- BULGAR
- 6 hours ago
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 9, 2025

Photo: FB Pauleen Luna Sotto
Sa pag-ibig, hindi mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Ito ang nakita ni yours truly sa TV host-aktor na si Vic Sotto at sa asawa nitong aktres na si Pauleen Luna-Sotto.
Sa Instagram (IG) post ni Pauleen, nag-share siya ng larawan nilang mag-asawa na tipong parang bagong kasal pa lang at kita sa mukha nila na masaya sila sa isa’t isa.
Saad ni Pauleen sa post niya, “14 years together (star emoji). What a blessing.”
Wow, happy anniversary, Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna!
HABANG personal na namimigay ng tulong sa mga nasalanta sa Cebu, nasaksihan mismo ni Sen. Robin Padilla ang kaguluhan sa pila ng mga nangangailangan, dahilan para ibahagi niya sa social media ang kanyang karanasan at paalala tungkol sa tunay na diwa ng serbisyo-publiko.
Kuwento ni Sen. Robin, “The best training is on-the-job training!
“Habang nagbibigay ng pambili ng pangtawid-gutom ang aking mga kasama, may mga palaban na nanggulo sa linya. Ang pulis at guardia ng city hall ng Talisay ay sinubukan na ibalik ang kaayusan ngunit tinalo sila ng dami ng mga palaban. Napilitang umatras ang aming volunteers dahil makukuyog na sila.
“Habang nangyayari lahat ito, may isang grupo ng mga trainee ng isang bureau ang napadaan sa nagaganap na kaguluhan. Ang buong akala namin ay hihinto ang mga ito at tutulong sa guardia at pulis, pero nagkamali kami. Dinaanan lang nila ang kaguluhan at nagpatuloy sa kanilang jogging.
“Pambihira! Na-miss ko tuloy ang mga kadete ng PMA (Philippine Military Academy) sa Baguio noong ako ay nakatira doon. Tuwing may sakuna at kailangan ng manpower, nand’yan ang mga kadete ng PMA, handang magserbisyo.
“Itong trainer ng mga kadete ng bureau na ito, palagay ko, kailangang mag-retraining para maipasok sa puso at isipan nila na ang una nilang trabaho bilang officer ay magserbisyo sa tao lalo na sa panahon ng kalamidad.
“Nasa harap nila ang mga taong punong-puno ng putik dahil nawasak ang kanilang mga tahanan at naghihikahos sa hirap at kalituhan. Napakainam sana na nandu’n ang mga trainee na ito sa ground zero at tumulong sa mga tao kaysa nagpapawis sa pag-jogging. Goodness gracious!”
Akala ni yours truly, sa pelikula lang nangyayari ang mga kaguluhan sa panahon ng pagtutulungan.
Ingat lagi, Sen. Robin Padilla.
NAG-SHARE sa social media ang aktres na si Kiray Celis ng prenup photos nila ng fiancé niyang si Stephan Estopia, na tipong may kasamang palaro para sa kanyang mga tagahanga.
Sey ni Kiray, “Sa lahat ng tao sa mundo, ikaw ang pinakapaborito ko.”
Dagdag pa ni Kiray, “‘Yung inuna pa ‘yung prenup kaysa mag-isip ng hashtag namin sa kasal. Oh game, may P5,000 po sa akin ang pinakamagandang comment ng hashtag at gagamitin namin sa kasal namin. ‘Tepan & Ting’ ang name!”
Well, P5,000 is P5,000 kaya game ang mga tagahanga ni Kiray sa palarong pinamagatang “Hashtag Tepan at Ting”.
Ito naman ang mga suggestions ng mga lumahok sa palarong pangmalakasan ni Kiray:
Contestant No. 1: #TEPANindigansiTINGhanggangdulo
Contestant No. 2: #NaglisangKaTEPANniTING Contestant No. 3: #TEPANfoundHisEverlasTINGlife
Contestant No. 4: #TepanTINGHappilyEverAfter
Contestant No. 5: #TepanandTingForeverAfter
Oh, ‘di ba, ang bongga ng palaro ni Kiray! Ang daming sumali at in fairness, pinusuan ng maraming netizens at mga kapwa niya artista ang post niya, isa na nga rito ang aktres na si the beautiful Marian Rivera. Bongga!




