top of page
Search
  • MC

Biglang dami ang kaso ng COVID-19 sa Tokyo nang ma-postpone ang Olympics


Kung kailan naman nai-anunsiyo ng International Olympic Committee ang postponement ng 2020 Tokyo Olympics ay biglang dumami ang kaso ng coronavirus sa siyudad ng Tokyo. Hindi na nga matutuloy sa siyudad ang Games sa takot na tumaas ang mahawaan pero ngayon ay posible nang mag-lockdown doon dahil sa paglobo ng bilang ng mga positibo sa virus.

Ngayon pa lamang ay naintindihan na ng Japan ang magiging sitwasyon kung ipinilit nilang ituloy ang Olympics sa Hulyo at ngayon wala nang dahilan para itago pa nila ang lagay ng kanilang bansa.

“In order to make an impression that the city was taking control of the coronavirus, Tokyo avoided making strict requests and made the number of patients look smaller,” saad ni dating Japan Prime Minister Yukio Hatoyama sa tweet. “The coronavirus has spread while they waited. Para kay Tokyo Governor Yuriko Koike, “it was Olympics first, not Tokyo’s residents.”

Natuklasan ng mga eksperto ang pagtaas ng bilang ng mga hindi nakontrol na kaso sa Tokyo, Osaka at iba pang urban areas, senyales ng paglobo ng impeksiyon.

“Once infections overshoot, our strategy, will instantly situation,” babala ni Prime Minister Shinzo Abe."Under the current situation, we are just barely holding up.”

Aniya, hindi kailangan ang state of emergency pero tiyak na haharap sila sa sitwasyon na mas malala pa sa Amerika at Europa.

Inabisuhan ni Koike ang mga resident ng Tokyo na manatili sa loob ng bahay hanggang mid-April dahil tumaas nang 41 ang kaso ng COVID-19 sa isang araw. Noong Sabado, may 63 kaso ang Tokyo sa isang araw kung kaya kinakailangan na ang lockdown.

Nitong Linggo, umaabot sa 2,578 ang kumpirmadong kaso kabilang na ang 712 na nasa cruise ship at 64 na ang namatay, kung saan may 1,000 ang nakarekober, ayon sa health ministry.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page