top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni MC @Sports | July 2, 2024



Sports News


Sumang-ayon si veteran guard Kentavious Caldwell-Pope sa three-year, $66 million deal sa Orlando Magic, ayon sa iba't ibang media outlets.


Ang ikatlong taon ng kontrata ay naiulat na pinili ng player. Naglaro si Caldwell-Pope sa nakaraang dalawang seasons sa Nuggets at naging starter player nang magwagi ang Denver sa 2023 NBA Finals. Naging bahagi rin siya ng  Los Angeles Lakers' 2020 championship team.


Si Caldwell-Pope, sa edad 31 ay may average na 10.1 points, 2.4 rebounds, 2.4 assists at 1.3 steals sa 76 na laro lahat mula sa Denver season. May 40.6 percent shot mula sa 3-point range at kilala sa lakas dumepensa. 


Siya rin ay may career averages ng 11.4 points, 3.0 rebounds, 1.8 assists at 1.1 steals sa 835 games (693 starts) sa loob ng 11 seasons sa Detroit Pistons (2013-17), Lakers (2017-21), Washington Wizards (2021-22) at Nuggets. Nakapagtala na siya ng kabuuang 1,420 sa 3-pointers.


Kailangan ng  Nuggets backcourt help ngayon nang lisanin ni  Caldwell-Pope, kaya naman si Los Angeles Clippers guard Russell Westbrook ang isa sa players na pinag-iinteresan ng team.


Samantala naiulat namang nailipat din ang free agent point guard player Chris Paul mula sa Golden State Warriors at nakatakdang maglaro sa  San Antonio Spurs para sa  one-year contract worth $11 million-plus ayon sa ESPN. Ayon sa  Bleacher Report, hindi tinanggap ng Golden State ang alok na si guard Zach LaVine ang ipapalit kina Paul at Andrew Wiggins. 


Si Paul, edad 39, ay 12-time All-Star ay nai-trade din noong nakaraang summer mula sa Phoenix Suns tungo sa  Washington Wizards pero matapos ang dalawang linggo ay nalipat ito sa Warriors.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 28, 2024



Sports News

Sa ikalawang sunod na taon, isang Pranses – Zaccharie Risacher – ang napiling pangkalahatang numero uno sa NBA Draft. Tinawag ng Atlanta Hawks ang pangalan ng 19 anyos na 6’9” forward sa seremonya kahapon sa Barclays Center. 


Ginulat ng Hawks ang lahat at hindi nila ikinuha ang isa pang Pranses Alex Sarr na mas binabanggit ng mga dalubhasa sa mga araw papalapit ang draft. Agad napunta ang 19-anyos na 7’0” sentro sa Washington Wizards na pangalawang pumili. 


Mas kumpletong manlalaro si Zaccharie,” paliwanag ni Coach Ariel Vanguardia na magsisilbing bahagi ng coaching staff ng Hawks sa Las Vegas Summer League ngayong Hulyo. Ngayon pa lang ay inaabangan ni Coach Vanguardia ang pagkakataon na makatrabaho ang baguhan. 


Si 6’3” shooter Reed Sheppard ang unang Amerikano na kinuha sa #3 ng Houston Rockets.  Sumunod sa #4 ang isa pang guwardiya 6’6” Stephon Castle ng San Antonio Spurs habang #5 si 6’8” forward Ron Holland ay napunta sa Detroit Pistons. 


Maliban kay Risacher at Sarr, dalawa pa nilang kababayan na sina 6’9” forward Tidjane Salaun ay napunta sa Charlotte Hornets sa #6 at 6’8” guwardiya Pacome Dadiet sa New York Knicks sa #25. Si Risacher ay sumunod sa kababayang Victor Wembanyama na piniling numero uno ng Spurs noong 2023. 


Winakasan ng Los Angeles Lakers ang haka-haka ng marami at pinili si 6’5” gwardiya Dalton Knecht sa #17. Malakas ang usapan na kukunin ng Lakers si Bronny James na anak ng kanilang superstar LeBron James subalit may pagkakataon pa sila sa Round 2 ngayong araw. 


Kamakailan ay ipinakilala ng Lakers si JJ Redick bilang kanilang bagong coach kapalit ni Darvin Ham. Si Coach Redick ay naglaro sa NBA mula 2006 hanggang 2021 para sa Orlando, Milwaukee, LA Clippers, Philadelphia, New Orleans at Dallas at matapos magretiro ay naging komentarista sa telebisyon subalit walang karanasan sa pagiging coach.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 19, 2024



Sports Photo

Itaas ang ika-18 kampeonato ng Boston Celtics! Nanigurado ang makasaysayang prangkisa at tinambakan ang desperadong bisitang Dallas Mavericks, 106-88, at wakasan ang 2024 NBA Finals sa limang laro, 4-1, kahapon mula sa maingay na TD Garden. 


Ipinasok ni Jrue Holiday ang unang anim na puntos na sinundan ng three-points ni Al Horford para humataw agad ang Celtics, 9-2, at hindi na nila pinatikim ng bentahe ang Mavs. Mula roon ay nagtrabaho na sina Jaylen Brown at Jayson Tatum para sa 31 puntos at tinuldukan ni Payton Pritchard sa milagrong tira mula 50 talampakan ang first half, 67-46. 


Lumobo ang agwat sa 78-52 sa mga puntos nina Horford at Holiday at third quarter ay natatanaw na ang magiging resulta. Bago sumapit ang last 2 minutes ay sumuko na ang Dallas at pinaupo na sina Luka Doncic at Kyrie Irving sa gitna ng 106-85 lamang ng Boston. 


Bumuhos ng 21 puntos si Brown at itinanghal na Finals MVP. Nanguna si Tatum na may 31 puntos at 11 assist habang nag-ambag ng 15 si Holiday at 14 kay Derrick White. 


Nagtala ng 28 at 12 rebound si Luka at sinundan ni Irving na may 15.  Ipinasok ni Josh Green ang lahat ng kanyang 14 sa huling quarter. Nagising ang Celtics mula sa 84-122 talo sa Game 4 at naiwasan ng Mavs na mawalis.  Bago noon ay umarangkada sila sa unang tatlong laro, 107-89, 105-88 at 106-99. 


Iniwan nila ang dating katablang Los Angeles Lakers na may 17 kampeonato.  Ang ibang tropeo ng Celtics ay nakamit noong 1957, 1959 hanggang 1966, 1968, 1969, 1974, 1976, 1981, 1984, 1986 at 2008. 


Para kay Brown, Tatum, White, Pritchard, Horford, Sam Hauser at Luke Kornet, nakabawi sila mula pagkatalo sa Golden State Warriors noong 2022.  Ito rin ang unang kampeonato ni Horford sa kanyang ika-17 taon sa NBA habang sinundan ni Holiday sa kanyang unang taon sa Boston ang singsing niya sa Milwaukee Bucks noong 2021. 


 
 
RECOMMENDED
bottom of page