top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 26, 2022


ree

Sa kanyang ika-60 kaarawan, wish ni Sen. Bato dela Rosa na manalo sa 2022 elections sina Senator Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III.


Si Lacson ay tumatakbo sa pagka-pangulo habang si Sotto ang kanyang vice president.

“Sana manalo si Sir Ping at Sir SP,” ani Dela Rosa habang hinihipan ang kandila sa kanyang birthday cake sa video na kuha ni Senator Joel Villanueva.


Si Dela Rosa, na kilalang kaalyado ni President Rodrigo Duterte, ay ipinagdiwang ang kanyang ika-60 kaarawan noong January 21 pero nag-celebrate siya sa Senado noong Lunes.


“It is just fitting to wish my friends and colleagues well in a gathering like that especially so that they are honoring me on my birthday,” pahayag ni Dela Rosa sa isang text message nang tanungin hinggil sa kanyang birthday message.


Matatandaang nag-file si dela Rosa ng COC sa pagka-pangulo noong Oktubre pero nag-withdraw din ito.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 10, 2021


ree

Willing daw na magpa-substitute si Sen. Bato dela Rosa kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagtakbo sa pagka-pangulo kung magbabago ang isip ng alkalde at mapagdesisyunang tumakbong presidente sa 2022.


Sa isang panayam, tila walang isyu kay Sen. Bato kung papalitan siya ni Duterte-Carpio bilang standard bearer ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban)- Cusi wing.


“Everything is possible,” aniya, basta legal at suportado ng kanyang party mates ang substitution.


“By all means, magi-give way ako. As I have said, hindi ko personal na desisyon na tumakbo, desisyon ito ng partido”, pahayag ni Dela Rosa.


“Hindi naman siguro dapat kinukuwestiyon pa kung legal na paraan ‘yung pag-substitute. Anything can happen,” dagdag niya.


Matatandaang nag-file ng certificate of candidacy sa pagkapangulo si Sen. Bato dela Rosa noong huling araw ng filing ng COC.


Inamin din niya na maging siya ay nagulat sa plano ng kanyang party mates dahil sinabi lamang ang planong pagpapatakbo sa kanya pasado alas-3:00 ng hapon noong Oktubre 8.


Ngunit sinabi niya na matagal na raw pinag-iisipan ng kanyang party mates na siya ang gawing standard bearer ng partido, kabilang sina Sen. Bong Go at Sen. Francis Tolentino, para ipagpatuloy ang “Duterte legacy”.


“Basta ako hindi ako umaatras. I am a good soldier, give me the instruction to do this, and I’ll do it. So andito na tayo, ani Sen. Bato.

 
 

ni Lolet Abania | October 8, 2021


ree

Tatakbo si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa pagka-pangulo sa 2022 national elections.


Ayon kay PDP-Laban secretary general Melvin Matibag, si Dela Rosa ang standard bearer ng ruling PDP-Laban at ang kanyang running-mate ay si Senador Christopher “Bong” Go.


Naghain si Dela Rosa ng kanyang certificate of candidacy (COC) ngayong Biyernes sa Harbor Garden Tent sa Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page