Search
  • BULGAR

Sa kabila ng pandemya, Pag-IBIG Fund tuloy sa pagserbisyo sa mamamayang Filipino

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | August 8, 2020




Hello, Bulgarians! Opisyal ng nilabas ng Pag-IBIG Fund ang kinita nito at ito ay umabot ng P22.8 bilyon sa first half ng 2020.


Mula January hanggang June, umabot na sa P22.8 bilyon ang gross income ng ahensiya. Ito ay mula lamang sa housing loan at Short-Term Loans (STL) o cash loan at trading sa kanilang investment. Habang ang kanilang net income ay pumapalo sa P14.14 bilyon.


“Coming from a record-breaking year in 2019, Pag-IBIG Fund’s performance in the first half of the year remains decent despite the impact of community quarantines implemented to fight the spread of COVID-19. We are sure to endure these extraordinary times and continue to provide social services to more Filipino workers and continue helping the government with the nation’s economic recovery under the lead of President Duterte,” bahagi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD)Secretary Eduardo D. del Rosario.


Tinapos ng ahensiya ang taong 2019 sa pinakamataas na gross income na P56.90 bilyon at net income na P34.37 bilyon. Ngunit, dahil sa nararanasang pandemya, bumaba gross at net income ng 7% at 12% sa unang kalahating taon kumpara sa parehong period noong isang taon.


Ngunit, kahit bumaba ang income ng ahensiya sa panahon ng pandemya ay unit-unti na itong umaangat at bumabalik sa dati. Ang inilalabas na home loan ay tumaas sa huling dalawang buwan. Sa P.88 bilyon noong April, tumaas ito ng P1.2 bilyon pagtungtong ng Mayo kaya naman ito na ay may kabuuang P2.9 bilyon noong Hunyo.


Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti, “We in Pag-IBIG Fund are confident because our financial remains stable and strong, even amid these challenging times. A slowdown in business is expected as the pandemic impacted both the availment and payment of our loans, but Pag-IBIG continues to be strong. What is important to us now is being a reliable partner to our members and stakeholders on our shared road to recovery. That is the Lingkod Pag-IBIG way.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.