Search
  • BULGAR

Personal kagustuhan, ‘di dapat maging basehan sa pagpili ng negosyo na papatok sa masa

ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| June 24, 2020



Bigyang-daan natin ang ilang bagay na puwedeng isabuhay ngayon at pagkatapos ng COVID-19 pandemic.

Hindi puwedeng hindi tayo kikilos para mabuhay. Takot man tayo o hindi sa anumang karamdaman, kailangan pa rin nating isipin kung paano tayo kakain araw-araw.


Kumbaga, dapat tayong lumaban sa hamon ng ating mga kapalaran. Laban lang dahil wala rin tayong magagawa kundi ang lumaban. Sa paglaban, hindi away ang ating hahanapin dahil ito ay nagsasabi na kumilos tayo para sa ating kinabukasan.


Tulad ng nasabi sa nakaraang isyu, ang online selling ay isang klase ng paglaban sa hamon ng kapalaran. Ito ay dahil hindi gaanong safe ang physical contact at kung hindi man ito maiiwasan, dapat ay limitado lang.


Sa online selling ay parang “online sari-sari store” kung saan ang mga paninda ay tulad sa sari-sari store o kung ano ang mga produktong palaging kailangan ng tao, ‘yun ang kanilang paninda.


Kaya simple lang ang paraan upang mapabilis ang pag-asesno sa online sari-sari store. Muli, ang itinda ay ang madaling maubos, ibig sabihin, ito ang mga panindang gustung-gusto ng mga tao kaya binibili nila agad.


Sa pasimula, 10 paninda lang muna, kaya ang mga produktong ito ang dapat na pinakamabili. Madali lang namang matukoy kung anu-ano ang mga ito.


Itanong mo sa palengke na suki mo kung ano ang pinakamabiling produkto sa kanila. Muli, sampung produkto lang ang iyong paunang paninda at dahil ito ang pinakamabili, tiyak mabibili agad ang paninda mo.


Sa ganitong paraan, maiiwasan mo ang numero-unong dahilan ng pagbagsak ng mga sari-sari store o grocery na ang paninda ay hindi naman kabilang sa mabibiling produkto na gustung-gusto ng mga tao.


Huwag kang magkamali. Muli, kung ano ang gusto ng mamimili, ‘yun ang iyong ititinda. Pero ano ba ‘yung pagkakamali na madalas maging sanhi ng pagkalugi o pagsasara ng mga tindahan?


Ito ay kung ano ang gusto ng may-ari, ‘yun ang kanyang itinitinda. Mali, ‘di ba? Dahil ang utos ay kung ano ang gusto ng mamimili, ‘yun ang ibebenta.


Kaya makikitang ang tanong ay hindi kung ano ang pinakamasustansiya, pinakamaganda at pinakamaganda ang kalidad. Ang mga ‘yan ay hindi puwedeng batayan upang mabilis na mabenta ang mga paninda. Muli, kung ano ang gusto ng mga tao, ‘yun ang iyong ititinda kahit pa ang gusto nilang ito ay hindi mo personal na gusto.

Itutuloy

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.