top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | December 6, 2025



LET’S SEE - COCO, 2 BESES NANG NAKIPAGMITING SA MGA EXECS NG TV5_IG _cocomartin_ph

Photo: IG _cocomartin_ph



Pagkatapos ngang pag-usapan ang ginawang pagdedemanda ni Kim Chiu sa kanyang ate nang dahil sa pera, heto nga’t pera rin ang rason kung bakit ‘kinansela’ ng TV5 ang kasunduan nila sa ABS-CBN.


Kung pagbabasehan ang mga official statements na kapwa inilabas ng parehong network, mas marami ang nagsasabing higit na malinaw, klaro at direkta ang mga punto ng Kapatid Network kung bakit nila need na kanselahin ang kontrata with Kapamilya shows na Batang Quiapo (BQ) at ASAP.


Kumpara raw sa tila pa-victim na emote ng Kapamilya statement, parang nagsusumbong pa raw ang awrahan nitong ‘hirap’ silang hagilapin sa takdang panahon ang ‘financial obligation’ nila sa Kapatid Network.


Hmmm… may nabalitaan kaming tsika last month na nakakadalawang meetings na diumano si Coco Martin sa ilang matataas na tao mula sa TV5. May nagtsismis pa ngang diumano’y posibleng makipag-collab ito o magpa-manage na rin daw sa mga kanegosyo from Kapatid camp.


May koneksiyon nga kaya ang nasabing tsismis sa nangyayari ngayon sa TV5 at ABS-CBN, lalo’t isa nga ang BQ at si Coco Martin sa maituturing na flag bearer at artist ng Kapamilya Network?


Malalaman natin ‘yan soon!



MIXED reactions naman ang ilang mga kapatid sa entertainment media sa ginawang ‘pakulo’ ni Emilio Daez sa mediacon ng Bar Boys 2: After School (BB2AS).

Habang nag-e-enjoy kasi sa dinner ang halos lahat ng media friends ay may aide o assistant si Emilio na naglilibot sa bawat table at nag-abot ng ‘ampaw’ al-Chinese tradition.


Masaya naman ang lahat siyempre lalo't ‘ampaw’ means gift. Tamang-tama na magpa-Pasko plus nasa mediacon pa.


But to the surprise of all, play money na may picture ni Emilio plus small sticker ang laman. Pero very witty ang pagkakagawa dahil nag-uumapaw na ‘Emilion peso from the Republika ng Familio’ ang caption nito. Naaliw kami at ‘yung ibang nakatanggap.


Pero may iba ngang nagsabing nabudol sila dahil first time raw nilang makatanggap ng ganoon in an ‘ampaw’. Hindi raw nila nakuha ang gist o humor ng gift.


Well, first timer sa showbiz ang guwapong aktor na first time ring lalabas sa movie. Pagbigyan na ninyo dahil mukhang may ibubuga naman ito sa pag-arte lalo’t 9 times yata siyang pinaiyak sa mga eksena niya sa movie as per Direk Kip Oebanda.


Bukod kay Emilio, ang mga baguhang sina Will Ashley, Bryce Eusebio, Benedix Ramos, with its original cast members Carlo Aquino, Kean Cipriano, Enzo Pineda at Rocco Nacino ang mga bumibida sa Bar Boys 2: After School. Official entry ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF) this December 25.



VERY impressive ang trailer ng A Werewolf Boy (AWB) ni Direk Crisanto Aquino.

Ito nga ‘yung launching movie ng tandem nina Rabin Angeles at Angela Muji na susugalan ng Viva Films.


Sumikat sa Viva One ang tambalan ng RabGel at dito nga sa AWB ay mahuhusgahan kung keri nilang dalhin sa widescreen ang malakas nilang tandem.


We want to believe na kering-keri kung ang pagbabasehan ay ang umaabot na sa nearly 20 million views ng movie trailer sa socmed (social media). Hindi pa nga ‘yun full trailer na maituturing, huh?


Kilala naming mahusay si Direk Cris at matalino ang mga shots niya. Kaya naman ‘yung husay sa pag-arte na nakita namin kina Angela at Rabin ay halos naging given na.


Mahirap ang role ng aktor lalo’t may mga transformation siya rito bilang batang lobo. ‘Yung kilig naman nila ni Angela Muji is another thing, kaya’t mukhang may namina na namang mga young artists sina Boss Vic del Rosario Jr. at Viva peeps.



 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | December 5, 2025



TALKIES - ALDEN, TAKOT TUMANDANG MAG-ISA_IG _aldenrichards02

Photo: File / IG _aldenrichards02



“My fear is I might grow old alone,” ito ang pahayag ng TV host-aktor na si Alden Richards nang mag-guest sa GMA Integrated News kamakailan lang.


Sa panayam ng broadcast journalist na si Nelson Canlas sa guwapong aktor ay naging emosyonal ito nang mapag-usapan ang tungkol sa biggest fear niya.

Kuwento ni Nelson, “Lingid sa kaalaman ng marami, muntik na raw mag-quit sa showbiz si Alden.”


Saad ni Alden, “I’d like to consider that as a mild burnout already na ‘di ko lang in-acknowledge. I just look at it na sabi ko, teka, parang saan na ba ako pupunta talaga? And then I wanted to go back to school. S’yempre ‘yung dilemma, ‘yung push and pull.


“When I reached the point of giving up, ‘di ako nakakalimutan lagi ni Lord talaga to bring me back again to my feet.”


At take note, emosyonal na nagbahagi rin si Alden ng kanyang biggest fear in life.

Kuwento ni Alden, “Siguro my fear is, wow, I might grow old alone. Ngayon lang s’ya dumating, minsan kasi, wala talaga akong pakialam sa sarili ko, eh. Mas, kumbaga, parang ‘yung mga importante muna.


"So, ‘yun lang. Parang ngayon lang s’ya dumating sa akin, just now when I said it. That’s my fear, I might grow old alone and I don’t want that to happen.


“Sa buhay naman, parang we all get what we deserve, you reap what you sow.”

Well, Alden Richards, sure si yours truly, hindi ka mag-iisa sa pagtanda mo. Maraming nagmamahal sa ‘yo. 


‘Di ba naman, madlang pipol? ‘Yun na!



“I am very thankful that the industry I love so much continues to embrace me,” ito naman ang pahayag ng aktor na si Sen. Bong Revilla sa kanyang social media post nang parangalan siya ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award.


Saad ni Sen. Bong, “Maraming salamat sa PMPC dito sa Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award. Mula sa aking pagkabata, kinamulatan ko ang industriya. Ito ang humubog hindi lamang sa akin kundi sa aming buong pamilya, mula sa aking ama at ina, hanggang sa akin at sa aking mga anak.


“53 years after my first screen appearance, and after over 100 films and hundreds more television episodes, I am very thankful that the industry I love so much continues to embrace me.


“In the course of my career, I have received a number of recognitions and accolades, but this recognition of my journey as a whole, named after one of the pillars of our industry, and given by our indispensable partners in showbusiness—our entertainment writers—will always be special.”


Pagtatapos na sey ni Sen. Bong Revilla, Jr., “Muli, maraming salamat, PMPC.”

Congrats ulit, Sen. Bong Revilla and God Jesus Christ protect and bless you always. Amen.



NAG-UWI ng 29 parangal ang ABS-CBN, kabilang ang Hall of Fame na pagkilala para kay Robi Domingo, sa 2025 Anak TV Awards na ginanap kamakailan.


Wagi ang It’s Showtime (IS), Rainbow Rumble (RR), Goin’ Bulilit (GB), Pilipinas Got Talent Season 7 (PGTS7), at My Puhunan: Kaya Mo! (MPKM) ng Anak TV Seal para sa kanilang programang angkop sa mga bata.


Tinanggap naman ng TV Patrol (TP) at Superbook ang Network Television Favorite Program na pagkilala, habang kinilala naman ang Patrol ng Pilipino (PNP) na Network Online Child-Friendly Program.


Nailuklok si award-winning host Robi Domingo sa Anak TV Hall of Fame matapos nitong manalo ng Makabata Star ng 7 taon. 


“This Hall of Fame award is not just a milestone, it is a challenge. A challenge to be there to tell stories that uplift, use my voice for good, and to remain a positive influence for the youth who will one day shape our country,” pagtatapos na tsika ni Robi Domingo.


“Napakaespesyal para sa amin ang magwagi ng Anak TV Award. Itong mga parangal na ito ay hindi lang basta mga tropeyo, ito ay mula sa mga pamilyang Pilipino. Kayo po ang dahilan kung bakit patuloy kaming gumagawa ng mga makabuluhang kuwento,” ang sey naman ni ABS-CBN Head of Corporate Communications Kane Errol Choa.


Ang Anak TV Awards ay mula sa Anak TV, isang organisasyon na nagtataguyod ng mga palabas at programang angkop sa mga batang Pilipino. Ang Anak TV Seal ay nagsisilbing gabay ng mga magulang na ang programang kanilang pinapanood ay angkop sa kanilang mga anak. 


Ang Makabata Star na parangal ay iginagawad sa mga personalidad na nakakuha ng mataas na boto sa mga symposia sa mga paaralan na pinangunahan ng Anak TV. 


Ang Net Makabata na parangal naman ay base sa resulta ng online voting mula November 14–18, kung saan ibinoto ng mga netizens ang mga personalidad na nagsisilbing mabuting ehemplo sa mga kabataan.

‘Yun lang, and I thank you.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | December 5, 2025



LET’S SEE - ATE NI KIM, MAY MAEPAL NA BF, PERA, GINAMIT SA MGA NEGOSYO, SUMABLAY_FB Kim Chiu

Photo: FB Kim Chiu



Pag-usapan naman natin ang demandang qualified theft ni Kim Chiu sa ate niyang si Lakambini Chiu.


Marami ang nagsasabing tila ill-advised si Kim ng kung sinumang nakapaligid dito dahil baka sa huli ay mag-boomerang din sa aktres ang kanyang ginawa.


Granting daw na nalagasan nga ng napakalaking halaga (daang milyones man ‘yan o magkano pa man) si Kim sa kanyang mga negosyo kaya’t may mga suppliers at employees silang na-compromise, ‘yung kaladkarin pa raw ng aktres sa legal at publiko ang isyu ay isang malaking pagkakamali.


“Ano pa ang silbi ng mga tunay na kadugo, kaanak, tatay o nanay, lola’t lolo, tito’t tita o kahit mga pinagkakatiwalaang ninong-ninang para mamagitan sa kanilang magkapatid? Lumalabas tuloy na magulo ang pamilya niya at nagmukha s’yang pera?” komento ng mga netizens.


“Paano pa s’ya mababayaran ng kapatid n’ya na sa aming pagkakaalam ay s’yang tumayong nanay nilang magkakapatid at naging manager ni Kim sa simula pa lang ng showbiz career nito? Ano’ng end goal n’ya, ipakulong ang kapatid?” hirit pa nila.


Mahirap magbigay ng judgment sa usapin kaya siguro idinulog na ni Kim sa legal ang isyu. Pero gaya ng opinyon ng lahat, mukhang kahit saan natin tingnan ay lalatay kay Kim ang ilang negative items nito.


“Tiyak na may epekto ‘yan sa career n’ya. Sana nga ay pinag-isipan n’ya ‘yan nang husto dahil at the end of the day, bahagi ng buhay n’ya ang kanyang kapatid,” dagdag pa ng marami.


Bukod sa pagkalulong umano sa casino at pagkakaroon ng ‘epal’ diumanong boyfriend, may mga pinasok daw na mga negosyo si Lakam na sumabit gamit-gamit ang pera ni Kim Chiu.


At dahil sa ginawa ng aktres, tila may mga kung anu-ano pang espekulasyon na lalabas at hindi mapipigilan ng kampo niya na pag-usapan, bilang ‘dahilan’ daw ng isyu, ke totoo man o hindi.



Tawa kami nang tawa kay kapatid na Gladys Reyes nang halos makiusap ito sa amin na pagbigyan naman daw namin siyang maging bida sa pelikula.


Sa latest movie niya kasing The Heart of Music (THOM) (showing na ngayong December 10), hindi lang siya basta bida kundi inilabas din niya ang talent niya sa pagkanta.


At dahil musical movie nga ito na umiikot sa kuwento ng pamilya, itinodo na ni Gladys ang mga natutunan niyang kanta kahit mga nursery rhymes. 


“Naku! Talagang sinadya naming gawin ‘yun dahil mukhang ‘yung bagong generation ngayon ng mga kabataan ay hindi na alam ‘yung mga ganu’ng klase ng kanta,” sey pa ng mahusay na aktres.


At dahil tila inspired din ito sa classic film na The Sound of Music (TSOM) dahil sa role niyang teacher na naging yaya ng isang family (ng nabiyudong si Robert Sena sa asawa nitong si Isay Alvarez) na may 4 na mga anak, talaga raw kinarir ni Gladys ang pagiging mabait sa role niya.


Kasama rin nila sa movie ang mga actors-singers na sina Marissa Sanchez, Rey ‘PJ’ Abellana, Jenny Gabriel, Joshua Zamora, Jopay at mga bagets na sina Angel Guardian at Hasna Cabral, sa direksiyon ni Paolo Bertola.


Bukod sa kulot ng buhok na first time naming nakita on screen kay Gladys, hindi rin daw nila kinalimutang isama ang ‘hula-hoop’ bilang isa sa mga larong Pinoy na mukhang hindi na rin daw nalalaro ng mga bata sa ngayon. 


“Marami ang makaka-relate na mga parents at mga kaedaran natin dito kaya importanteng ipapanood ito sa mga bagets nila,” pag-imbita pa ni Gladys Reyes na humirit pang, “Bagay din ‘yan sa mga panahong ganito.”



NAGKAKAISA naman ang buong cast members ng Bar Boys 2: After School (BB2AS) sa usaping korupsiyon sa bansa.


Animo’y mga pulitiko na ring magpahayag sina Direk Kip Oebanda, Carlo Aquino, Kean Cipriano, Rocco Nacino at Therese Malvar sa pagbibigay nila ng kanilang saloobin. 

Given naman na magaling nang magsalita si Enzo Pineda sa usaping nabanggit dahil isa na nga itong konsehal sa Quezon City.


Lahat sila ay nagwi-wish na sana nga raw ay may makulong at maparusahan na bago pa man mag-Pasko. 


“At sana talaga, mahuli nila ang mga higit na malalaking mga tao at matataas na nasa posisyon at hindi ‘yung mga maliliit na isda lang kumbaga,” sey pa ni Direk Kip.

Although hindi naman daw ganito ang tema ng movie, marami pa ring usapin sa BB2AS na sobrang totoo at relatable sa mga tao.


Bongga rin naman ang ginawa nilang tribute of sort kay Tita Odette Khan na naging malaking bahagi ng movie at parte pa rin ng pelikula bilang si Justice Hernandez (mula sa peg nitong si Miriam Santiago, bilang isang mahusay na judge dati). Lahat ay saludo talaga sa beteranang aktres na after more than 50 years nga sa showbiz ay sa naturang movie lamang nakakuha ng mga acting awards sa maraming award-giving bodies.


“But let us remind you that Bar Boys 2: After School ay isang stand alone movie. Hindi ninyo need panoorin o mapanood uli ‘yung first movie to understand this one,” sey pa ni Direk Kip.


Official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 ang Bar Boys 2: After School at ngayong Pasko nga ito mapapanood.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page