top of page
Search
  • Rafaella Garcia

DOTA International kahit online hindi inaprubahan


Minabuti ng The International (TI) Dota 2 Championships na iurong sa 2021 ang nasabing laro, dahil sa patuloy na panganib na dala ng kasalukuyang coronavirus pandemic.

Ito ang ipinahayag ng organizers na Valve sa kanilang isinagawang Dota 2 Blog, kung saan isinasaalang-alang lamang umano nila ang kaligtasan ng mga lalahok sa naturang event.

"After extensive consideration of the global health emergency stemming from COVID-19, we have made the difficult choice to delay The International. We have been exploring various date possibilities, but it is likely that the event will need to happen in 2021," bahagi ng pahayag.

Hindi nila umano masasabi kung kailan ang eksaktong petsa na maaring ituloy ang naturang sports event gayung hindi rin nila sigurado kung kailan tuluyang huhupa ang panganib na dulot ng nasabing virus.

Bukod pa rito, pawang ipagbabawal na ang mga mass gatherings at mga pagbiyahe habang aktibo pa ang virus.

Gayunman, pagkakataon na umano ito para sa mga koponan na kalahok na makapaghanda nang husto para sa nasabing torneo.

Gayundin, pagkakataon ito para sa Valve na pagtuunan ng pansin ang Dota Pro Circuit season, dahil patuloy silang magtatrabaho buhat sa kani-kanilang mga tahanan para dito.

"We hope everyone in the Dota community is staying as safe as possible, and look forward to a time when we can once again welcome everyone to enjoy the spectacle of The International."

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page