top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | June 6, 2023


Umere na nga ang bagong bihis na Eat… Bulaga! sa GMA-7 kahapon, June 5. Siyempre, inabangan ito ng buong sambayanan. Sabik na rin ang lahat na malaman kung sinu-sino ang mga bagong hosts na bubuo sa nasabing noontime show.


Sa GMA-7 pa rin ito umeere dahil hanggang taong 2024 pa ang blocktime contract ng EB! sa Kapuso Network.


Sina Paolo Contis, Cassy and Mavy Legaspi, Buboy Villar, Alexa Miro (rumored GF ni Sandro Marcos) at Betong Sumaya nga ang bumulaga bilang mga bagong hosts ng EB!.


Wala si Kuya Kim Atienza dahil tuwing Sabado lang daw siya mapapanood sa EB!. May nauna na kasi siyang show sa GMA-7, ang TikToClock.


Maanghang ang naging comment ni Ogie Narvaez Rodriguez, “'Yung bagong Eat… Bulaga!, para ka lang nanonood ng isang teleserye or movie na puro extra at supporting ‘yung nasa mga scenes, walang BIDA!


“'Kaloka. Ang ingay nila, halatang walang rapport! Ang gulu-gulo. Parang show sa fiesta na doon lang nagkita-kita sa stage 'yung mga performers? Hahaha! Trying hard at 'yung mga comedians, KORNI! Turn-off ko na lang ang TV, work na ulit #EBKacheapan.”


True, dahil sabi nga ni 'Nay Cristy Fermin sa kanyang programa, "Dapat 'pag isinalang ang mga Sparkle talents, lagyan nila ng mga name plates," para nga naman makilala ang mga performers.


Sabi naman ng isang colleague, "Parang Sunday Pinasaya!"

Comment ng isang mataray na kasamahan mula sa Quezon, "Nagmukhang perya at ang cheap ng show."


Siyempre, bukod sa mga negative comments, dapat nating isaalang-alang na unang araw pa lang naman ng reformatted na EB!.


Sabi nga ni Paolo sa opening ng show, "Dabarkads, tara, tara, Eat… Bulaga! na. Mga Dabarkads, kayo po ang dahilan kaya tuluy-tuloy tayo."


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | June 5, 2023



Ibinunyag na ni Toni Gonzaga ang ikalawa niyang pagbubuntis sa kanyang mister na si

Presidential Adviser for Creative Communications Paul Soriano.


Mapapanood sa ipinost na video ni Toni sa kanyang Instagram ang mga kaganapan nu’ng baby shower niya. Present dito ang kanyang one and only sister na si Alex Gonzaga at ang mga kaibigan ng actress-TV host including Mariel Rodriguez.

Caption ni Toni sa kanyang IG post: “Super grateful to my dear friends, @camillevillarofficial, @emaglipayvillar, @che.uy168, @marieltpadilla and sisters @cathygonzaga, @winniewong for throwing us the most memorable shower! So thankful to our family and friends who celebrated with us this new blessing!”


Very evident na mas marami pang nasa pulitika ang um-attend sa naturang baby shower ni Toni kesa sa mga taga-showbiz.


Kabilang dito si Las Piñas Rep. Camille Villar and brother Sen. Mark Villar with his wife, Emmeline Aglipay-Villar, Sen. Loren Legarda, Sen. Robin Padilla, First Lady Liza Araneta-Marcos and Presidential Son and Ilocos Norte Congressman Sandro Marcos.

Nandoon din ang business tycoon and founder of Udenna Corp. na si Dennis Uy kasama ang kanyang wife na si Che Uy.


Bagama’t matagal nang nababalita ang muling pagbubuntis ni Toni, wala naman itong inilabas na statement na confirmation or denial tungkol sa kondisyon niya.


Anyway, kahit noong 20th anniversary concert ni Toni sa Araneta Coliseum last January ay pinagdududahan na ang kalagayan ng actress-TV host.


Napansin kasi ng mga netizens na hindi itinodo ni Toni ang kanyang performance sa naturang concert at tila ingat na ingat ito sa pagkilos.


Siyempre, marami ang natuwa na biniyayaan muli ng baby sina Toni at Direk Paul.


Nadagdagan ulit sila ng bagong kapamilya after ng panganay na anak nilang si Seve.


Feeling namin ay girl na ang second child ni Toni dahil may ibinigay din itong clue with her color light pink heavy/long dress. Saka, ang ganda ng mukha ni Toni ngayon at bilog na bilog ang kanyang tiyan.


Duda namin ay nasa ika-walong buwan na ang baby sa loob ng tiyan ni Toni. At parang mas malaki ang baby bump ngayon ng actress-TV host kumpara noong ipinagbuntis niya ang panganay na anak.


Sa kabilang banda, durog naman si Alex sa mga comments at posts ng mga netizens.


“Nakaka-dalawa na ang Ate Toni mo, ah! Ikaw, wala pa rin?!?!”


“Ano na, Ms. Alex?! Naka-dalawa na ang ate mo, oh!”


Pinuna naman ng ibang netizens ang napaka-insensitive na mga komento sa naturang IG post ni Toni.


“May mga tao talagang insensitive sa mga sinasabi or comment. Hindi pa nila time na magkaroon ng anak kaya wala pa. ‘Wag masyadong madaliin ang mga bagay-bagay, lalo na at ‘di mo naman buhay ‘yan! Jusko! Laging kayo, may comparison! Bakit ‘di na lang kayo mamuhay nang normal at matuwa sa success ng iba?! Tsk!”


Samantala, nag-react naman ang ibang netizens sa venue kung saan ginanap ang nasabing baby shower for Toni.


“So, saan ginanap ang baby shower?! Bakit parang sa Palasyo (ng Malacañang)?!?!”


Pero, may ibang netizens naman ang nagsabi na baka sa Manila Peninsula raw ginanap ang baby shower ni Toni para sa kanyang second child.

So, there you have it.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 5, 2023



Medyo dismayado kay Sen. Chiz Escudero ang ilan sa kanyang mga supporters na noon ay hangang-hanga sa talino at prinsipyo niya sa buhay.


Isa si Sen. Chiz sa mga respetadong senador ng Pilipinas at maaasahan sa pagsusulong ng mga makabuluhang batas. Palagi ring may sense ang kanyang mga sinasabi at ginagawa, kaya saludo sa kanya ang mga kapwa senador.


Pero, marami ang nagtataka kung bakit sunud-sunuran na lang si Sen. Chiz sa kanyang fashionistang wifey na si Heart Evangelista. Madalas ay kasa-kasama na siya ni Heart sa mga fashion events nito sa Paris.


Unang napansin ng publiko ang pagpapa-tattoo ni Sen. Chiz ng kanyang mga kilay. Tiyak daw na impluwensiya ito ni Heart.


At recently nga lang ay may ipinost na picture sa social media na makikitang nagme-“make face” ang dalawa. Naka-dila at nakangiwi pa nga si Sen. Chiz, walang kiyeme sa paggaya sa mga facial expressions ng asawang si Heart.


Kenkoy na kenkoy ang hitsura ni Sen. Chiz, kaya marami tuloy ang na-turn-off sa kanyang mga pinaggagagawa ngayon.


Well, ang depensa naman ng kampo nito ay pinagbibigyan lang ni Sen. Chiz ang kanyang misis. Kitang-kita na masayang-masaya si Heart sa suportang natatanggap niya sa mister.


Sa katunayan, fashionista na rin kung manamit ngayon si Sen. Chiz at nagsusuot na rin ito ng mga leather jackets. Madalas nga ay twinning pa sila ng porma at ayos ni Heart.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page