top of page
Bea Alonzo - IG.jpg
Search

Butler at Crowder ng Heat inisahan si Giannis ng Bucks

MC
Mar 4, 2020
2 min read

Hindi pinaporma ng host Miami Heat si reigning NBA MVP Giannis Antetokounmpo at nakagawa lamang ito ng 13 points at naging unang team na tinalo ang Milwaukee Bucks nang dalawang beses ngayong season sa bisa ng 105-89 na final score sa NBA game kahapon.

May 2-0 na ang Miami laban sa Milwaukee na may pinakamagandang record sa NBA sa kartadang 52-9, panalo-talo. Nahirapan pa ang Heat sa road game (13-19) pero may ikatlong best home record sa liga (26-4).

Umupo na si Antetokounmpo sa laro sa nalalabing 4:33 sa final quarter habang nakalalamang ang Miami sa 15 puntos. Ang kanyang 13 puntos ang pinakamababa ngayong season. Nakagawa lang siya ng apat na tres puntos. May tatlong tulong at game-high 15 rebounds.

Umiskor sina Jimmy Butler at Jae Crowder ng tig-18 puntos upang pamunuan ang Miami. May 14 points si Bam Adebayo, 13 rebounds, 5 assists at 3 blocks. Si Brook Lopez ay may 21 points para sa Milwaukee.

Sa iba pang laban, umiskor si Malcolm Brogdon ng 26 puntos habang nagdagdag si T.J. Warren ng 23 nang gapiin ng Indiana Pacers ang San Antonio Spurs, 116-111 upang pagwagian ang ika-4 na straight game.

Lumamang na ang Indiana sa 112-109 makaraan ang jumper ni Brogdon sa nalalabing 2:23 na minuto ng laro. Parehong nakagawa ng free throws sina Brogdon at Myles Turner sa final seconds upang palawigin pa ang score.

Sa iba pang resulta ng laro, nilupig ng Utah Jazz ang Cleveland Cavaliers, 126-113; hindi nakapalag ang Houston Rockets sa New York Knicks, 125-123; tinalo ng Portland Trailblazers ang Orlando Magic, 130-107; tinambakan ng Memphis Grizzlies ang Atlanta Hawks, 127-88 at nasuwag ng Chicago Bulls ang Dallas Mavericks, 109-107.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page