top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | December 3, 2025



TALKIES - GARDO_ P500 NOCHE BUENA, MAHIYA NAMAN KAYO!_FB Gardo _Cupcake_ Versoza

Photo: File / Kim Chiu / Circulated



So sad naman ang nangyari sa TV host-actress na si Kim Chiu at sa ate nitong si Lakambini.


Kahapon, December 2, 2025, pormal nang naghain si Kim ng qualified theft complaint laban sa kanyang Ate Lakam.


Sa Instagram (IG) post ng Star Magic ay nagbahagi ito ng larawan kung saan makikita si Kim na tipong nanunumpa.


Saad ng Star Magic, “Asia’s Multimedia Idol Kim Chiu, together with her lawyers LEAPLAW Lilagan Espinosa & Presto Legal and Technical Consultancy, has formally filed a case against Lakambini Chiu at the Justice Cecilia Muñoz Palma Hall, DOJ (Department of Justice) Building, Quezon City, as of this morning.”


Samantala, sa isang exclusive report ng ABS-CBN News, naglabas ng opisyal na pahayag si Kim.


Saad ni Kim sa kanyang statement, “After careful consideration and months of internal review, I have made the difficult decision to file a legal case for qualified theft against my sister, Lakambini Chiu, in relation to serious financial discrepancies discovered within my business operations.


“Unfortunately, substantial amounts connected to my business assets were found missing. These discoveries forced me to take formal action to protect not just my company, but also the livelihoods of the people who work with me and the integrity of everything I have built.


“This is a private family matter that has now become a legal process. I am choosing transparency, responsibility, and accountability — not only for myself, but also for the brand and community that has supported me from the beginning.”


Sayang naman ang relasyon ng magkapatid na si Kim at Lakam. Sana sa huli ay mas piliin pa rin nilang magkasundo kahit para na lang sa kanilang mga magulang.


Anyway, side by side or miles apart, sisters will always be connected by heart.

At the end of the day, magkapatid pa rin sila, at sure si yours truly na maaayos din ang problema nila.

Pak, ganern!



ISA si yours truly sa mga nakatanggap ng special award bilang Ethel Ramos Dean’s Lister Lifetime Achievement awardee sa nakaraang PMPC's 41st Star Awards for Movies.


Thank you so much Lord God Jesus Christ sa natanggap kong parangal.

Thank you so much sa aming Philippine Movie Press Club (PMPC) Pangulong Mel T. Navarro at sa lahat ng mga officers at co-members ko na nagbigay ng special award. 


Siyempre, salamat sa lahat ng mga editors na sinusulatan kong tabloids at online publications.


Salamat sa naging escort ko that night na si Fiery Soul Torch Diva Malu Barry, na BFF ko for 45 years now and counting.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | December 1, 2025



TALKIES - GARDO_ P500 NOCHE BUENA, MAHIYA NAMAN KAYO!_FB Gardo _Cupcake_ Versoza

Photo: File / FB Gardo _Cupcake_ Versoza



Bonggang-bongga ang reaksiyon ng madlang people sa nag-viral na sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina Roque kaugnay sa kinakailangang budget ng mga Pilipino para sa Noche Buena.


Sa isang panayam, nasabi ni Sec. Roque na, “Kung tutuusin, sa P500 makakabili na kayo ng ham. Makakagawa ka na ng macaroni salad, makakagawa na rin ng spaghetti. Depende rin po ‘yan kung ilan ‘yung tao na kakain. Depende rin ‘yan kung ano ang gusto mong ihain. So, it all depends on the budget.”


Sa social media post ng ilang artista, nagpahayag sila ng kanilang saloobin tungkol sa P500 na pang-Noche Buena.


Saad ng aktor na si Gardo Versoza sa Facebook (FB) post niya, “Wow! Bilyun-bilyon nga, ‘di pa kayo magkamayaw, bakit ‘di n’yo man lang bigyan ng magandang Pasko ang bawat Pilipino kung totoong may malasakit kayo sa taong bayan. Kahit sa tig-P10 milyon sa bawat Pilipino kung may populasyon tayo ng 200 milyon katao, napakalaki pa ng sukli ninyo. Aba, mahiya naman kayo sa sinasabi n’yong P500 na pang-Noche Buena.”


Saad ng TV host na si Susan Enriquez sa post niya, “Ang ibig lang sabihin na kasya ang P500 na pang-Noche Buena para sa apat na miyembro ng pamilya—magpasalamat at may maihahanda pa sa Noche Buena. ‘Yun lang naman ‘yun.”


Saad ng aktres na si Aiko Melendez sa post niya, “P500 Noche Buena package? Saan po makakabili n’yan? ‘Wag n’yo pong insultuhin ang mga Pilipino. Naku po! Queso de Bola? Holen size po ba ito?”


Hirit naman ng Unkabogable Box Office Superstar na si Vice Ganda, “‘Yung P500, puwede na raw na pang-Noche Buena. Eh, di kayo na! Akala mo naman talaga, s’ya nagpa-P500. Talaga itong mga ito, oh!


“Sige, okey, so ngayon, sisiguraduhin natin na ang mananalo rito ay hindi P500 ang pang-Noche Buena. Pipilitin natin na may isa man lang na kababayan natin na hindi P500 ang pang-Noche Buena.


“Because we believe that the Filipino people deserve more!”

Well, sad to say, mahirap maging mahirap. Pak na pak, as in wapak at tumpak!



TRENDING at labis na kinabiliban ng mga netizens ang mga pasabog na performances nina Alexa Ilacad at Jason Dy sa kanilang pag-transform bilang si Britney Spears sa Your Face Sounds Familiar Season 4 (YFSFS4).


Sa nangyaring Battle of One Icon, umani ng standing ovation ang performance ni Alexa ng I’m A Slave 4 U matapos niyang kumanta habang may malaking ahas na nakasabit sa kanyang balikat. 


Hindi rin naman nagpakabog si Jason Dy at ipinamalas ang galing sa pagkanta at paggaya sa kanyang bersiyon ng Toxic.


Sa huli, nanguna si Alexa sa leaderboard at itinanghal bilang Week 4 winner habang pumangalawa naman si Jason. 


Sa ngayon, umabot na sa milyon views ang performances nina Alexa at Jason sa iba’t ibang social media platform.


Bukod sa performances nina Alexa at Jason, nagdala naman ng good vibes at major throwback feels ang guest performer at Tawag ng Tanghalan (TNT) champion na si Marko Rudio bilang si Yoyoy Villame.


Para sa Week 5 transformations, abangan sina Dia Mate bilang Michelle Dee, Rufa Mae Quinto bilang Jessi, Akira bilang Tom Jones, JM dela Cerna at Marielle Montellano bilang sina Cynthia Erivo at Ariana Grande, Jarlo Base bilang Chris Martin, Jason bilang Martin Nievera, at Alexa bilang Zsa Zsa Padilla.


Huwag palampasin ang kamangha-manghang transformations sa YFSFS4 tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWant.



NAGLULUKSA ang Kapamilya actress na si Nikki Valdez sa biglaang pagpanaw ng kanyang alagang aso na si Trevor.


Kuwento ni Nikki sa post niya, “No pet parent can ever be ready for this kind of pain (heartbreak emoji)... 


“Last night, we lost our beloved senior, Trevor. It was so unexpected and sudden (sad emoji). 

“My boy, my strong boy Trevor... You were so little but had a lot of love and happiness to give. You were a fighter — survived an emergency surgery at 9 years old and continued to fight an enlarged heart since 2021. Up until your last breath, you tried so hard. I thank you for that. It pains me and all of us, especially your Nonna (wala na siyang roommate, babe), but we are grateful knowing you gave us so many happy memories to keep.


“Run free and rest now. Say hi to your bro, Travis, and have the best time in doggie heaven where there is no pain and you can finally have all the bananas, watermelon, and other treats that you love.


“We love you sooooo much, my litol (little) Lolo. Goodnight. Sleep tight.” 

Run free, Trevor.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | December 2, 2025



LETS SEE - AHTISA, NABUHAY SA PAGSALI SA BEAUTY CONTEST_FB Ma. Ahtisa Manalo

Photo: FB Ma. Ahtisa Manalo



Muli na namang nakapagtala ng record si Star for All Seasons Vilma Santos nang masungkit niya for the 10th time ang Best Actress award ng Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC).


Bukod-tanging si Ate Vi sa hanay ng mga artista sa Pilipinas ang may ganyang record at tila mahihirapan na ang sinumang artista noon man o mga baguhan na mapantayan o mahigitan man lang ‘yan.


Sa sandaling tsikahan namin with Ate Vi after ng awards ceremonies, lubos itong nagpapasalamat sa pagtitiwala at paniniwala pa rin ng mga kasapi ng PMPC sa kanyang craft as an actress.


“For as long as may mga gaya nilang nire-recognize ang mga gawang sining natin, at hangga’t may mga proyekto tayong ipinagkakatiwala sa atin ng mga producers at ina-appreciate ng moviegoers, nandito pa rin tayo hangga’t kaya pa,” sey pa ni Ate Vi.


Aniya pa, “Sobra ang respeto ko sa PMPC at mga bumubuo nito. Simula pa noon hanggang sa mga bagong kasapi nila, I am simply grateful and thankful.”


Bongga ang mabilis na awarding rites ng PMPC na ginanap sa Makabagong San Juan Theater sa San Juan City. Maayos ang naging presentation ng awarding, winner ang stage, ang sound and lights, at perfect lang ang seating capacity nitong nasa 800 pax. 

Congratulations sa PMPC!



BUKOD sa Best Actress award ni Ate Vi for Uninvited, napanalunan din ng movie ang Best Picture, Best Acting Ensemble, Best Director for Dan Villegas, ilang technical awards at Best Actor for Aga Muhlach.


Ka-tie ni Aga si Dennis Trillo ng Green Bones (GB) na pinuri at sinabing idol niya si Aga. 


Wala sa awards night si Aga kaya’t ang Mentorque producer na si Bryan Diamante ang tumanggap ng award nito.


Nagwagi rin si Dennis ng Male Star of the Night, with Ate Vi as Female Star Of The Night naman.


“Baka ‘di na maulit. I am just overwhelmed. Masarap palang manalo ng award lalo’t ramdam mong nagbunga ‘yung pinaghirapan mo,” sey naman sa amin ni Sunshine Cruz na nagwaging Best Supporting Actress para sa pelikulang Lola Magdalena (LM).


“‘Yung makasama mo ang isang Vilma Santos on stage bilang mga acting awardees, grabeng nakaka-proud din. Salamat talaga kay Direk Joel Lamangan, ginawa n’ya akong aktres,” sambit pa ni Shine.


Congrats din sa guwapong anak nina Mareng Tates Gana at Herbert Bautista dahil nanalong Best Supporting Actor si Harvey Bautista para sa Pushcart Tales (PT).

Katabi namin sina Francine Diaz at Seth Fedelin na saglit naming nakahuntahan. Nanalo sila bilang ‘Love team of the Year’.


Katabi rin namin si Direk Louie Ignacio na third time na rin palang nananalong Best Indie Director sa PMPC.


Sa lahat ng winners, congratulations po!



Inaasahan naman ng mga beauconera o mahihilig sa beauty pageants na very soon ay maririnig din nilang magpahayag ng kanyang saloobin si Ahtisa Manalo.

Pinag-usapan kasi ang matapang na opinyon ni Catriona Gray nu’ng rally last November 30.


Sey ng mga supporters ng Miss Universe 3rd runner-up, “Mas masarap at bongga rin kung si Ahtisa ang magpapahayag dahil dito talaga s’ya lumaki, lalo’t sa probinsiya. Totoong naranasan n’ya ang buhay-mahirap at ‘di nga ba’t ten years old pa lang s’ya ay ginawa na n’yang pantawid-gutom ang pagsali sa mga beauty contests?”


“Mas convincing kung sa kanya namin maririnig ang mga bagay na tunay na galing sa hirap ang karanasan. We appreciate those that talked about matters on corruption, etc. pero mas believable kasi kung galing ‘yun mismo sa taong alam talaga ang meaning ng kahirapan,” bahagi pa ng reaksiyon ng mga byukonera na waiting sa gagawing grand welcome kay Ahtisa.


Hmmm… sana nga ay marinig natin ang boses ni Ahtisa Manalo na noon ay nabalitaan din nating kumontra sa political dynasty ng mga taga-Quezon province gaya ng sa Lucena City?


Well, wait na lang natin…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page