top of page
Search
  • A. Servinio / G.Arce

Trap Shooting, naka-ginto; Gilas Women 5x5, gold


Photo: 2019 Sea Games

Dumagdag ng isa pang ginto sa Men’s Trap Team Event ang Pilipinas sa huling araw ng Shooting sa 30th Southeast Asian Games sa Ilanin Forest ng Subic Bay. Nagsama sina beteranong si Eric Ang, Carlos Carag at Hagen Alexander Topacio para sa 338 puntos at ang ikatlong ginto ng bansa sa disiplina. Pumangalawa sa mga Pinoy ang Malaysia na may 330 puntos sa likod ni Bernard Yeoh, Ong Chee at Chen Foo. Pangatlo ang Thailand na may 321 puntos galing kay Savate Sresthaporn, Yodchai Phachonyut at Kornthawat Tadthongkam.

Sa Individual Event, parehong gumawa ng 115 puntos sina Ang at Carag subalit kay Ang napunta ang pilak at kay Carag ang tanso. Kampeon si Yeoh na may 118 puntos. Humabol pa ng isa pang medalya si Carag sa huling event, tanso sa Trap Shotgun 50 Shots. Tinamaan ni Carag ang 41 sa likod ng 44 ng nag-ginto na si Sresthaporn at lamang sa 34 ng nag-tanso na si Ong.

Samantala, humakot ng nakabibilib na pitong gintong medalya ang National Boxing Team, upang makuha nito ang overall title sa pagtatapos ng boxing event sa Philippine International Convention Center Forum sa Pasay City.

Pinamunuan nina women’s World Champions Nesthy Petecio at Josie Gabuco at men’s silver medalist World championship Eumir Marcial ang kampanya ng mga pambansang manununtok upang makuha ng bansa ang 12 medalya, kabilang pa ang 3 silver at dalawang bronze medals.

Samantala, sa wakas, nakuha na rin ng Gilas Pilipinas Women ang pangarap na maging reyna ng basketball nang talunin ang Thailand, 91-71 para sa gold medal sa 30th Southeast Asian Games kagabi.

Ang napunong crowd ng Mall of Asia Arena ang naging saksi bilang bagong powerhouse Filipina cagers sa rehiyon hindi lamang bilang podiumer kundi elosibo rin ang kanilang kampeonato, ang kanilang una sa regional final competition. Tulad ng pangako ni Jack Animam, nakagawa siya ng 21 puntos sa krusyal na 3rd quarter, kasunod ng 5 rebounds at huling 2 tirada upang makuha ang matamis na tagumpay na matagal na niyang pinaghahandaan.

Kasama niyang nagsikap na makapanalo si Afril Bernardino mula sa 3rd quarter na pananalasa at iwan ang silver medalists ng 2017 SEAG, mahigpitan pang dumigit sa 52-48 ang iskor hanggang sa kumomando tungo sa 63-48 ang Gilas, at iniligtas ni Chack Cabinbin ng layup ang nalalabing 4:13 ng huling minuto ng last quarter.

Samantala, bigo ang Pilipinas na makuha ang ginto ng Men’s Volleyball sa Philsports Arena sa Pasig City. Natalo ang mga Pinoy sa Indonesia, 21-25, 25-27 at 17-25.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page