top of page
RUN WILD - VICE AT MVP, NAGSANIB-PUWERSA PARA MAKA-SURVIVE ANG TV INDUSTRY-IG _praybeytben
Search

by Gerard Arce @Sports News | June 7, 2026



Nang-asar pa si John Riel Casimero sa kalaban matapos ilampaso si Luis Nery ng 5 beses sa laban nila na nagtapos sa round 4.

Photo: Nang-asar pa si John Riel Casimero sa kalaban matapos ilampaso si Luis Nery ng 5 beses sa laban nila na nagtapos sa round 4. (solidcasimerofbpix)



Pinatunayan ni dating three-division world champion John Riel “Quadro Alas” Casimero na nararapat lamang itong katakutan ni undisputed at undefeated Japanese boxer Naoya “The Monster” Inoue matapos na tapusin lamang sa fourth round si dating world titlist Luis “Pantera” Nery ng Mexico, habang nalasap ni boxing rising star Kenneth “The Lover Boy” Llover ang kanyang unang pagkatalo laban sa mas matangkad na si American Michael Angeletti sa world title eliminator bisa ng 12-round split decision kahapon sa Aichi Sky Expo sa Tokoname City, Japan.


Maagang binitiwan ni Casimero ang kanyang mabigat na mga suntok para pabagsakin si Nery ng tatlong beses sa first round, habang sinundan ito ng tig-isang knockdown sa second at third round, bago tuluyang tapusin sa 42 segundo ng fourth round matapos ipatigil ni referee Nobuto Ikehara ang sagupaan kasunod ng malutong na left hook sa mukha.


Promoter ko na ‘yung bahala, kase alam naman niya kung sino ‘yung gusto ko, pero yung tagumpay ngayon, alam nyo kung bakit natakot sa akin si Naoya Inoue, that’s why,” bulalas ni Casimero matapos ang laban, na lubos na pinasalamatan ang kanyang promoter na si Koki Kameda. “Hindi biro yung mag-promotion ng ganito tapos big event na magpalaban ng mga big fights at world class.”


Magkasunod na tagumpay ang kinamada ng 37-anyos mula Ormoc City, Leyte matapos pabagsakin nito si Tom Mizokoshi noong Disyembre 27 sa parehong lugar para makamit ang back-to-back na panalo matapos mabigo laban kay Kyonosuke Kameda sa kanyang comeback fight sapol ng isang taong suspensiyon mula sa Japanese Boxing Commission

 
 

by Gerard Arce @Sports News | May 18, 2026



Melvin Jerusalem vs Kuse 2

Photo: Melvin Jerusalem vs Kuse 2 / Circulated



Inaasahang magaganap ang ikatlong paghaharap o trilogy sa pagitan ng bagong World Boxing Council (WBC) minimumweight champion Siyakholwa Kuse ng South Africa at dating Filipino titlist Melvin “El Gringo” Jerusalem ngayong taon na tinitingnang idaraos sa isang ‘neutral country.’


Ito’y matapos matuldukan ang five-fight winning streak ni Jerusalem sa bisa ng 12-round unanimous decision laban sa dating challenger sa main event bout ng Manny Pacquiao Presents: Blow-by-Blow “Thrilla in Manila II” noong Oktubre.


Tabla ang kanilang harapan kasunod ng 116-112, 116-111, at 115-112 para pumabor sa hometown favorite na si Kuse (10-3-1, 4KOs), habang mabigong madepensahan ni Jerusalem (25-4, 12KOs) ang korona sa ika-apat na pagkakataon. Ang tatlong hurado ay sina Samantha Bulner ng Australia, Jun Bae Lim ng South Korea, at Zanashir Taznaa (Mongolia), habang ang fight supervisor ay si Patrick Cusick. 


Respeto sa champion (Kuse). Medyo napaaga lang ‘yung cut, second round pa lang, kaya na-disturb ‘yung flow ng laro ni Melvin. Nahirapan s’yang maka-adjust kase malaki yung cut sa kaliwang mata niya. Kahit humihinto at the end of the round, pero kapag tinatamaan dumudugo pa rin,” pahayag ni head trainer Michael Domingo sa panayam ng Bulgar Sports sa telepono kahapon.


Nasa contract naman ‘yung rematch at mag-meeting pa iyong both sides. We’re expecting na this year ‘yung rematch. Kung ako ang tatanungin, as much as possible sa neutral country na lang gaya ng Japan gawin yung third fight,” dagdag ni Domingo, na medyo diskumpiyado rin sa kinalabasan ng scoring ng mga hurado. 


Nasunod naman ‘yung game plan namin, pero pagdating ng eighth round, ‘di na siya gumagalaw masyado at makatakbo kasi nag-cramps na siya. Kapag gumalaw siya, baka mag-worsen at ma-TKO pa, kaya lumaban na siya nang sabayan,” paliwanag ni Domingo. “Sa ngayon pahinga muna at waiting sa usapan kung sino mag-promote. Reset muna tayo.” 


 
 

by Gerard Arce @Sports News | May 11, 2026



Mayweather vs Pacquiao II - Netflix

Photo: Netflix



Matapos ianunsyo ang paglayo sa The Sphere sa Las Vegas ng inaantabayanang makasaysayang rematch sa pagitan nina unbeaten Floyd “Money” Mayweather at nag-iisang eight-division titlist Manny “Pacman” Pacquiao, panibagong petsa naman sa Setyembre 26 ang nakikitang paggaganapan sa ilalim pa rin ng Netflix.


Ayon sa report na inilabas ng Boxingscene, inihayag ng dalawang opisyal na malapit sa negosasyon, na nakikita nilang gaganapin ang malaking rematch sa pinagganapan sa unang paghaharap sa MGM Grand Garden Arena, mismo pa rin sa Las Vegas, Nevada. “Both camps had agreed already on all the conditions,” ayon sa isang opisyales sa panayam ng Boxingscene.


Mayroong nakalatag na concert sa The Sphere, na pagmamay-ari ng Madison Squarer Garden, sa Setyembre 19 na katatampukan ng legendary band na Eagles, kaya’t ito ang isa sa naging dahilan upang ilipat ang laban, kung saan unang nakalatag ang bakbakan sa parehong petsa.


Isa pa sa mga tinitingnang kadahilanan ay ang maitulak ang karagdagan pag-aalok ng mga pakete ng tiket sa mga high-roller na manunugal sa maraming property nito sa kahabaan ng The Strip, ang MGM ay regular na nagsasagawa ng mga fight-week event para sa madalas nitong pagtakbo ng mga high-profile boxing card tulad ng Cinco de Mayo weekend card na ginanap sa T-Mobile Arena.


Mahigit 11- taong inabangan ang malaking rematch na naunang nasilayan nung Mayo 2, 2015 na binansagang “Battle for Greatness” o “Fight of the Century” na ginanap sa jampacked na MGM Grand, kung saan lumikha ng kasaysayan pagdating sa pay-per-view at kabuuang kinita sa pandaigdigang kinita.


Nagawang magbalik sa professional bout si Pacquiao, matapos magretiro nung Agosto 2021, para magbalik laban para sa World Boxing Council (WBC) welterweight title kontra Mario “El Azteca” Barrios na nauwi naman sa majority draw nung Hulyo 20, 2025 sa sold-out na MGM Grand sa Las Vegas.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page