top of page
Search
  • BULGAR

Tiktok app, hindi iba-ban sa ‘Pinas- Roque

ni Thea Janica Teh | August 4, 2020




Wala umanong rason para i-ban sa Pilipinas ang video-sharing app ng China na Tiktok ayon sa Malacañang.


Nauna ng ipinagbawal ni US President Donald Trump ang app na ito dahil kinokolekta umano nito ang personal data para ma-access ng Chinese government at magamit sa intelligence collection. Ngunit, sa administrasyong Duterte, wala umanong rason para ipagbawal ang app.


Ani ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press briefing, “Wala pong dahilan na nakikita para i-ban ang TikTok dito sa Pilipinas. Sa mga nagsasabi na nanunupil si Presidente ng malayang pananalita, wala pong kahit anong website na bina-ban ang Presidente.”


Bukod sa US, pinagbawal na rin ito sa Australia, Japan at India.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page