top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | February 21, 2023



ree

Tinapos ni Giannis Antetokounmpo sa tulong ni Jayson Tatum ang perpektong kartada ni LeBron James at nanaig ang Team Giannis sa Team LeBron, 184-175, sa NBA All-Star Game kahapon sa Vivint Arena. Si Tatum ang pinakamaliwanag sa lahat ng bituin at nagtala ng bagong marka na 55 puntos patungo sa Kobe Bryant Trophy para sa Kia All-Star Most Valuable Player.

Hawak ng Team Giannis ang 99-92 lamang sa simula sa third quarter at iyan ang hudyat para kay Tatum na magsabog ng 27 puntos na hinigitan ang dating marka na 21 sa isang quarter ni Stephen Curry noong 2022. Lumobo ang kanilang agwat sa 158-141 at fourth quarter ay naging unahan na makaabot ng 182 puntos.

Hindi pa tapos si Tatum at nagdagdag ng walong puntos para sa 181-170 iskor at wasakin ang dating marka na 52 ni Anthony Davis noong 2017. Pilit ipinasa ang bola kay Tatum para tuldukan ang laro pero napunta ang karangalan kay Damian Lillard na bumomba ng malayong tres para sa huling talaan.

Nagpasikat din si Donovan Mitchell sa kanyang 40 puntos habang 26 si Lillard. Nanguna sa Team LeBron sina Jaylen Brown na may 35 at Joel Embiid at Kyrie Irving na parehong nagtala ng 32 puntos.

Dahil pilay ang pulso, naglaro lang ng 20 segundo si Giannis at umupo agad matapos mag-dunk, 2-0. Mula roon ay pinanood niya ang mga kakampi na ihatid ang kanyang unang tagumpay bilang kapitan matapos mabigo kay LBJ noong 2019 at 2020.

Hindi rin tumagal si James at lumabas na may limang minuto pa sa second quarter dahil nasaktan ang kanang kamay. Gumawa lang ng 13 puntos si LBJ at tapos na ang kanyang limang panalo sa All-Star mula 2018 hanggang 2022.

Sa oras ng laro mismo nalaman kung sino ang mga magiging magkakampi matapos isa-isang tawagin ng mga kapitan ang mga napiling pangalan. Ang 2024 All-Star ay gaganapin sa Indianapolis, Indiana.




 
 

ni VA - @Sports | May 11, 2022


ree

May pagkakataon na ang mga NBA teams na makita nang personal at malapitan ang Filipino draft hopeful na si Kai Sotto bago isagawa ang 2022 NBA Draft.


Ayon kay Adam Zagoria ng New York Times, may nakatakdang "dozen workouts with NBA teams" para kay Sotto simula sa Mayo 23.

Sa mga nakaraang mock drafts , nananatiling wala sa top 60 si Sotto kaya naman inaasahang magpapakitang-gilas ito para sa kanyang pangarap na maging unang

homegrown Filipino na makapasok ng NBA.


Nagpakita ng solidong performance ang 7-foot-3 center sa nagdaang season ng National Basketball League (NBL)-Australia para sa koponan ng Adelaide 36ers matapos magtala ng averages na 7.6 puntos, 4.5 rebounds at 0.7 blocks sa loob ng 15.2 minuto at 23 laro.


Sinabi ng agent ni Sotto na si Joel Bell na makukuha sa draft si Sotto.


 
 

ni Anthony E. Servinio - @Sports | April 19, 2022


ree

Itinanghal na 2021-22 NBA MVP finalists ng liga sina reigning NBA Most Valuable Player Nikola Jokic ng Denver, Joel Embiid ng Philadelphia 76ers at Giannis Antetokounmpo ng reigning champion Milwaukee Bucks, kahapon.


Ang trio ng global superstar big men ang nag-angat sa kontensiyon ng kani-kanilang team at naghahabulan din para sa NBA crown ngayong playoffs.


Samantala, bumangon ang #2 Boston Celtics at inagaw ang panalo sa #7 Brooklyn Nets, 115-114, sa 2nd day ng NBA Playoffs, kahapon sa TD Garden. Pinatunayan din ng Miami Heat at Phoenix Suns bakit sila ang mga numero-unong koponan sa Eastern at Western Conference, matapos tambakan ang hiwalay na katunggali sa Game One ng seryeng best-of-seven.

Nasayang ang 39 puntos ni Kyrie Irving, kasama ang tres na nagbigay sa Nets ng 114-111 lamang at 45 segundo ang nalalabi. Sinagot ito ng shoot ni Brown upang lumapit, 113-114, at nagmintis ng tres si Kevin Durant kaya itinakbo agad ng Boston ang bola para ipanalo ang laban at makauna sa seryeng best-of-seven.


Bumanat ng walong 3-points ang reserbang si Duncan Robinson at nagtapos na may 27 puntos sa 23 minuto upang itulak ang Miami sa 115-91 tagumpay sa bisitang #8 Atlanta Hawks. Gumawa ng 13 puntos si Robinson sa 4th quarter kung saan umabot ng 32 ang lamang, 110-78, at 3:30 sa orasan.


Nalimitahan si Trae Young sa 8 puntos lang, lahat sa first half at hindi na siya naglaro sa 4th quarter. Malaking bagay din ang pagliban ni Clint Capela na napilay ang tuhod sa Play-In noong Sabado kung saan nanalo ang Hawks sa Cleveland Cavaliers, 107-101, para sa karapatang harapin ang Heat.


Hawak ng Phoenix ang lamang sa buong 48 minuto upang makamit ang 110-99 tagumpay sa bisitang #8 New Orleans Pelicans. Kumuha ng lakas ang Suns kay Chris Paul na may 30 puntos at 10 assist at Devin Booker na may 25 puntos.


Sinimulan ng #3 Milwaukee Bucks ang pormal na depensa ng korona sa 93-86 pagwagi sa bisitang #6 Chicago Bulls. Namuno sa Bucks si Giannis Antetokounmpo sa 27 puntos at 16 rebound kahit hindi siya pumuntos sa 4th quarter.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page