Rider at backrider, na-hit-and-run

@Balitang Probinsiya | March 6, 2021
AKLAN—Sugatan ang rider at backrider nito nang ma-hit-and-run kamakalawa sa Bgy. Andagao, Kalibo.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina John Matubang, 55-anyos at Julie dela Cruz, 34-anyos, kapwa residente ng Bgy. Libuan Sur, Banga sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Matubang ang motorsiklo at kaangkas si Dela Cruz ay aksidenteng nabangga sila ng humaharurot na motorsiklo na minamaneho ng hindi nakilalang rider.
Nabatid na natumba at nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang dalawang biktima, at napag-alamang natumba rin ang motorsiklong nakabangga sa kanila, pero biglang tumayo at tumakas ang suspek lulan ng kanyang motorsiklo.
Pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double physical injury and damage to property.





Comments