top of page
Search
  • BULGAR

Mga pagkaing pampababa ng blood pressure

Dear Doc. Shane,

Ako ay 50 years old at may katabaan kaya natatakot akong baka bigla na lang akong atakihin. Nais kong malaman kung ano ang mga pagkaing nakatu­tulong para mapababa ang blood pressure? — Anton

Sagot

Narito ang mga pag­kaing good for the heart o naka­tutulong sa pagpa­pababa ng blood pressure:

• Gulay — ito ang pangunahing pagkain para sa diet ng may high blood o mataas ang presyon. Imbes na karne ng baka o baboy, ipalit dito ang green leafy vegetables tulad ng kang­kong, spinach at talbos ng kamote. Mayroong itong taglay na potassium o ang sustansiyang nakatutulong sa katawan na mag-flush out ng sodium. Maaari rin ang broccoli, cauliflower, kalabasa, carrots, kamote, patatas. Mayaman ang mga ito sa fiber na nag-aalis ng mga toxin sa katawan.

• Oatmeal — sagana sa fiber ang oatmeal kaya nakatutulong ito sa paglilinis ng katawan at pagpapababa ng blood pressure. Maaari itong samahan ng prutas tulad ng mangga at strawberry na heart healthy foods din.

• Yogurt — sa halip na kumain ng sitsirya sa meryenda o habang nano­nood ng TV, palitan na lang ito ng yogurt na siyang naglalaman ng calcium at fiber — dalawang sustansi­yang tumutulong sa pagpa­pababa ng presyon ng dugo at sa pag-iwas sa sakit sa puso.

• Isdang mayaman sa Omega 3 — kilala ito bilang good fats at maganda ito para makaiwas sa sakit sa puso. Nagpapababa rin ito ng blood pressure at nagdadala ng ginhawa para sa mga may asthma, depression at arthritis.

• Prutas — nakabubuti ito sa may high blood at tumutulong din sa pag-iwas sa mga sintomas ng sakit sa puso tulad ng saging, orange, kamatis, mansanas, berries, pinya, mangga at iba pa.

• Brown rice at mul­tigrain bread — maaaring kumain ng kanin at tinapay kung tayo ay high blood dahil sa taglay nitong fiber ngunit, mas healthy kung brown rice at multigrain bread ang piliin. Ikinokonsidera itong good for the heart.

Gayunman, puwede pa rin tayong kumain ng karne ng baboy at manok ngunit, iwasan ang pagprito at pag-ihaw sa mga ito. I-steam na lamang ang karne o sabawan upang hindi mahaluan ng taba na nagpapataas ng blood pressure.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page