top of page
Search
  • Rafaella Garcia

Nanawagan ngayong may krisis si SEAG gold medalist Didal


Nagpaabot ng pasasalamat si 2019 Asian Games gold medalist Margielyn Didal sa mga frontliners na tumutulong sa pagsugpo ng Covid-19.

Sa kanyang pahayag sa isang social media page, buong pusong nagpasalamat ang skateboard athlete na Cebuana kung saan sinabi niya na hindi biro ang sakripisyo na ginagawa ng mga nasabing frontliners.

"Maraming salamat po sa inyong sakripisyo, lalo na po ang doctors,nurses, police, military, support staff, healthcare workers, food attendants, grocery workers, mag-ingat po kayo."

Hiniling din ni Didal sa mamamayang Pilipino na kung wala din lamang importanteng bagay na gagawin sa labas, ay manatili na lamang sa loob ng bahay upang maiwasan ang paglaganap ng naturang virus.

"Please stay at home. Kung wala naman po tayong importanteng gagawin sa labas. Upang maiwasan po natin ang pagkalat ng Covid-19," ani Didal.

Patuloy naman sa bahagyang ensayo na isinasagawa si Didal kahit nasa bahay lamang habang naghihintay na matapos ang naturang Enhanced Community Quarantine sa buong bansa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page