top of page
Search
  • VA

Nakahakbang tungo sa korona ang NU-Nazareth


Pinasadsad ng National University-Nazareth School ang Adamson University, 25-13, 25-17, 25-23, upang makalapit sa hangarin nilang maibalik sa kanila ang titulo sa UAAP Season 82 Girls’ Volleyball tournament noong Linggo sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Umiskor si Alyssa Solomon ng 22 puntos, 11 dito ang ipinoste niya sa third frame kasunod si Evangeline Alinsug na may 16 puntos upang pamunuan ang panalo para sa Junior Lady Bullpups.

Ang panalo ang ika-13 sunod ng NU na naglapit sa kanila sa ikalima nilang titulo sa loob ng anim na taon.

Idaraos ang Game 2 sa darating na Linggo ganap na alas-12:00 ng tanghali sa parehas ding venue.

“I appreciate lahat ng efforts ng team. Whatever they do dito sa Finals, wala na kasi ako magagawa eh. Ito na ‘yung tinuro ko sa kanila.

Sa ngayon, we are just playing all heart. Wala na kaming pinoproblema kasi lahat naman kami pagod. Pagod si Adamson, pagod din kami.

We are just very grateful to be here,” ayon kay NU coach Regine Diego.

Pinunan naman nina team captain Erin May Pangilinan at Barbie Jamili pagkawala ng injured na si Michaela Belen sa ipinoste nilang pinagsamang 15 puntos habang nakatuwang naman nila sina setter Camilla Lamina ng 18 excellent sets at libero Shaira Jardio ng 18 digs at 18 ring receptions.

Nanguna para sa first time finalist Adamson sina May Nuique at Trisha Tubu na nagtala ng 7 at 6 na puntos ayon sa pagkakasunod.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page