top of page
Search
  • A. Servinio

Double gold haul sa athletics SEAG, itinala


Tinapos ng Pilipinas ang Athletics Meet ng 30th Southeast Asian Games na higit doble ang nahakot na ginto kumpara sa huling palaro. Ang 11 ginto ay napakalaking pag-angat sa lima noong 2017 sa Kuala Lumpur. Matagumpay na umulit ang mga dating kampeon na si Eric Cray sa 400-meter Hurdles at Aries Toledo sa Decathlon. Si Cray at Kristina Knott ang mga atleta na nagtapos na may dalawang ginto.

Wagi si Knott sa 200-m kung saan winasak niya ang SEAG record. Nagsanib-puwersa sina Knott at Cray para maka-ginto sa 4 X 100-meter Relay kasama sina Eloiza Luzon at Anfernee Lopena. Ang Pole Vault ay winalis ng Pilipinas salamat kay EJ Obiena at Natalie Uy. Si Obiena ay nakatakdang maglaro sa 2020 Tokyo Olympics at walang pawis na nanalo. Hindi rin makakalimutan ang puno ng drama na Women’s Marathon kung saan nakuha ni Christine Hallasgo ang pinakaunang ginto noong Dis. 6. Ginulat ng tubong Bukidnon ang mabigat na paborito at defending champion Mary Joy Tabal kung saan nahilo at bumagsak si Tabal pagtawid ng finish line sa New Clark City Stadium.

Nagpakita ng lakas si William Morrison III sa Men’s Shot Put at sinundan niya ito ng pilak sa Men’s Discus Throw. Nakaisa pang ginto ang koponan sa Javelin Throw salamat kay Melvin Calano. May ilan ding magandang sorpresa tulad ni Clinton Bautista sa 110-meter Hurdles. Itinanghal na kampeon si Sarah Dequinan sa Women’s Heptathlon, pitong pinagsamang event upang malaman kung sino ang pinakamahusay na babaeng atleta.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page