binibili n’ya, pero dumating ako sa point na kasi nauso ‘yang Birkin-Birkin na ‘yan. (‘Pag nakikita n’ya ang bags), ‘Ah, okay, gusto mo ‘yang Birkin.’


“Hanggang sa parami nang parami, tapos minsan, nagising akong madaling-araw, inaayos n’ya, nililinisan n’ya ‘yung mga Birkin bags n’ya, kinakausap n’ya (humagalpak nang tawa si Aiko).


“Sabi ko, ‘Ano ba ‘to?’ (Tawa rin nang tawa si Zoren.) Ano nga ‘yung may sabit-sabit? Ano ba ang tawag du’n? Twilly (silk scarf). ‘Alam mo, tapos ginaganu’n n’ya (inaayos). Ano ba ‘to, may sumpa ba ‘tong bag na ‘to, ah?’


“Hanggang sa nag-birthday (isip ko), bigyan ko nga ‘to. Talagang gusto n’ya ‘yung mga ganitong klaseng bag. Nagtanong ako sa kaibigan, nalaman ko ‘yung presyo. Ganyan kamahal

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 17, 2026



FRANKLY - HEART, UMAMING 13-ANYOS LANG NANG MAGING DYOWA SI JOHN, INIWAN PA SIYA_IG _iamhearte

Photo: IG _iamhearte



Inamin ni Heart Evangelista na never daw niyang in-acknowledge na naging dyowa niya si John Prats dahil masyado pa raw kasi silang mga bata noon.


Sey ng aktres sa kanyang panayam sa GMA show na Your Honor (YH), “Never kong in-acknowledge na naging boyfriend ko s’ya, siguro dahil as a young, innocent baby girl, sobrang nasaktan ako na in-erase ko talaga.”


Nang panahon daw kasi na iyon ay 13-14 years old lang siya at ang aktor daw ang nakipag-break sa kanya.


Kaya para maka-move-on ay pinatay na lang daw niya ang feelings niya for John.

“And now na na-heal ako, as in, sobrang parang na-miss ko s’ya as a person, as a friend, as someone I worked with,” sey ni Heart.


Na-appreciate raw niya si John sa pagtatanggol nito sa kanya sa tuwing may mga nagkokomento sa kanyang kaartehan o ugali.


“Dati na s’yang ganyan,” ang lagi raw sinasabi ni John.

“Alam n’ya, naaalala pa rin n’ya ako,” sey ni Heart.


Ngayon ay super friends daw sila ni John at pati ang misis nitong si Isabel Oli ay BFF niya.





ANG celebrity dentist na si Dr. Sam Bernardo ang dahilan sa magagandang ngiti ng ilang mga sikat na celebrities tulad nina Mika Salamanca, Bianca de Vera, G22 at Daniel Matsunaga.


Si Dra. Sam ang founder and CEO of Awesam Smile Dental Clinic at kabilang ang mga nasabing personalidad sa kanyang mahigit 30 celebrity endorsers.


Sa panayam namin sa dentista sa kanyang mediacon recently, sinabi niyang napakahalaga talaga hindi lang para sa artista kundi para sa lahat na mag-invest sa ating oral health.


“Invest in your oral health. Kasi ang oral health, ang ngipin natin ay ‘di lang ‘yan parang pampaganda or ngiti lang,” sey ng celebrity dentist.


Si Daniel Matsunaga ang kanyang first celebrity endorser at puring-puri niya ang aktor dahil noon pa ay maalaga na raw ito sa ngipin.


“Priority n’ya talaga ang kanyang dental health. And lahat talaga ng ngipin ni Daniel is natural,” sey ni Dra. Sam.


Dream artist daw niya na maging endorser ay si Daniel Padilla dahil crush daw niya ang aktor.


Natanong nga namin ang dentista kung sino pa ang ibang artistang may magagandang teeth aside from her endorsers at binanggit niya sina Heart Evangelista at Rayver Cruz.


“Magaganda talaga ‘yung teeth nila saka ‘yung smile nila,” aniya.

When asked kung sino ang artistang gusto niyang ayusin ang ngipin, nag-isip muna si Dok at binanggit niya ang content creator na si Sassa Gurl.


Nang mahingan naman siya ng komento tungkol sa ngipin ng tinaguriang Dental Diva na si Kakai Bautista, ang sey ni Dok, part din daw ito ng pamilya ng Awesam Smile Dental Clinic.


“Actually, si Miss Kakai is gusto n’ya ‘yung ganu’ng set of teeth, du’n s’ya kilala. Ang importante kasi, inaalagaan, eh,” sey niya.


Maalaga rin daw si Kakai sa ngipin nito at healthy naman daw ang set of teeth nito.


“Dental care should never be a luxury. It’s a basic need, and I’ll keep working to make it available to everyone,” saad ni Dr. Sam.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 17, 2026



BULGARY - SEN. ROBIN, PINATUTSADAHAN NI VICE_FB Vice Ganda & Robin Padilla

Photo: FB Vice Ganda & Robin Padilla



Todo-biruan sina Vice Ganda at Vhong Navarro sa It’s Showtime (IS) nang mapansin ni Vice ang kasuotan ni Vhong na ginaya ang look ni Robin Padilla.


Ani Meme, “Hiniram mo pa talaga ang costume ni Robin Padilla sa Kung Sino Ka Man.’”


Bigla namang kumanta si Vhong at ginaya rin ang sinabi ni Binoe na “My goodness!”


Buwelta ni Vice, “Galing talaga nito, ‘no?”

Tanong ni Jhong Hilario, “Bakit... bakit?”


Sey ni Vice, “Nakakapagpasa ‘yan ng batas sa Bilibid!” 

Hagalpakan naman ang mga nasa loob ng studio.


Ang nasabing biruan nina Vhong at Meme Vice ay ipinost ng isang netizen sa Threads, kung saan umani rin ito ng samu’t saring komento.

Sey ng mga netizens:


“‘Magaling talaga ‘to, nakakapagpasa ‘yan ng batas sa Bilibid,’ ikaw talaga, puro ka kalokohan.” 


“The shade. Get him, Madam.”

“Napanood ko ‘to, tawang-tawa ako. Hahaha!”

“Sunog! Na-real talk ka tuloy, Mariel.”

“Ano kaya’ng sey ni Aling @marieltpadilla.”


“Baka ma-real talk pa s’ya lalo ni Meme ‘pag minalditahan s’ya.”


May nagsabi namang may maa-unfollow na naman daw si Mariel.


Huh? Sana ay wala nang ganoon. Dati silang magkakasama sa IS at alam ni Mariel kung paano magbardagulan ang mga hosts ng noontime show.

Just saying!





Bukol sa leeg, agaw-pansin…

ANNE, AYAW I-SHARE SA PUBLIKO ANG PINAGDARAANAN



Maraming nag-aalala sa kalusugan ni Anne Curtis matapos mapansin ng ilang mga netizens ang umano’y bukol sa kanyang leeg. 


Bagama’t sinabi ng aktres na hindi siya komportable na pag-usapan ang isang pribadong bagay, tiniyak niya sa mga tagahanga na wala silang dapat ipag-alala.

“It is not something I would like to talk about. I would like to keep things I am going through privately. But to anyone concerned, I am doing okay,” aniya bilang latest ambassador ng Zion.


Binigyang-diin pa ng It’s Showtime (IS) host na lagi niyang prayoridad ang kanyang kalusugan at regular siyang nagpapa-checkup.





“It is very important you listen to your body. If there is anything I want to share, when you reach a certain age, do executive checkups and invest in your health. That is why I like Zion, you can do it in your home—red light therapy, cold plunge, sauna, it is an investment but health is priceless,” wika niya.


Sey ni Anne, “Yearly, I get checkups. It is important. We say mag-start at 40 but I have been doing it since my thirties.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page