ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 27, 2023
HINDI LANG MGA ANTI-DUTERTE POLITICIANS ANG NANINIRA KAY VP SARA, KUNDI PATI MGA FAKE NEWS VLOGGERS -- Sanib-puwersa na ang mga anti-Duterte politicians at fake news vloggers sa paninira kay Vice President, Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio.
May nag-post kasi sa social media na nitong nakalipas na Pasko na namimigay daw ng P10K cash at grocery ang Office of the Vice President (OVP) kahit wala namang ganitong programa ang bise presidente.
Malinaw na ang layunin ng nag-post nito sa social media ay sirain si VP Sara para magalit sa kanya ang mga taong hindi mabibigyan ng P10 cash at groceries, period!
◘◘◘
PASKO SA ‘PINAS, PARANG PANGKARANIWANG ARAW LANG NG LINGGO -- Ang araw ng Pasko na natapat nitong nakalipas na Lunes ay walang saya sa mahihirap nating mga kababayan.
Ang dahilan, sa mahal ng presyo ng mga panindang pagkain, ay wala silang naipanghanda sa tradisyong Noche Buena.
Ika nga, dahil sa pahirap nang pahirap ang buhay ng mga Pinoy, parang pangkaraniwang araw na lang ng Linggo na walang pasok ang nagdaang Pasko, tsk!
◘◘◘
MALAKING KALOKOHANG INANUNSYO NG PSA NA KONTI NA LANG DAW ANG MAHIRAP SA ‘PINAS -- Malaking kalokohan ang inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 16.4 % o katumbas na 4.51 milyong pamilyang Pinoy na lang daw ang mahirap sa Pilipinas.
Sobrang mahal ang presyo ng mga bilihin at bayarin sa Pilipinas, tapos sandamakmak na Pinoy pa ang walang trabaho, kaya ‘yang inanunsyo ng PSA ay malinaw na fake news, period!
◘◘◘
BUONG ARAW NA CODING NA IPAIIRAL NG MMDA, ANTI-MIDDLE CLASS CITIZENS AT PRO-MILLIONAIRES -- Ang nais ipairal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na buong araw ng color coding o wala nang window hour ay masasabing anti-middle class citizens at pro-millionaires.
Ang middle class citizens ay karaniwan isa lang ang sasakyan kaya sila talaga ang apektado sa polisiyang ito ng MMDA, at siyempre hindi apektado rito ang mga milyonaryo na sangkaterba ang luxury cars na iba-iba ang plate numbers, boom!
Comments