Search
  • BULGAR

Pag-IBIG Fund, pinalawig ang pagbabayad ng remittance

Updated: Jun 22

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | June 19, 2020




47ws ang hatid ng Pag-IBIG Fund para sa lahat ng employers dahil sa pagpapalawig ng deadline ng pagbabayad ng monthly saving at short-term loan.

“Extended hanggang June 30, 2020 ang pagbabayad ng mga employer. Ito ay isa sa mga paraan para matulungan ang mga negosyo at empleyado na makabalik paunti-unti sa kanilang trabaho at maka-recover sa nararanasan nating pandemya,” sabi ni Secretary Eduardo D. del Rosario, head ng Department of Human Settlements and Urban Development at ika-11 miyembro ng Pag-IBIG Fund Board.

Kasama sa pagpapalawig ng deadline ang mga remittance na due noong March, April at May 2020. Ito ay humigit-kumulang 312,000 employers, nationwide mula sa pribado at pampublikong sektor.

Samantala, ibinahagi naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na pangalawang beses ng pinalawig ang pagbabayad ng mga employer.

“Kinikilala natin ang mga employer na inuuna ang kapakanan ng kanilang mga empleyado at pinapanatili  ang aktibong status nito sa ahensiya. Kaya naman, binibigyan natin sila muli ng 15 araw para maayos lahat at mabayaran ang monthly savings at short-term loan ng walang penalty. Sana sa paraang ito ay maibigay natin ang lahat ng kanilang pangangailangan sa pagbabalik muli nila sa kanilang trabaho at sa pagpasok natin sa tinatawag na “new normal”, dagdag ni Moti.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.