ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 17, 2024
Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Miyerkules na makikipag-ugnayan ito sa iba pang mga ahensiya hinggil sa pag-aresto ng mga drayber ng public utility vehicles (PUVs) na hindi pa nakakonsolida matapos ang Abril 30 na deadline.
“Siguro mag-uusap pa kami kasi identified naman na ‘yong mga routes kung saan may mga transport groups na hindi nag-consolidate. So probably magkakasa kami ng joint operations pa rin para mahuli ‘yong mga colorum, hindi lamang ‘yong mga illegally nag-ooperate pati ‘yong hindi nag-consolidate,” pahayag ni MMDA Chairperson Romando Artes sa isang press briefing.
Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hanggang Marso, 80 porsiyento ng mga PUV ang nakakonsolida na.
Kapag natapos ang deadline, sinabi ng LTFRB na mawawalan ng prangkisa ang mga sasakyang hindi nakakonsolida.
May ilang grupo ang nagpahayag ng pagkadismaya at bilang resulta, nagsagawa ng mga transport strike upang iprotesta ang deadline sa Abril 30.
Comments