top of page
Search
  • Gerard Arce

4 pang tanso, nasungkit ng kayod Pilipinas sa SEA Cup


Photo: thesquashsite

Apat na tansong medalya ang naidagdag sa koleksyon ng medalya ng Kayod Pilipinas National Squash team sa ginaganap na 6th Southeast Asian Cup SEA Squash championship sa Vajiravudh College sa Bangkok, Thailand.

Hindi man pinalad na makatuntong sa championship round ng mga Pinoy squash players ay naiuwi nila ang mga konsolasyon na mga tansong medalya sa men’s at women’s singles.

Awtomatikong nagwagi ng tig-isang bronze medal sina 30th SEAG silver medalist Robert Garcia at Reymark Begornia sa men’s singles nang yumukod ang mga ito sa mga Malaysian opponents na sina Duncan Lee Yung Yii, 13-11, 5-11, 11-8, 9-11, 8-11 at Muhammad Hafiz Zhafari Bin Abdul Harif, 7-11, 11-6, 9-11, 11-13, ayon sa pagkakasunod.

Ganito rin ang natamo nina biennial meet bronze medalist Jemyca Aribado at Yvonne Ayssa Dalida nang sumuko ang mga ito kina Aira Azman, 5-11, 4-11, 11-9, 6-11 at Hang Wai Wong, 2-11, 6-11, 5-11 na pareho ring taga-Malaysia. “Our athletes tried to win every sets and every game. It’s all about breaks of the game,” pahayag ni Philippine Squash Association (PSA) president Robert Bachmann sa panayam ng BULGAR sa social media. “Though overall, it was good enough and we’re still focusing on our next game tomorrow (Saturday) and hopefully we can regain our victory that we’ve had just like what we did in the first two days,” dagdag ni Bachmann.

Aminado si Bachmann na malakas na katunggali ang koponan ng Malaysia lalo pa’t apat sa limang kategorya sa SEA Games noong isang taon sa bansa ay kinuha nila, kabilang ang men’s at women’s singles at men at women’s team competition.

Magtutulong-tulong para makamit ang ikatlong gold medal ng grupo matapos sungkitin ang men’s at women’s Jumbo doubles sa naunang dalawang araw, sina Garcia, Aribado, Begornia, Dalida at Christopher Buraga ngayong araw (Sabado) laban sa koponan ng Brunei, Indonesia, Malaysia, at host Thailand.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page