top of page
Search
  • BULGAR

Kahalagahan ng sports sa kalusugan ng mga mag-aaral

KADALASAN, kapag tayo ay tinatanong kung ano ang ating paboritong subject sa klase, marami ang sasagot ng Math o Science, pero hindi mawawala ang Physical Education (P.E.) sa kanilang listahan.

Pagkatapos ng mahabang oras ng paki­kinig sa teachers, pagbabasa at pagsusulat ng leksiyon, kailangan din ng mga mag-aaral ang balanseng aktibidad tulad ng sports.

Ang salitang “sports” ay nagmula noong 1300 sa Old French na “desport” na ang ibig sabihin ay paglilibang. Isa itong uri ng pala­kasan na nagbibigay ng sigla at katuwaan sa ating lahat.

Bukod sa sayang dala nito ay may gampanin din ito sa ating kalusugan. Ipinaaalala ng health experts na ang pag-e-exercise at pag­lalaro ng sports ay isang paraan ng panga­nga­laga at pagpapaunlad ng pangangatawan ng mga estudyante.

Binibigyang-diin ng P.E. at Health tea­chers na hikayatin at sanayin ang mga estudyante na maging aktibo sa athletics o sports habang sila ay bata pa kaya ang pagtuturo ng P.E. subject ay dapat magsimula sa nursery.

Base sa mga pananaliksik, narito ang mga importansiya ng sports sa kalusugan ng mga batang manlalaro:

  • Nagpapalakas sa resistensiya upang ma­ging mahusay at makaiwas sa sakit.

  • Humuhusay sa pag-iisip at mabilis makapagbigay ng solusyon sa problema.

  • Aktibo at praktisado ang utak.

  • Malakas ang loob sa pakikisalamuha at pakikibagay.

  • Nakatatanggal ng stress.

  • Bukod dito, may limang prinsipyo ang pag-eehersisyo upang maging matatag sa pagla­laro ang bata:

  • Overload—walang humpay na pagsa­sanay na pabigat nang pabigat hanggang sa maging pamilyar na ang katawan.

  • Progression—patuloy na pag-angat ng hirap at bigat ng gawain.

  • Specificity—pagtukoy ng paraan ng ehersisyo.

  • Variation—paggamit ng iba’t ibang estilo sa ehersisyo.

  • Reversibility—kapag masakit ang ka­tawan sa ehersisyo, pansamantalang ihinto, tukuyin ang pinanggagalingan at magpaga­ling.

Napakaraming estudyante ang interesado na maging parte ng sports team, ngunit, hindi nakasasali ang iba dahil sa problema sa ma­hinang pangangatawan, kakulangan sa taas o hindi sapat ang bilis at lakas sa pagkilos.

Maaaring gumawa ang guro at eskuwe­lahan ng strategy para matugunan ito at ma­pili ang estudyante sa kinahihiligang sports.

Ating tandaan, sa halip na maging had­lang sa pag-aaral ang paglalaro ng sports, dapat ay magtugma ito upang mabalanse at mapabuti lalo na ang kaalaman sa academics at physical education ng ating kabataan.

Ang mahalaga, may kaakibat na respon­sibilidad at disiplina sa sarili, sa loob at labas ng klasrum. Patuloy nating hikayatin at supor­tahan ang kabataan sa paglalaro!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page