top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 31, 2025



Kim Chiu sa London - IG

Photo: Kim Chiu sa London - IG



Halata sa larawan na super-enjoy si Kim Chiu sa pamamasyal niya sa mga magagandang tanawin sa London, United Kingdom. 


Sey ni Kim, “Living my full tourist life here in London. Of course, I had to tick off the mandatory shots - red telephone booth, the iconic London Eye, and a ride on the Underground. Classic London moments that make the trip extra memorable.”


Sa dami ng pinuntahan ni Kim, sure si yours truly na pagoda (as in tired) na siya, kaya kantahan na lang natin siya ng old song na… “London Bridge is falling down, falling down, falling down.


London Bridge is falling down, my fair lady.”


Pak, ganern!



MAKATOTOHANAN ang ibinahagi ng TV host na si Vice Ganda sa kanyang Instagram (IG) Story. Makikita sa video clip na ibinahagi ni Vice ang mga pagkain na iniluto nila sa loob ng kanilang tinutuluyan na Airbnb sa London.


Kasalukuyang nasa London si Vice para sa ASAP in England concert na ginanap sa BP Pulse Arena nitong nakaraang August 30, 2025.


Sey ni Vice sa kanyang IG story, “Super tipid ako dito sa London kasi ang mahal. Kaya namalengke na lang kami nu’ng first day at nagluto dito sa Airbnb.

“Pangatlong araw na naming iniinit ‘tong natirang adobo.”


Mga bagets, siguro naman ay may natutunan kayo sa ibinahagi ni Vice. Ang moral of the story, kahit ano’ng yaman ng tao, dapat marunong magtipid. 


Well, may katwiran ang katwiran. 

Pak na pak ka d’yan, Vice Ganda!


MAPAPA-SANA ALL ka na lang talaga kapag nakita mo ang tulad ng comedian-actor na si Ogie Diaz at ang kanyang daughter. 

Nagpahayag ng pagbati si Ogie sa kanyang panganay na anak na si Erin sa pamamagitan ng social media post.


Sey ni Ogie, “Gusto ko lang magpasalamat sa anak ko, dahil hindi n’ya isinuot ‘yung mamahaling damit dito sa mga pics, hindi rin n’ya ginamit ang mamahaling bag at sapatos, dahil mahirap na. Baka ma-lifestyle check s’ya at mapagkamalan s’yang nepo baby.

“Or else, alam na, ‘di na naman mako-control ang flood ng mga bashers. Hahaha!


“Actually, madami pa ‘kong sinasabi, eh. Gusto ko lang namang batiin ang aking panganay na anak ng ‘Happy 24th birthday, Erin!’


“S’ya ang una sa limang batang naging pruweba na kaya ko palang maging isang ama. S’ya rin ang batang ‘pag bina-bash ay unbothered. Nu’ng i-suggest ko na i-block na lang n’ya, ang sabi ba naman sa akin, ‘‘Wag, Daddy. Hayaan mo sila. Engagement din ‘yan. Sayang.’ So minaynd set lang ako ng anak ko. Hahaha!


“Basta mahal ka ng daddy, anak. Always remember na nakasuporta lang ako sa lahat ng mga pangarap mo sa buhay.


“Anyway, bagay sa ‘yo ang black dress sa pictorial mong ito ng Envi Skin Beauty & Wellness. Grabe, buti na lang, nagkasya sa ‘yo ang pinagliitan kong black sexy dress.”


Uwian na, may nanalo na, walang iba kundi ang loving daughter ni Ogie na si Erin sa pagkakaroon ng tatay na tulad niya.


Happy birthday, Erin! You are lucky to have a father like Panyerong Ogie.

‘Yun lang, and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 30, 2025



Dina - IG

Photo: Dina Bonnevie - IG


Ganap nang Star Magic artist ang showbiz icon na si Gladys Reyes matapos nitong pumirma ng kontrata noong Grand Welcome to Star Magic event ng ABS-CBN last Thursday (Aug. 28).


Makalipas ang 4 na dekada bilang artista, malaki ang pasasalamat ni Gladys na mapabilang sa Star Magic family ngayon, lalo na’t nakilala siya bilang isa sa mga pinakasikat na kontrabida noong bumida siya sa 1992 teleserye na Mara Clara (MC) ng ABS-CBN. 


“Masaya ako kasi answered prayer ito para sa akin bilang artista. Umaasa ako sa mas makabuluhan at mahirap na mga proyekto. Nakakaiyak ‘yung respeto at pagpapahalaga ‘pag nararamdaman mo pa rin ‘yun pagkalipas ng ilang taon,” saad niya.


Dumalo sa contract signing sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, President at CEO Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, group CFO Rick Tan, entertainment production at Star Magic head Laurenti Dyogi, at Star Magic manager Gidget Dela Cuesta.


Excited na si Gladys para sa mga proyektong gagawin niya upang maipakita pa niya sa publiko ang kanyang kalog na personalidad bukod sa pagiging kontrabida sa mga serye.

“Marami pa akong gustong gawin. Bukod sa mga teleserye, gusto kong mag-host ulit para maipakita ko ang pagiging totoo ko at ang tunay kong ugali — kung talk show man, variety show, o kahit game show,” sabi niya.


Isa si Gladys sa mga bida sa And The Breadwinner Is… (ATBI) nu’ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) at napapanood din siya bilang hurado sa It’s Showtime (IS)

Kamakailan din ay pumirma ng kontrata sa Star Magic ang anak niyang si Christophe Sommereux bilang recording artist ng StarPop.



HINDI napigilan ng veteran actress na si Dina Bonnevie na maiyak nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).


Sa dulo ng panayam ay nag-iwan ng mensahe si Dina para sa yumaong asawa na si DV Savellano (RIP), dating governor at congressman ng Ilocos Sur.  


Sabi ni Dina sa mahusay na host na si Boy Abunda, sa huli nilang bakasyon ay sinabi niya kay DV na siya dapat ang unang mamatay sa kanila.


Tanong ng King of Talk Show, “Sinabi mo ‘yun?”


Kuwento pa ni Dina, “We were in Japan, sabi ko, gusto kong mauna. ‘‘Wag mo kong

iwan.’ ‘Ay, hindi puwede,’ sabi n’ya. ‘Ayoko ring maiwan.’ ‘O sige,’ sabi ko, ‘sabay tayo.’

“You know, when he died, gusto ko nang sumama. I kept wishing that God would kill me, I just wanna die. I don’t wanna live. What am I gonna live for? My kids are married. They’re grown up, may asawa na rin ang mga anak n’ya. Ano pa? I just wanna die. I don’t wanna be without him.”


Dagdag pa ng maganda pa ring aktres, “Sabi nga ng pari, ‘Oh, gusto mong sumama? Pumasok ka d’yan sa nitso, pumasok ka.’ Sinabi sa akin ng pari. Sa loob-loob ko, ‘Antipatiko ‘tong paring ‘to, gusto akong patayin.’ Tapos, sabi ng kapatid ko, ‘Kanina ka pa kasi iyak nang iyak d’yan. Sabi mo, gusto mong sumama. Oh, ‘yan, sabi tuloy ng pari, sumama ka d’yan sa nitso.”


Sa dulo ng panayam ay nag-iwan ng mensahe si Dina para sa yumaong asawa.

Aniya, “I really, really miss him so much. Sobra that even if he’s no longer there, I still wear his ring. I miss you so much. I’m so proud of your accomplishments. If I were God, I’d give you a double A for accomplishment as far as your work in government, you did the most you can do, even more. 


“You were a great dad, super, to the point of spoiling all of them. But that’s because you had overflowing love for all of your kids. And, if there’s somebody who really, really, made me feel so loved, it was you. Because, even when there were times we had tests and I became really ugly to him because I couldn’t accept the, you know, the test na pinagdaraanan namin, but he stood by me.”   


Wish ni Dina, “Sana, there’s visiting hours in heaven. I just wish it were true.”

Samantala, maraming netizens ang humahanga sa aktres. 


Komento ng isa, “Walang kupas si Ms. D. She’s the total package! Beauty, brains and a good heart. She's always glorifying God. She truly inspires me!”


Sabi pa ng isa, “You made me cry, Ms. D. Your words of wisdom hit a soft spot. You’re in our daily prayers. Stay strong. God is with you. You are surrounded by so many who love & respect you. May you find peace knowing that your better half is in a far better place now... no more pain, no more suffering. God bless you always.”


Bongga rin talagang mag-interview ang King of Talk na si Boy Abunda, nagagawa niyang natural at simple ang pagtatanong pero tagos sa puso ang kinalalabasan ng panayam. 


Boom, kaboom!


‘Yun lang and I thank you.



 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | August 30, 2025



Vice Ganda - IG

Photo: Vice Ganda - IG



Pinag-uusapan din ang naging post ni Meme Vice Ganda na kasalukuyang nasa London kasama ang ASAP family for some shows.


Burado na ngayon ang Facebook (FB) post niya with matching photo ng adobo at hotdog na iniugnay sa ibinabayad niyang tax na ine-enjoy lang daw ng mga kurakot sa gobyerno.


Sey nito sa buong post na binura na nga raw ni Vice (pero na-screenshot ng ilang netizen), “Super tipid ako dito sa London kasi ang mahal, kaya namalengke na lang kami nu’ng first day at nagluto dito sa airbnb. Pangatlong araw na naming iniinit ‘tong natirang adobo. Tapos bigla kong naalala ‘yung milyun-milyon kong tax na pinaghahati-hatian ng mga garapal na magnanakaw. Aray koooo!!!!”


Although ‘yung kagayang post niya sa Instagram (IG) ay hindi raw nito binura dahil automatic na nawawala ito within 24 hours.


Isa kami sa mga nag-agree sa kuda ni Vice kaya’t nagtatanong din kami kung bakit niya ito binura?


May katotohanan kaya ang mga tsikang posibleng naisip nitong may mga kaibigan siyang baka mag-react gaya ng nabanggit ng mga netizens na ALONTE political family sa Laguna na sobrang ka-close niya? Or may iba pa?


Kaya pala dagsa na naman ang mga DDS (diehard Duterte supporters) sa pagtuligsa sa kanya na may kinikilingan at kinakampihan dahil umano selective at exclusive ang banat nito.


May mga nagsasabi namang baka nag-iingat lang ito sa posibleng kahinatnan ng kanyang show sa London dahil baka nga iba ang mga Pinoy audience doon kumpara rito sa atin?


Let’s see…



Kahit daw talaga sa socmed (social media) ay makikita mo ang totoong Anne Curtis.

Sa pinag-uusapan kasing reaction post niya on Kapuso Mo Jessica Soho show about flood control issue, sinabi nitong (as is), “When Ma’am @KM_JessicaSoho said, ‘Hindi na pala baha ang magpapalubog aa ating bayan kundi kasikiman,’ Sakit!” then kinorek niya ng ‘kasakiman’ pero hindi ang aa (na dapat “sa”) at ‘kundi’ (hindi “kungdi” o kaya’y ‘kung hindi’), nag-react ang maraming netizens. 


“Nag-iisa talaga s’ya, tatak-Anne ang pagkabulol. Alam mong sa kanya talaga galing ang komento,” sigaw ng mga netizens na sumasang-ayon sa tinuran ng aktres-host.


Isa nga si Anne sa mga artistang consistent sa paggamit ng kanilang platform para pumuna, pumuri at magpahayag ng saloobin nila sa mga isyu sa gobyerno at pulitika. Nakakatawa man ang tatak niyang bulol, ramdam mo naman na sincere at talagang apektado rin siya.


Nakakabilib din nga ang mga gaya nila ni Carla Abellana, swabeng magpahayag pero may impact.



Ex-gov., pinaamin sa pagkakaroon daw nila ng anak… YEN, GAMIT NA GAMIT SI CHAVIT MAPAG-USAPAN LANG



ITO namang si Yen Santos ay papansin talaga.

Noong kasagsagan ng usapin sa kanila ni Paolo Contis, akala mo ay isang napakagaling at super-sikat na aktres ang peg. Nang humupa at nawalan ng interes ang madla, aba’y nag-reinvent via social media vlog.


At nitong huli niyang episode, napaghahalata namang naka-feed kay Manong Chavit Singson ang mga tanong o klaripikasyon niyang nais ipahatid, partikular ang usapin sa pagkakaroon umano nila ng anak.


May mga hand gestures pa siyang nagpapatunay ng pagiging komportable niya kay Manong na ayon pa sa kanya ay close friend ng kanyang parents, kaya niya naging ka-close rin.


Lahat tuloy ngayon ay nag-aabang sa kung ano o sinong celebrity naman kaya ang iinterbyuhin niya para lang mapansin din siya sa socmed (social media) world.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page