top of page
Search
  • A.Servinio

Game 2: Karakter ang itataya ng Red Lions vs. LC Knights


“Ang laro na ito ang susukat ng aming karakter bilang koponan,” iyan ang pahayag ni coach Boyet Fernandez ng defending champion San Beda University papasok sa kanilang napakahalagang laban ngayong araw kontra Colegio de San Juan de Letran sa Game 2 ng kampeonato para sa 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Mall of Asia Arena.

Binahiran ng Letran ng malinis na kartada ng San Beda, 65-64, noong Martes at kailangan nalang nila manalo ngayon upang ibalik sa Intramuros ang tropeo pagkatapos ng kanilang huling tagumpay noong 2015. Tiyak na aasahan muli ni Coach Bonnie Tan ang mahusay na laro nina Fran Yu, Larry Muyang, Edson Batiller at kapitan Jerrick Balanza.

Sa panig ng Red Lions, malaking bagay na galing sila sa halos isang buwang pahinga at nakita ang kalawang sa kanilang mga kilos. Hamon ngayon sa mga kampeon na mabawi ang kanilang porma na nagbigay sa kanila ng perpektong 18 panalo noong elimination round.

Bago ang Game 2, gagawaran ang mga pinakamahusay na manlalaro ng taon. Pormal na hihirangin si Most Valuable Player Calvin Oftana ng San Beda at kanyang mga kakamping sina Evan Nelle at James Canlas Kwekuteye bilang mga kasapi sa Mythical Five kaya dapat magpakitang gilas sila upang mapatunayan na karapat-dapat sila sa kanilang natamasang karangalan.

Samantala, sisikapin ng San Beda-Rizal na bumalik sa tuktok ng NCAA Juniors. Tinambakan ng Red Cubs ang Lyceum of the Philippines University-Cavite, 94-80, sa pagbubukas ng kanilang serye. Huling nagkampeon ang Red Cubs noong 2015, ang huling taon ng kanilang pitong sunod-sunod na kampeonato. Sisikapin ng Junior Pirates na makabawi sa likod nina MVP John Ronald Barba at Mclaude Guadana. Mga laro ngayon – Mall of Asia Arena: 1:00 Lyceum-Cavite vs. San Beda-Rizal (Jrs) 4:00 Letran vs. San Beda (Srs).

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page