top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Setyembre 26, 2020 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 26, 2020



Sa may kaarawan ngayong Setyembre 26, 2020 (Sabado): Marami ang aasenso at magsisiyaman dahil sa iyo dahil sa taglay mong lihim na suwerte. Payamanin mo rin ang iyong sarili nang hindi ka magsisi.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Masikip at mahirap tahakin ang landas ng iyong buhay, ito ang nasa isip mo at ito ay hindi totoo. Mag-isip ka ng positibo at magugulat ka dahil magiging mabilis ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-purple.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa malapit lang ang suwerte, kaya kalimutan mo na ang paghahanap sa malayo. Sa totoo lang, kahit naman hindi sinasadyang nasa malayo, tiyak din na lalapit ito sa iyo. Masuwerteng kulay-pink.

GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang ikot ng iyong mundo dahil magiging abala ang isip mo sa mga walang kuwentang bagay na mula sa mga naiinggit sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige.

CANCER (June 21-July 22) - Maghintay ka ng magandang pagkakataon nang sa gayun ay mas marami at malalaki ang mga pakinabang na mapasasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hayaan mo lang na masingitan ka ng iyong karibal. Sa tuwa niya, makalilimutan niyang may mahalagang bagay na dapat siyang gawin. Ito ay nagsasabi na siya ay talo mo pa rin. Masuwerteng kulay-black.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang makialam kahit ikaw ay pakiusapan sa gulo ng dalawang malapit sa buhay mo. Kusa naman silang magkakaayos at magkakabati kahit hindi mo sila pagkasunduin. Masuwerteng kulay-violet.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung nasaan may paghamon sa iyong kakayahan, doon ka lumugar. Ito ang tamang araw upang mailabas mo ang iyong galing at husay sa paglaban sa mga hamon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon ang tamang panahon para bumuo ng plano sa iyong buhay na nakatutok sa personal mong kaligayahan at magandang kinabukasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung sino ang dating hinahangaan mo sa mabilis na paggawa ng proyekto, siya muli ang katulong mo. Ang iba ay may babala na manggugulo lang at pasasakitin ang iyong ulo. Masuwerteng kulay-brown.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ipakita mo na taglay mo ang kakayahang talunin ang malakas sa paningin ng marami. Huwag mong atrasan, bagkus, harapin mo at magugulat ang lahat dahil siya mismo ang maduduwag. Masuwerteng kulay-white.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang nauna mong pinanindigan, ‘yun ang iyong kapitan. Ang pabagu-bago ng pag-iisip at pasya ay hindi maganda sa larangan ng pagpapasunod sa mga tauhan. Masuwerteng kulay-green.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag may bagyo, pinalalagpas lang ito. Palagpasin mo lang ang mga problema mo, at kapag gumanda na ang pagkakataon, saka ka kumilos para umayos ang iyong kalagayan. Masuwerteng kulay-yellow.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page