top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | November 26, 2025



LET’S SEE - EMAN, NIYAKAP AT BINESO-BESO AGAD SI JILLIAN_IG _emanbacosapacquiao

Photo: JILLIAN_IG _emanbacosapacquiao



Mukhang matutuloy na ang tambalang Jillian Ward at Eman Pacquiao.

Kung pagbabasehan kasi ang naging reaksiyon at reception ng mga tao noong premiere night ng Kapuso Mo, Jessica Soho: Gabi ng Lagim, The Movie (KMJSGNLTM), tila may bagong pagkakaguluhan at mamahaling love team.


Bumibida sa isang episode ng trilogy movie si Jillian na sinorpresa ni Eman that night sa red carpet ng premiere. 


Matatandaang naging very public nga sa pag-amin ang batang boksingero na showbiz crush niya ang magandang aktres.


Ang labis na ikinagagalak ng mga netizens ay ang tila mabilis na aksiyon ni Eman. 

Sey ng mga naka-witness sa tila mala-smooth operator moves nito, “Hindi s’ya natakot o nahiya. Sa paglapit n’ya kay Jillian ay mabilis itong yumakap, may pagbeso at may pagbulong pa sa tenga ng aktres.”


“Lalaking-lalaki ang astahan pero swabe,” hirit pa ng ilang kilig na kilig.



ALTHOUGH marami ang nagtatanong kung bakit tila umano ‘delayed o late’ ang reaksiyon ni Cong. Arjo Atayde na mag-volunteer bilang resource person sa ongoing investigation ng ICI (Independent Commission for Infrastructure), may mga pumupuri pa ring supporters sa aktor-pulitiko.


Ang naturang pagboluntaryo ni Arjo na magsiwalat ng kanyang nalalaman sa maanomalyang flood control scandal ay hinahangaan ng kanyang mga supporters dahil iyon nga lang din daw ang makakapagklaro ng pangalan nito.


Matatandaang isa nga si Arjo Atayde sa mga mambabatas na nakasama sa mga diumano’y ‘nakinabang’ sa maanomalyang isyu na ikinagagalit nga ng sambayanan.


Wala akong kinalaman sa anumang katiwalian. Nakahanda akong magsiwalat ng aking nalalaman,” sey pa ng aktor-pulitiko.



SAMANTALA, marami ang naniniwalang nasa interesting stage na nga si Loisa Andalio after nitong hindi magpakita sa grand mediacon ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins (SRR:EO).


Right after na pumutok ang engagement item nila ni Ronnie Alonte, bigla ring lumabas na nagdadalantao na ito.

Ayon sa mga nakatsika naming naging co-housemates din ng dalawa 10 years ago, talaga raw nakikita nilang mag-e-end up together ang dalawa. Wish nga nilang maimbitahan daw sila sa future kasalan na magaganap.


Sey naman ng ibang nakatrabaho nila sa last teleserye nilang Pira-Pirasong Paraiso (PP), “Naku po! Finally, may formality na. Happy kami for them dahil kapwa sila masipag at mag-partner talaga sila sa magagandang bagay lalo na sa negosyo. Importante ‘yun sa buhay.”


Kasama si Loisa sa mga bida sa first episode ng SRR:EO na 1775. Period piece ang kanilang episode kung saan nagsimula ang ‘evil’ na umabot sa susunod na episodes nitong 2025 at 2050.


Entry ito ng Regal Entertainment sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) this December sa direksiyon nina Shugo Praico, Joey de Guzman at Ian Lorenos.



 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 25, 2025



TALKIES - SEN. ROBIN, ATRAS MAGING LEADING LADY SI MARIEL_FB Mariel Rodriguez Padilla & Robin Padilla

Photo: File / Kylie Padilla



“Sarap panoorin,” ito ang komento ng mahusay na aktres na may pusong mapagparaya na si Kylie Padilla sa post ng aktres na si AJ Raval.


Nagbahagi si AJ Raval sa kanyang Instagram (IG) account ng video clip kung saan makikita na naglalaro ang magkakapatid na sina Alas, Axl at ang anak ni AJ na si Aikina.

Mababakas sa mukha ng magkakapatid na masaya sila na magkakasama habang naglalaro at mahal na mahal nila ang isa’t isa.


Saad ni AJ sa post niya, “She’s growing up with kuyas (mga anak ni Kylie) who adore her... and that’s a blessing I’ll forever be grateful for.”


Bukod sa komento ni Kylie ay pinusuan niya rin ang post ni AJ.


Maraming netizens ang pinusuan ang post ni AJ at humanga kay Kylie.

Komento ng isang netizen, “Mga anak ni Aljur Abrenica, mga pogi at maganda.”

Korek ka d’yan, ateng! Ang guwapo at ang ganda ng mga anak ni Aljur Abrenica at mababait na mga bata.



THIS is it pansit. Ito na ang hinihintay ng mga tagahanga ng aktor-TV host ng Rainbow Rumble (RR) na si Luis Manzano.


Sa social media post ng anak ng Star for All Seasons na si Vilma Santos na si Luis ay nagbahagi siya ng video clip kung saan makikita na nagpahayag siya ng latest update tungkol sa pakikipag-usap niya sa management ng ABS-CBN.


Kuwento niya, “‘Yun lang, katatapos lang ng meeting namin sa ABS-CBN. Mukhang matutuloy na ang teleserye na sinasabi nga natin kung saan mga kapatid ko... si Piolo (Pascual), si Joshua (Garcia), si Paulo (Avelino) at saka si Donny Pangilinan. Medyo nagkaayos na kami sa mga talent fee (TF), ‘yun na lang ‘yung naging issue.


“Si Piolo kasi, kada show P2,500. Si Joshua naman, ang sabi lang ni Joshua, basta may pagkain sa set okay lang. Kahit libre na ‘yung taping basta may pagkain. Si Donny, nasa P1,800 yata kada teleserye. Tapos si Paulo Avelino nasa... P1,600 yata.


“Eh, ako, ang bayad kasi sa akin ay P10 million kada linya. Kada linya pa lang, ha? So, okay naman sa management ‘yung budget na ‘yun at saka ‘yung TF.


“Pero ang update po, eh, nag-message sa akin si Alden Richards, alas-tres nang umaga. Sabi niya, ‘Can I call you Kuya Lu (Luis)?’ ‘Yun ang sabi ni Alden. 


“Sabi ko, ‘Bro, tawag ka.’ So umiiyak s’ya sa akin. Sabi n’ya, ‘Kuya Lu, nabalitaan ko may project ka na maganda, so baka puwedeng makasama sa project mo. ‘Yung teleserye na ipo-produce ko. Umiiyak s’ya nang alas-tres, sabi niya, ‘Kuya Lu, sana makasama ‘ko sa project.’


“Sabi ko, ‘Alden kung gusto mo ikaw ang mag-stand double ko. ‘Yung kailangan mahulog sa bangin ‘yung character ko o mahulog sa building, puwede ka. Pero hindi ko maipapangako sa ‘yo kung makikita ‘yung mukha mo, baka kahit likod na lang. 

“Okay naman s’ya. Haping-happy naman s’ya. Natuwa nga ako kay Alden, parang feeling ko, may puwang talaga sa industriya ‘yung batang ‘yun. Sisikat ‘yun. Kaya update lang po sa pinakabagong teleseryeng kaganapan. Ang magiging title po ay ‘Lucky and Friends.’ ‘Yun po ang magiging title ng teleserye kaya sana suportahan ninyo.”


Wow! Bilib talaga si yours truly kay Luis, P10 million kada linya ang TF!

In fairness, napakagaling ng daddy dearest ni Baby Peanut na gumawa ng kuwento na ikasasaya talaga ng manonood. 


At sure si yours truly na may part 3 pa ang kuwento ni Luis Manzano, kaya abangan ang susunod na kabanata.



PERSONAL greetings lang po. Congrats to the newly licensed pharmacist of the Philippines:


Maria Elmina, Samantha A. Layague, Jamil S. Calinao, Kaye B. Andres, Phobie Kate S. Ogsimer, Devine Grace B. Mejos, Sophia Gwyneth O. Quidilig, Pauline Jane P. Nunag, at Bea Allyzandra F. Factor.


‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 23, 2025



TALKIES - SEN. ROBIN, ATRAS MAGING LEADING LADY SI MARIEL_FB Mariel Rodriguez Padilla & Robin Padilla

Photo: FB Mariel Rodriguez Padilla & Robin Padilla



“Wala po akong pinangarap kundi ang mabalik dito sa opisina ng VIVA,” ito ang pahayag ng aktor-pulitiko na si Sen. Robin Padilla sa naganap na contract signing niya with Viva kasama ang mag-amang Boss Vic at Vincent del Rosario.


Saad ni Sen. Robin, “Siguro ‘yung birthday gift na lang, magpapasalamat na lang ako sa birthday gift kasi ito na ‘yung pinakaregalo dahil wala po akong pinangarap kundi mabalik dito sa opisina ng Viva. Kaya dito po ako masaya, Boss (Vic). Kaya ito na po ‘yung greatest gift, Boss, salamat po.”


Saad naman ni Boss Vic Del Rosario, “Ito naman ang mundo mo, ito’ng mundo mo, and welcome ka parati sa Viva. Anytime. Pati picture mo, nasa harap ko everyday, kaya nagpapasalamat ako na ‘yung ibinilin ko sa ‘yo na ‘wag gagawa ng hindi dapat gawin, ginagawa mo naman, and I’m proud of you.”


Samantala, sa panayam, natanong si Sen. Robin kung si Mariel Rodriguez Padilla ay isa sa magiging leading ladies niya sa movie na gagawin niya.


Sagot ni Sen. Robin na may kasamang biro, “May bantay agad? Ikaw naman. Wala munang bantay. Hindi, busy si Mariel sa mga bata. Katunayan, kagabi, medyo dramatic ‘yung eksena namin kasi meron s’yang tinanggihan na bagong trabaho sana sa isang network dahil concentrated s’ya sa mga bata. 


“Sa umaga, naghahatid. Maaga gumising ‘yun, ihahatid sa eskuwela, susunduin n’ya talaga. Nakatutok s’ya. So medyo alam ko na mabigat din sa loob n’ya ‘yun dahil mahal n’ya ‘yung pagho-host. Talagang ‘yun naman. Kaya lang, nanay s’ya.”


Natanong din si Sen. Robin, “Ano ‘yung moments na na-realize ninyo na kailangan mo nang magbago?”


Sagot ni Sen. Robin, “Sa kulungan, Ma’am. S’yempre, ‘pag nasa loob ka na ng selda at ikaw na lang mag-isa, du’n mo mare-realize na, ‘Oops, ‘di puwedeng panindigan ko ‘to. Hindi ako lalaya kaya nag-umpisa akong magpakabait. Hindi ko sinabing mabait ako. Nagpapakabait pa rin dahil hanggang ngayon kasi, struggle ‘yan.”


Hindi rin pinalagpas ang tanong tungkol sa pagiging playboy ni Sen. Robin.

Kuwento ni Sen. Robin na ikinatuwa ng maraming press people, “Alam mo, naku, ‘yang playboy na image, napagbintangan lang ako d’yan. Walang katotohanan ‘yan. Hindi po, kasama lang sa packaging (branding) nu’ng araw. Opo, sa totoo lang, mabait po ako,” sabay tingin sa mga press people at nag-dialogue ng, “Walang naniniwala? Kayo naman, dapat ipinagtatanggol ninyo ako. S’yempre, ‘pag pelikula lalo na ‘pag action, ‘di mawawala ‘yung may leading lady. Kasalanan lahat ni Boss Vic ‘yan.”


Nagtawanan na lang ang mga reporters.

Hirit na tanong, “Bakit nililigawan mo lahat?”


Sagot ni Sen. Robin, “Hindi totoo ‘yan. Publicity lang ‘yan. Itanong ninyo pa kay Tita Baby Gil.”


Napansin ni yours truly na hindi tumatanda si Sen. Robin at talagang guwapo pa rin at maganda ang pangangatawan. Kaya naman tinanong ko kung ano ang kanyang sikreto at bakit tipong hindi siya tumatanda at pabagets nang pabagets.


Sagot ni Sen. Robin, “Siguro po, healthy living. Totoo, naniniwala po ako na kailangan. ‘Di po ako umiinom, ‘di naman po ako naninigarilyo. Ako po, ‘yung yoga ko ay dire-diretso at ako po ay nagpa-fasting. Nag-48 hours po ako. Hindi ko lang magawa ‘yung 76 hanggang 100 hours kasi ‘pag pumasok na ako sa opisina, hindi mo magagawa. Kaya nagagawa ko lang po ‘yun ‘pag Saturday at Sunday. Pagdating ng Monday, ‘di ka na makakapag-fasting kasi ang dami nang problema.”


Dagdag na tanong ni yours truly, “Kasama rin sa pagiging bagets mo ‘yung mga mahal mo sa buhay?”


Sagot ni Sen. Robin, “Ay, s’yempre, s’yempre si Mariel. ‘Yun ang ating ano. Kumbaga, ‘yung energy n’ya iba. Iba ‘yung energy nu’ng tao na ‘yun. Magmula umaga hanggang gabi, nagsasalita ‘yun. Talagang mare-rejuvenate.”


In fairness, effective na pang-rejuvenate si Mariel Rodriguez Padilla. Kitang-kita sa face ng aktor-pulitiko ang pagiging mukhang bata niya.


Happy birthday, Sen. Robin Padilla! Assalamualaikum (peace be upon you).



DINALA ng singer na si Maki ang makulay na mundo ng KOLORCOASTER sa Middle East kung saan nakasama niya ang pop-rock royalty na si Yeng Constantino matapos ang sold-out concert niya sa Araneta Coliseum.


Bumisita si Maki sa Doha, Qatar at Dubai, UAE (United Arab Emirates) at naghatid ng all-out performances ng hit songs tulad ng Dilaw, Kahel na Langit, Namumula, at marami pang iba.


Sa pagbabalik ng Kapamilya singer sa bansa, sinalubong siya ng panibagong achievement matapos manalo ang Dilaw bilang Best Pop Recording sa 2025 Awit

Awards.


Kamakailan ay nagkaroon ng collaboration ang Tarsier Records artist kasama ang American pop duo na Joan para sa extended version ng album track na Turning Green. Sa kasalukuyan, umani ang album ni Maki ng mahigit 465 million streams sa Spotify.


Pakinggan ang makulay na kuwento ng KOLORCOASTER ni Maki na available sa iba’t ibang streaming platforms.

‘Yun lang, and I thank you.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page