top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | May 17, 2025



Photo: Bam Aquino - IG



Maraming netizens naman ang nagsasabing ‘nabudol’ sila ni Bam Aquino, lalo’t napaniwala raw sila sa pinaka-battle cry nito last elections na ito nga ang “ama ng free college education,” o ‘yung “Free Higher Education for All Act, Senate Bill 1304.”


Biglang naglabasan ang mga research works na ginawa ng mga netizens at napabulaanang hindi totoo ang naging campaign slogan ng bagong halal na senador. Isa lang pala siya sa mga author ng nasabing bill na sinimulan sa Senado ni ngayo’y Finance Sec. Ralph Recto bilang main author.


Ang iba pang mga co-authors na naturang bill sa Senado ay sina Sonny Angara, Joel Villanueva, Loren Legarda, JV Ejercito, Cynthia Villar, Migz Zubiri, Dick Gordon, Kiko Pangilinan, Leila de Lima and Win Gatchalian.


May mga record pa ngang noon pang early 2000 ito nasimulan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago hanggang sa mga kongresista mula sa mga party list representatives.


Pero sa Senado nga ay naging main author nito si Sec. Recto na eventually ay in-sponsor ni Bam.

At kahit pa nga naging batas na ito nang pirmahan na ni dating Pres. Duterte in 2017 (R.A. 10931), nagkaroon ng malaking role sina Sen. Ping Lacson at Bong Go rito.


Ayon pa rin sa record, si Ping ang nagpursige na makahanap ng pondo para sa naturang batas mula sa mga natutulog na budget ng ibang agencies. Si Bong Go naman ang naging instrumental para hindi ito ma-veto ni Pangulong Duterte kaya ito pinirmahan at naging batas nga, kahit pa noon pang panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ito naipanukala ng hanay nina Sec. Recto.


Kaya sa mga naglalabasang socmed (social media) items proclaiming Bam Aquino bilang “ama ng free tertiary education sa bansa,” huwag naman daw pong solohin ito ng mga nagpu-push na supporters ni Bam.


Actually, I personally voted for Bam dahil sa pagkapital niya sa naturang advocacy niya. Pero ngayong nalaman natin ang tunay na istorya, isama rin naman sana natin ang iba pang mga lider na nagpakahirap din para sa naturang batas. 


At sana, si ngayo’y Senador Bam Aquino na mismo ang mag-initiate at mag-correct nito.


Talo nu'ng 2022 at 2025 elections…

PACQUIAO, NAUBOS ANG DAAN-DAANG MILYONES, BALIK-BOXING


Balitang matapos na mabigo sa eleksiyon si Manny Pacquiao, umuugong uli ang tsikang babalik daw ito sa boxing.


Nakakalokang balita dahil years ago pa nang magdeklara si Pacman ng kanyang pagre-retire sa professional boxing.


Pero nang dahil nga raw sa magkasunod na pagkatalo nito sa eleksiyon (2022 presidential elections at nitong 2025 senatorial bid) at halos pagkaubos ng daan-daang milyones na naipon nito, ang pagbabalik-boxing daw ang mabilis na mapagkukuhanan nito ng pera.


Mid-40s na si Pacman at ibang-iba na ang kondisyon ng kanyang pisikal at mental na kalagayan.


Marami tuloy ang nagtatanong kung ano na ang nangyari sa kanyang mga naipundar, mga negosyo at mga kaanak na tinulungan ding maging public servants.


At siyempre pa, ano na nga raw ba ang papel ni Jinkee Pacquiao ngayon sa status nila lalo’t nakilala nga ito ng madla bilang ‘very luxurious at mahilig sa mga milyones na gamit?’


Dahil sa kanser…

53-ANYOS NA INA NI MAYMAY, PUMANAW NA


MAY mga socmed (social media) friends tayong nakikidalamhati sa ilang mga pamilya ng celebrities natin na nawalan ng mga mahal sa buhay nitong nakaraang May 14 at 15.


Nandiyan si Maymay Entrata na namatayan ng ina dahil iginupo na ito sa naging laban sa kanser. Fifty-three years old lang ang nanay ni Maymay na si Mrs. Lorna Entrata.

Worried ang mga fans ni Maymay dahil alam daw nilang very close ito sa ina at isa nga ito sa mga rason kung bakit nagsisikap sa showbiz si Maymay.


Namatay din ang nakababatang kapatid ng bokalistang si Rico Blanco na si Rey “King” Blanco na 50 years old lang din at balitang nagkaroon din ng kanser.


Ang 24-Oras anchor namang si Emil Sumangil ay humingi rin ng dasal para sa pinsan niyang si Engr. Philipp “PJ” Santiago na isang mountaineer. Namatay ito mula sa isang expedition ng grupong kabilang sa mga umaakyat sa Mt. Everest, ang pinakamataas na bundok sa buong mundo.


Ang amin pong pakikiramay sa mga naulila nila.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 17, 2025





Nauna nang natsismis na pinaghahandaan na ni Bea Alonzo at ng kanyang rumored BF at Puregold owner na si Vincent Co ang pagpapakasal nila sa Spain.


Dahil dito, pumalag ang kampo ni Bea tungkol sa nasagap na balita ng PEP na naghahanda na raw sila ni Vincent para sa kanilang kasal sa Spain.

Lalong umugong ang balita nang kumalat na may pictorial umano si Bea kasama si Vincent sa Spain.


Present din daw ang buong team ng isang kilalang photo studio na gagawa ng pictorial, subali’t hindi malinaw kung para saan ang pictorial, kung ito ba’y prenuptial engagement o iba pang binabalak ng couple at kung magkasama ba ang dalawa sa Spain.


Pero ayon daw sa mapagkakatiwalaang source, hindi sabay bumiyahe ang dalawa sa Spain. Sumunod na lang daw si Vincent.


Related daw sa kanyang trabaho ang ipinunta ni Bea sa Spain, maging ang naunang biyahe nito sa Thailand, kung saan namataang magkasama ang couple. 


Nag-shoot daw si Bea ng isang endorsement sa Thailand, at nag-pictorial din siya para sa isa ring produkto sa Andalucia, Spain.


Itong sa Spain daw ay para sa isang brand ng luggage na ine-endorse ng Kapuso actress. Kapareha raw ito ng isang kuha ni Bea sa Andalucia, Spain kung saa’y may dala-dala siyang luggage.


May isa pang litrato si Bea na kuha sa Andalucia, Spain, kung saan may kasama siyang lalaki habang naglalakad sila sa beach nang naka-holding hands. Hula ng mga netizens, si Vincent ito.


Dito rin nagsimula ang tsismis na nagde-date ang dalawa.

Ibig kayang sabihin nito ay bahagi lamang ng endorsement shoot ang larawan ni Bea kasama ang lalaking sinasabing si Vincent?


Hindi tiyak ng pangalawang source ng PEP kung saan unang namataan sina Bea at Vincent — sa Thailand ba o sa Spain.


Pero ang pagkakaalam ng nabanggit na source, nang nalaman daw ni Vincent na may shoot si Bea sa Spain, nagpadala ito ng pagkain sa set.


Pero noon pa man daw ay pursigido na si Vincent sa panliligaw sa aktres. Matagal na raw nanunuyo si Vincent kay Bea pero noong una, hindi raw ito pinapansin ng Kapuso actress dahil mag-on pa sila ni Dominic Roque.


Nang mag-break sina Bea at Dominic, doon na raw nagpursige si Vincent sa panliligaw sa aktres.



MARAMING netizens ang nasorpresa sa pagpasok ng bagong karakter sa Batang Quiapo (BQ), ang sexy star at Vivamax talent na si Angeli Khang. 


Kasabay ding winelcome ang beteranong aktor na si Leo Martinez na gumaganap na ama ni Angeli sa hit primetime series na BQ.


Dahil mag-amang magkasabwat sa milyong droga, isa na namang maaksiyong linggo ang dapat abangan ng mga manonood ng BQ sa muling pagsabak ni Coco Martin sa bakbakan.


Sabi nga ng isang suki ng BQ na si Jomy Capareda ng San Mateo, Rizal, “Hindi kaya dyoyowain lang ni Coco si Angeli kaya isinama sa serye?”


Diumano, marami raw kasing Kapamilya actress ang nasa line-up para sa serye and yet, ang sexy star ang inuna ni Coco.


Dahil sa pagpasok ng dalawa, mauuwi sa isang mabagsik na harapan ang mag-amang Tanggol (Coco Martin) at Ramon (Christopher de Leon), laban kina Miguelito (Jake Cuenca) at Roberto (Albert Martinez) matapos magkaaberya ang isang malaking transaksiyon nila sa droga gawa ng mag-amang Angeli at Leo.


Pero mukhang mas may matinding bakbakan pa ang naghihintay kay Tanggol dahil hindi na ito nagdadalawang-isip pa na muling kalabanin ang sariling amang si Ramon.


Gusto na kasing kumalas ni Tanggol sa mga ilegal na transaksiyon ni Ramon at handa na siyang magbagong-buhay para maging mabuting tao.


Huwag palampasin ang maaaksiyong kaganapan sa BQ, na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 14, 2025





Ikinasal na ang former Star Magic star na si Kristel Fulgar sa Korean boyfriend nitong si Ha Su-hyuk sa South Korea last Saturday (May 10, 2025).


Sa larawang kuha sa newlyweds na in-upload via Instagram (IG), makikita sina Kristel and Su-hyuk na looking radiant in their wedding attire.


Nakilala ni Kristel si Su-hyuk through a mutual friend based in South Korea. 

Kuwento ni Kristel, “Meron akong friend sa Korea na ipinakilala sa akin si Su-hyuk. Matagal na siya dito sa Korea nakatira at kilala niya si Su-hyuk na mabait.


“And that friend, kilalang-kilala rin ako, alam n’ya rin ‘yung personality ko, and alam n’ya rin kung ano ang gusto ko sa guy.


“And so, s’ya ‘yung nagpakilala sa aming dalawa. And then ‘yung una pa lang naming pagkakakilala, para talagang super magical. Hindi ko ma-explain.


“Swak kami sa values, pareho kaming very respectful, pareho kaming conservative. ‘Yung approach n’ya sa dating, very classic and ‘yun din talaga ang gusto ko sa guy,” masaya niyang pagkukuwento.


Aniya pa, perfect ang timing ng kanilang pagkakakilala, noong panahong si Kristel ay praying to find the right person, ready na ito sa relationship.


Kristel knew Su-hyuk was the one when he chose to convert to Iglesia ni Cristo (INC), embracing her faith and beliefs.


“Du’n ko talaga na-realize na God-sent s’ya para sa ‘kin,” ani Kristel.


Padir ni Daniel… ROMMEL, TALUNAN BILANG MAYOR SA NUEVA ECIJA


BASE sa official and unofficial results nitong nakaraang midterm elections, may ilang celebrities na hindi pinalad sa kanilang pagtakbo ngayong halalan. May wagi rin namang mga artista.


Kabilang sa mga celebrities na nanalo sa katatapos lamang na midterm elections na ginanap nitong May 12, 2025 ay ang former beauty queen na si Leren Bautista, na kasintahan ng basketball player na si Ricci Rivero. Nahalal siya bilang konsehal ng lone district ng Los Baños, Laguna sa pangalawang pagkakataon.


Ang dating Star Magic Circle star na si Niña Jose-Quiambao ay nanalo ring mayor ng Bayambang, Pangasinan, sa kanyang ikalawang termino.


Ang anak ni Alma Moreno kay Joey Marquez na si Yeoj ay nahalal na konsehal ng unang distrito ng Parañaque City.


Nanalo rin bilang board member ng second provincial district ng Laguna si Tutti Caringal ng 6CycleMind.


Muling nagwagi bilang mayor ng Pandi, Bulacan si Enrico Roque, ang producer ng CineKo Productions.


Sa kasamaang palad, natalo ang actor na si Dan Fernandez sa kanyang gubernatorial bid sa probinsiya ng Laguna, kalaban ang dating ABS-CBN News anchor na si Sol Aragones.


Hindi rin pinalad na manalo ang kanyang anak, ang aktor na si Danzel Fernandez, na tumakbong cong. ng lone district ng Sta. Rosa, Laguna.


Hindi natupad ang pangarap ni Lito Camo na paglingkuran ang kanyang mga kababayan sa Bongabong, Oriental Mindoro dahil hindi siya nanalong alkalde ng kanilang bayan.


Hindi rin nagwagi si Rommel Padilla, ang ama ni Daniel Padilla, na kumandidatong mayor ng Cuyapo, Nueva Ecija.


Tulad ng kanyang kapatid na si Anjo Yllana na tumakbong vice-mayor ng Calamba City, Laguna, hindi pinalad si Paulie Yllana na maging konsehal ng lone district ng naturang siyudad.


Malungkot din ang kinahinatnan ng pagtakbo ni Bobby Yan, ang kuya ng pumanaw na aktor na si Rico Yan, dahil hindi siya nagwaging konsehal sa lone district ng City of Cabuyao, Laguna.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page