ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 31, 2024
Bumagal ang ekonomiya ng Pilipinas noong huling quarter ng 2023, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Miyerkules.
Batay sa inilabas ng PSA na datos ng gross domestic product (GDP), na kumakalkula ng kabuuang sukat ng lokal na ekonomiya, 5.6 porsyento ang growth rate sa huling tatlong buwan ng nakaraang taon.
Itinuturing itong pagbaba mula sa 7.1 porsyentong paglago noong ika-apat na quarter ng 2022.
Bilang resulta, umabot sa 5.6 porsyento ang kabuuang paglago ng bansa para sa taong 2023, na mas mababa kaysa sa target na 6.0 porsyento hanggang 7.0 porsyento ng gobyerno.
Bukod dito, nagpapakita ang rate na ito ng pagbagal mula sa 7.6 porsyentong GDP na naitala noong 2022.
Comentarios