top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 6, 2025



YT ABS-CBN News (MyPuhunan)

Photo: YT ABS-CBN News (MyPuhunan)



Usapang negosyo ang naging kuwentuhan ng broadcast journalist na si Karen Davila at ng Bad Boy ng Dance Floor at aktor na si Mark Herras nang mag-guest ito sa DTI Asenso Pilipino.


Sa umpisa ng show ay naikuwento ni Karen na si Mark ay ultimate entrepreneur na rin at isa sa mga owners ng Farmers Meat Shop.


Tanong ni Karen, “Ano’ng feeling ng negosyante?”


Sagot ni Mark, “Ah, s’yempre, bago po lahat sa akin, marami pa akong inaalam na bagay-bagay. 20 years ang ibinigay ko sa showbiz, this is my first major business talaga. Very excited at natutuwa ako, very different from showbiz.”


Tanong ni Karen, “Ang negosyo mo ay Farmers Premium Meat Shop? And is it right to say isa kang franchisee? Ano ang sitwasyon mo, what’s the deal?”


Sagot ni Mark, “Meron po akong puwesto ng Farmers Meat Shop. Ito po ay sa Malate, U.N. Avenue, Manila. Ang Farmers Premium Meat Shop ay may sariling poultry sa Pangasinan at mayroong two branches doon. Ako po’y nag-invest ng malaking amount, and then naging partner po ako ng Farmers Meat Shop.”


Tanong ni Karen, “Ano ang ibinebenta ng Farmers Meat Shop?”

Sagot ni Mark, “Lahat po ng kailangan natin everyday — steak, pork, beef, at chicken, pati na rin siomai.”


Tanong uli ni Karen, “So, ang tagal mong artista, ang tagal mo sa showbiz, ano ang kaibahan mo sa business at showbizness?”


Sagot ni Mark, “Ah, dito po, ‘di ako umaarte. Dito, talagang totoong tao ‘yung mga humaharap at kinakausap mo. Nagbebenta ka ng mga produktong kailangan.


“Natutuwa ako sa sarili ko kasi sa showbiz, easy life. Aarte ka lang, punta sa set, susuweldo ka. Ito kasi, kaya s’ya mahalaga sa akin, s’ya ‘yung bumubuhay sa pamilya ko.


“Ang target ko kasi sa buhay is to provide, to be the provider of my family. Medyo hindi ganu’n kasuwerte sa showbiz, so ‘di ako puwedeng magpahinga o mag-relax. Iba ‘yung meron kang business na kayang bumuhay ng pamilya mo.


“Financially, hindi na ako kinakabahan. ‘Yung mga monthly bills, ‘yung mga bayarin, panganay ko, nag-aaral na ‘yung mga bata ngayon — ang mahal ng tuition. So ngayon, nagkaroon ako ng sandalan, sa totoo lang po.”


Tanong ni Karen, “Ano’ng nangyari sa ‘yo sa showbiz?”


Sagot ni Mark, “Actually, sa showbiz kasi, parang sinasabi nila, ‘Laos na ‘yan, nalalaos ka na,’ ganu’n! Hindi ka kasi nag-improve. Ako kasi, Ma’am, parang I’m very thankful and contented ako doon sa narating ko, like StarStruck. Mag-peak ng career, hindi ko na hinahangad na habang buhay akong nasa itaas. 


“Kumbaga, medyo mahirap din ‘yung buhay na ganu’n sa showbiz. But I’m really thankful for everything na nagawa sa akin ng GMA at nai-provide sa akin. ‘Di ko s’ya tinitingnan na parang failure. 


“Kumbaga, kung marami man ang umangat na, I’m happy for them. Mga kaibigan ko naman ‘yun. Basta ako, kuntento ako sa narating ko. Ang goal ko talaga until now is to have work, trabaho para makapag-provide sa family ko.”


Tanong ni Karen, “What was the lowest point in your life?”


Sagot ni Mark, “Dumating ako sa point na talagang kung provider ka, masakit sa loob mong manghiram ng pera, kahit kaibigan mo o hindi mo kaibigan. Dumating ako sa point na ganu’n, na nangutang ako. “S’yempre, nu’ng una, masama sa loob ko. Ayaw ko ito, ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Hanggang sa gagawin mo lahat para sa pamilya mo.”

Tanong pa ni Karen, “Ano ang mga nagawa mo para sa pamilya mo?”


Sagot ni Mark, “Nagsayaw ako sa Apollo, pero I mean ‘yung Apollo po na ‘yun ay ‘di ko s’ya ginawa para magpaingay na naman. Manonood ako naman kasi talaga, trabaho ako, eh, kumbaga raket ‘yan. Game, ginawa ko ‘yan. Kayang-kaya kong isakripisyo kahit ano’ng puwede kong isakripisyo para sa pamilya ko. Kumbaga, family man po talaga ako. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao.”


Very well said, Mark! Bongga ka d’yan! Ipagpatuloy mo lang ang business mo — sure si yours truly, marami ang bibili ng mga paninda mo. 

Pak, as in tumpak, Mark Herras!



NAPAPANAHON ang usapan ng success coach na si John Calub sa ilang miyembro

ng media.


Napag-usapan ang tungkol sa biohacking at frequency healing na maaaring maging susi sa paggaling ng cancer, diabetes, at iba pang sakit nang hindi gumagastos ng malaki sa tradisyonal na gamot at operasyon.

Natanong si Coach John Calub tungkol sa sakit ni Kris Aquino na autoimmune condition.


Sagot ni Coach John, “That can be traced through energy blocking kung bakit nagkaroon ng autoimmune.”


Kuwento ni Coach John, noong 2020, dumaan din siya sa mabigat na pagsubok nang dalhin siya sa ospital at ma-diagnose na may matinding gut health issues at isang bihirang kondisyon. Ito ay isang incurable condition, kaya araw-araw siyang nakararanas ng tinatawag na non-bacterial chronic pelvic pain syndrome (CPPS) — na ayon sa mga doktor, isang matinding sakit. 


Ngunit bilang isang “never give-up” success coach, nagsaliksik si John ng iba’t ibang solusyon at natuklasan ang larangan ng biohacking, ang sining at agham ng pagbabago ng kapaligiran sa loob at labas ng katawan upang magkaroon ng ganap na kontrol sa sariling biyolohiya. 


Ang biohacking ay gumagamit ng kombinasyon ng sinaunang karunungan at makabagong teknolohiya upang muling paganahin ang likas na kakayahan ng katawan na mabilis na magpagaling.


Kasama sa mga pinag-aralan ni John ang breathwork, ayurvedic herbs, biotechnology, ice bathing, red light therapy, grounding or earthing, frequency healing, genetic testing, at detoxing.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 4, 2025



FB Gil Aducal Morales

Photo: FB Gil Aducal Morales



Masaya ang singer-comedian na si Ate Gay sa kinahinatnan ng tatlong araw na radiation therapy niya sa Asian Hospital and Medical Center. Sabi nga ni Ate Gay sa post niya ay marami siyang anghel. 


Nagbahagi rin siya ng larawan kasama ang mga nurse ng hospital.


Noong October 2, nag-share siya sa kanyang Facebook (FB) page ng latest update tungkol sa kanyang kalusugan. 


Aniya, “Ang bilis ng pagliit ng bukol in 3 days… 10 cm (centimeters), naging 8.5 cm. Maraming salamat po sa inyong lahat na nanalangin ng aking agarang paggaling. Patuloy lang po.”


Marami ang natuwa sa ibinalita ni Ate Gay at napuno ng panalangin ang comment section ng post niya.


Matatandaan na ibinahagi niya kamakailan na na-diagnose siya ng Stage 4 cancer.



NAG-GUEST ang aktor na si Jeric Raval sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kamakailan. Tinanong ng King of Talk kung nagalit daw ba sina AJ Raval at Aljur Abrenica matapos masabi ng aktor na may dalawang anak na ang dalawa.


Sagot ni Jeric, “Hindi naman. Actually, nadulas lang ako nu’n. Ang totoo n’yan, doon sa presscon namin, mayroon akong kausap. Na-overwhelm lang ako na parang normal na kuwentuhan.”


Kinumusta ni Boy sina AJ at Aljur. 


Sagot ni Jeric, “Okay naman. In fact, two nights ago, nandu’n kami sa bahay nila sa Angeles.”


Tanong ni Boy, hindi na ba babalik sa showbiz si AJ?


Sagot ni Jeric, “Sabi ko sa kanya, ‘Mag-artista ka hangga’t bata ka, balik ka.’ Medyo

napaso ru’n sa mga bashing, kasi puro below the belt. S’yempre, ‘pag bina-bash sila, automatic, kaladkad ‘yung pangalan ko. Pero ako, ‘di na ‘ko apektado sa ganu’n.”


Well, ang masasabi lang ni yours truly, balik ka na, AJ Raval, habang bata ka pa. Sayang ang kikitain, para rin sa mga babies ninyo ni Aljur Abrenica. 


Dapat ay dedma na lang sa mga bashers, ‘di ba naman, madlang pipol? 

‘Yun lang, and I thank you.



NAG-IISA lang ang aktres na si Rufa Mae Quinto dahil sa mga bonggang sagot niya sa tanong ng mga movie press.

Sa isang panayam ay natanong si Rufa Mae kung bakit siya sumali sa Your Face

Sounds Familiar (YFSF).


Makatotohanan naman ang hirit ni Rufa Mae sa kanyang sagot. 


Saad niya, “Alam ko na kahit ano’ng gawin ko, ‘yung boses ko, hindi naman magiging kapantay ng mga champions, ‘di ba? Pero humanda sila! So, ‘yun po ang dahilan. Gusto ko pong magkaroon ng bagong pamilya at gusto ko pong magpasaya ulit ng mga tao… para sumaya rin ako. 


“I’m depressed, but it’s okay because THERE’S FREEDOM OF THE PRESS. YES! Thank you, guys! So, mga press, family, mga friends, hooray! Yes! Mga press, ‘wag kayong ma-depress!”

Kamamatay lang kasi ni Trevor Magallanes, ang mister ni Rufa Mae sa edad na 38 at dumaan din siya sa matinding pagsubok nang makasuhan kaugnay sa reklamong investment scam.


O, ‘di ba? Depressed pa siya ng lagay na ‘yan, ha, paano pa kung hindi? 

Well, Rufa Mae Quinto is Rufa Mae Quinto. Pak, as in pak na pak, wapak, at tumpak, ganern!


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | October 1, 2025



Jinggoy Estrada - Senate PH

Photo: Shuvee at Vice / FB


Marami pa rin ang nagugulat kung bakit umano matindi ang pagtatanggol na ginagawa ni mismong GMA-7 top executive Atty. Annette Gozon kay Shuvee Etrata.


Matapos kasing bonggang mabatikos ang Pinoy Big Brother (PBB) alumnus nang dahil sa pagiging DDS (diehard Duterte supporter) daw nito at may isyu pa raw sa It’s Showtime (IS) hosts na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario, at lalo na kay Meme Vice Ganda, hindi na tinantanan ng intriga si Shuvee.


Sa panayam sa kanya ni MJ Felipe sa TV Patrol, nagpaliwanag itong bunsod ng kabataan ang kanyang mga saloobin na lumulutang ngayon na mga lumang videos. Kahit ang pag-‘eww’ niya kay Vice ay dahil lang umano sa pagiging bahagi nito ng vlog niya.


At dahil mukhang ngayon lang daw naging ‘committed’ itong si Atty. Annette na magtanggol o kumampi sa artist nila, kinukuwestiyon tuloy ang iba nilang mas sikat daw na mga celebrities na nagkaroon ng mas matitindi pang gusot and yet, dedma raw ang management?



Kung pagbabasehan ang body language nina Angela Muji at Rabin Angeles, napakadaling sabihin na may mas malalim na silang ugnayan sa ngayon.


Sa katatapos na “thank you” mediacon para sa pagtatapos ng series nilang Seducing Drake Palma (SDP), hindi lang sila komportableng magpalitan ng mga nakakakilig na salita at papuri sa isa’t isa, kundi maging sa mga simpleng titigan at tapikan, halatang may ‘something’ na sa dalawa.


May mga pagkakataon pang halos ayaw nilang maghiwalay sa pagkakadikit nila sa upuan na para bang sila’y mga bagong kasal.


“Sino ba naman ang hindi kikiligin sa kanya? Yes po, GF material s’ya,” sey nga ni Rabin kay Angela na sinabi niyang kamukha nga raw ng showbiz crush niyang si Nadine Lustre.

Kapuna-puna rin ang mas mahusay na pagsagot ni Angela sa mga tanong lalo’t para sa kanya ay hindi naman daw puro kilig ang nararamdaman niya sa leading man. 


“Physically, mahirap talagang i-resist ang ganda ng mga mata n’ya. Pero more than that, ‘yun pong sense of humor at sipag n’ya sa trabaho ang hinahangaan ko. If ever man na ipareha kami sa iba soon, wala namang isyu dahil nandito kami to work,” pahayag pa ni Angela.


But then again, since malakas nga ang kanilang tandem, muli silang magsasama sa movie project na A Werewolf Boy (AWB). Yes, after ng TV series, sa movie naman masusubukan ang power ng love team nila.



KUNG pinuri nang husto ang SB19 nang dahil sa pagkanta nila ng Kapangyarihan ng Ben & Ben sa Tokyo, Japan concert nila, ganoon din ang tinanggap na papuri ng grupo nang awitin din nila ito sa closing ceremony ng FIVB sa SM Mall of Asia (MOA).


Nang dahil nga sa napapanahon ang mensahe ng song at dahil kilala ang SB19, natural din silang sinuportahan ng mga Pinoy na galit na galit na nga sa mga usaping-bayan.


Pero iba pa rin ang original ‘ika nga. Sa presence ng 32 countries na lumahok sa pagtatapos ng world men’s volleyball cup na rito nga ginanap, ang Ben&Ben nga ang nag-perform.


Inawit nila ang bagong kanta nilang TRIUMPH na pinalakpakan ng mga dayuhang bisita, pero nang awitin na nila ang Kapangyarihan, naku po, talagang dumagundong na ang buong Arena.


At dahil binisita nga rin tayo ni Sen. Leila Barros, ang volleyball icon at legend na sumikat dito sa atin in the late ‘90s and early 2000s, ito na rin ang nag-anunsiyo na sa 2029 ay ang Pilipinas nga ang magho-host ng World Women’s Volleyball Cup.


Isa nang senador sa Brazil si Leila na kilalang-kilala pa rin ng madla at sobra pa rin itong pinapapurihan ng lahat, and yet, humble pa rin ito at very sweet sa mga Pinoy fans.


Naku, Mareng Ateng Janiz, na hindi umabot sa aming paanyaya nu’ng may pa-presscon sa kanya, may iba pa kaming tsika on her dahil minsan din siyang naging laman ng TV shows noong araw at marami ring mga male and female celebrities natin ang nabaliw sa kanya. Hahaha!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page