top of page
Search
BULGAR

Walang ‘K’ ang Marcos admin na makipag-celebrate sa Labor Day

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | April 30, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PARANG NATUTULOG SA PANSITAN SI SEN. ROBIN, KASI SUNUD-SUNOD NA ANG ATAKE NI EX-P-DUTERTE KAY PBBM, NAGSABI PA SIYANG ‘DI RAW ANTI-MARCOS ANG EX-PRESIDENT -- Parang natutulog sa pansitan, parang walang alam sa nangyayari sa bansa si Sen. Robin Padilla.


Sa kabila kasi na sinabihan ni ex-P-Duterte si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na adik, bangag sa cocaine, at marami pa itong ginawang atake sa Marcos admin, ayon kay Sen. Padilla ay hindi raw anti-Marcos ang kanyang Tatay Digong, he-he-he, boom!


XXX


SA LABOR DAY, WALANG ‘K’ ANG MARCOS ADMIN MAKIPAG-CELEBRATE -- Malaking insulto sa mga manggagawa kung makikipag-celebrate ang Marcos administration bukas sa Labor Day, May 1, kasi bukas din ang araw na simula ng pag-alis ng gobyerno sa karapatan ng mga tsuper at operator ng traditional jeepney na maghanapbuhay.


Sa direktiba ni PBBM ay ngayong araw, April 30, ang last day ng pamamasada ng mga traditional jeepney at bukas ay ipinagbabawal ng pumasada ang mga public transport na hindi nakipag-consolidate sa mga kooperatiba at korporasyon na nakapaloob sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng pamahalaan.

Ika nga, sa Labor Day bukas ay walang “K” ang Marcos admin na makipag-celebrate sa okasyong ito at sabihing kaisa sila ng mga manggagawa dahil nga ang mga worker sa kalsada na kung tawagin ay mga tsuper at operator ng traditional jeepney ay aalisan na nila ng hanapbuhay, period!


XXX


PUV MODERNIZATION PROGRAM, ‘PAMBUBUDOL’ SA MGA TSUPER AT OPERATORS NG PUBLIC TRANSPORT -- Kaya karamihan sa mga tsuper at operators ng mga traditional jeepney ay kontra sa PUVMP dahil kapag nakiisa sila sa programang ito ng pamahalaan, bago sila pagkalooban ng bagong prangkisa ay lalagda sila sa kasunduan na ang kanilang mga pampublikong sasakyan o maging ang kukunin nilang mga hulugang e-jeep ay iku-consolidate sa mga kooperatiba at korporasyon na ibig sabihin ang mga pag-aari nilang traditional jeepney na kanilang naipundar o maging ang kukunin nilang mga hulugang e-jeep ay magiging pag-aari ng mga kooperatiba at korporasyon.


Sa maikling salita, “pambubudol” sa mga tsuper at operators ng mga pampublikong sasakyan ang patakarang ito ng pamahalaan patungkol sa PUVMP, boom!


XXX


KUNG NAKAPAGBAKASYON GRANDE SI EX-CONG. TEVES SA TIMOR LESTE, MAKAPAGBABAKASYON GRANDE RIN SIYA SA BILIBID -- Inanunsiyo ni Asec. Jose Dominic Clavano IV, spokesman ng Dept. of Justice (DOJ) na nakumpleto na raw ng Philippine gov’t. ang mga requirement para sa extradition ni former Negros Oriental Rep. Arnie Teves sa Timor Leste upang maibalik na ito sa ‘Pinas at mapanagot sa mga krimeng kinasangkutan nito, kabilang ang pagpatay umano kay Gov. Roel Degamo.

Kumbaga, parang sinabi na rin ni Asec. Clavano na malapit nang matapos ang ‘bakasyon grande’ ni Teves sa Timor Leste, at ang bakasyon grande nito (Teves) ay sa Bilibid na itutuloy, period!


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page