ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 5, 2024
PAG-A-AROUND THE WORLD ANG NAKITA NG MAMAMAYAN NA NAGAWA NI PBBM — Isang uri ng pang-uunggoy sa publiko ang ibinida ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na sa loob daw ng halos dalawang taon niya sa panunungkulan ay marami na raw siyang nagawa sa ating bansa.
Sa totoo lang kasi ay wala pang makita ang mamamayan na nagawa ng Presidente para sa kapakanan ng bayan at taumbayan, at ang tanging nakikita lang ay iyong marami na siyang napuntahang bansa dahil sa kanyang pag-a-around the world, boom!
XXX
MARCOS VS. DUTERTE, BANGGAAN NA SA 2025 MIDTERM ELECTION -- Sa inanunsyo ni PBBM na plano niyang makipagkuwalisyon sa mga partidong Lakas-CMD, Nationalist People’s Coalition (NPC), Nationalista Party (NP) at National Unity Party (NUP), ay hindi niya nabanggit ang partidong Partido Demokratiko ng Pilipinas (PDP) na pinamumunuan ni ex-P-Duterte na ama ng kanyang ka-tandem na si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio.
Pagpapatunay ‘yan na umpisa na ng banggaan ng Marcos vs. Duterte sa 2025 midterm election, period!
XXX
‘UNITY’ NA NGA LANG ANG PLATAPORMA NG MARCOS-DUTERTE, HINDI PA NATUPAD -- Noong 2022 presidential campaign period ay walang inilalahad na plataporma de gobyerno ang tandem na BBM-Sara, ang laging statement nila ay “unity” o pagkakaisa, pero sa nalalapit na banggaan ng Marcos vs. Duterte sa midterm elections, pagpapakita ‘yan na ‘wasak’ na ang UniTeam nila.
Hay naku, “unity” na nga lang ang naging plataporma ng tandem na Marcos-Duterte noon, eh hindi pa natupad, boom!
XXX
SA BAGONG SISTEMA NG COMELEC, HINDI NA MAUUNGGOY NG MGA TRAPO ANG MAMAMAYAN KUNG SINO ANG TUNAY NA KANDIDATO -- Tama ang naging desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na bawasan na ang araw ng withdrawal at substitute ng mga kandidato sa 2025 midterm election, na kung dati ay umaabot ng halos dalawang buwan ang withdrawal at substitute, sa sistema ng Comelec sa nalalapit na filing ng candidacy sa October 2025, ay sa Oct. 8, 2024 na ang last day ng withdrawal at substitute, at wala ng withdraw at substitute sa December 2024.
Mainam iyan para hindi na nauunggoy ng mga trapo (traditional politician) ang mamamayan sa kung sino ang mga tunay na kandidato, period!
Comentarios