top of page
Search
  • BULGAR

2 Ginto napagwagian ng Nat'l Team sa Modern Pentathlon Virtual Laser Run Competition


Nagwagi ng dalawang ginto at isang pilak na medalya ang koponan ng national pentathletes sa nagdaang “Breakaway 20-05” virtual laser run competition na ginanap nitong Mayo 20.

Magkahiwalay na panalo ang kinuha ni 2019 Southeast Asian Games gold medalist Michael Ver Anton Comaling sa pagkuha nito ng mga ginto sa men’s event at team relay na nilahukan ng iba’t ibang bansa.

Nagawang makuha ni Comaling ang unang ginto sa pamamagitan ng pagrehistro ng kabuuang 06:17 minuto sa men’s event laban kina Australians Lachlan Nicholas na may 06:58 mins para sa silver medal at Rhys Lanskey na nagtapos sa 07:01 para sa ikatlong puwesto.

Nakipagtulong si Comaling kay Shrya Mae Aranzado para kunin ang unang ginto sa team relay sa pagrehistro ng kabuuang oras na 06:16 para higitan ang tambalan nina Yi Zhong at SEA Games champion Princess Honey Arbillon na may 08:35 sa ikalawang puwesto habang pumangatlo ang samahan nina Eugene at Zaina na may 09:32 marka.

Naibulsa ni biennial meet Mixed Beach laser relay champion Arbillon ang ikalawang pilak nito sa women’s event nang kapusin ng 0.1 segundo laban kay Aleska Van Heekeren ng Australia na may 07:26 para sa titulo. Pumangatlo si Zara Temesi na may 07:29 secs, Shermaine Tung 07:41 secs.sa ikaapat, Sanruthai Aransiri 07:48 secs sa panglima at lima pang iba.

Ang kauna-unahang virtual laser run event ay nilahukan ng mga atleta mula sa bansang Singapore, Malaysia, Thailand, Indonesia, Australia, New Zealand at Pilipinas.

Sa nakalipas na SEA Games sa bansa noong isang taon, kung saan nagwagi ng ikalawang beses na overall title ang Pilipinas sa regional meet; ay nagbigay ng 2-1-2 gold-silver-bronze medal ang koponan ng modern pentathlon mula sa pamumuno ng presidente nitong si Richard Gomez.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page