top of page
Heart Evangelista.jpg
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 23, 2026



Chloe San Jose at Carlos Edriel Yulo - Instagram

Photo: Chloe San Jose at Carlos Edriel Yulo - Instagram



“I love you po, sobra,” ang pahayag ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo para sa kanyang dyowa na si Chloe San Jose.


Nagbahagi si Carlos sa kanyang Instagram (IG) post ng birthday wish para sa kanyang loving girlfriend. 


Aniya, “Ang dami kong gusto sabihin pero puro pasasalamat at paghanga sa ‘yo ang lumalabas sa puso ko. ‘Di mo alam kung gaano ako ka-proud sa lahat ng ginagawa mo. Mapa-school o work, bukod pa ru’n sa suporta at effort na ibinibigay mo sa akin.





“Grabe! Ikaw ‘yung may birthday pero ako ‘yung niregaluhan ng big time ni Lord. Hehehe!

“Ang wish ko para sa ‘yo, pinakaminamahal ko ay maabot mo lahat ng pangarap at ninanais mo sa buhay. Palagi mong tatandaan na nandito lang ako, mahal ko, para samahan, ingatan, suportahan, at mahalin ka sa lahat ng ‘yun. I love you po sobra - Dada.”

Super lucky talaga si Chloe San Jose at bonggang pag-ibig ang alay sa kanya ni Carlos Yulo. 


Anyway, happy birthday, Chloe!





Buking daw sa suot na singsing…

CARMINA: BAGONG BF NI CASSY, BIGLAAN LANG



KUWENTUHANG pampamilya ang naging ganap sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nang mag-guest ang mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Sa panayam, napag-usapan ang napapabalitang boyfriend ng anak nilang si Cassy. 


Tanong ni Boy Abunda, “Valentine’s Day, nag-post si Cassy. There was this guy, she was with a guy in a gray hoodie. Maraming nagsasabi, si Vince Maristela ba ‘yan? Maraming nagsasabi namang hindi. Sino s’ya? Tayu-tayo lang.”


Sagot ni Carmina, “Parang dapat si Cassy na lang ang tanungin n’yo, pero s’yempre, kilala namin kung sino ‘yan. Pero ano lang naman ‘yan, parang biglaan lang talaga. ‘Di naman talaga s’ya nakaplano.”


Saad naman ni Zoren, “Pero ‘yan, halata ko ‘yung kamay.”


Sagot ni Carmina, “O, ‘wag na nating sabihin. Alam naman nila dahil daw du’n sa singsing, kaya nila nabuking!”


Pabirong saad pa ni Zoren, “‘Yung kamay, makikita mo, mahilig mag-workout.”

Samantala, pinuri ni Boy sina Carmina at Zoren sa paraan ng pagpapalaki nila sa kanilang mga anak. 


Saad ni Zoren, “Actually, dumating din sa point na ‘di sila nakikinig sa amin. May point na ganu’n, eh.”


Sabi ni Boy, “Palagay ko, natural sa journey nila, ‘di ba?”


Saad ni Zoren, “Yeah. At du’n ko na-realize na ‘di ko pala puwedeng kontrolin ‘to habambuhay. Dumating ‘yung chapter na you keep talking, you keep giving them advice, ‘di makikinig, at darating pala sa point na magigising sila mismo at sasabihin, ‘Tama pala kayo.’


“Hanggang ngayon, si Cassy, kakausapin pa rin ako. Pupunta ‘yan sa room ko o habang may lunch o sa dining table, apat na oras magsasalita kahit na late na ako sa meeting ko. Alam mo, Tito Boy, ‘yung nasa isip ko, if I stop this conversation, sabi ko, minsan lang ‘to, ‘di na ulit mauulit. I’d rather not miss this kaysa sa gym time ko.”

Sabi naman ni Carmina, “Ang maganda kasing iregalo, ‘yung time mo para sa mga anak mo.”


Saad pa ni Zoren, “Actually, si Maverick (Mavy), kakain ako, biglang may tubig na ganyan, inaabutan ako ni Maverick ng tubig kahit ‘di ako humihingi. Minsan, kakatok sa kuwarto ko, bibigyan ako ng sandwich.”


Talaga namang napalaki nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel ang kanilang mga anak nang maayos.





INILABAS na ng ABS-CBN ang official poster para sa inaabangang action-drama series na Blood vs. Duty (BVD) na malapit nang mapanood sa primetime.


Nagbigay-pasilip ang poster sa papel na gagampanan nina Richard Gutierrez, Bela Padilla at Gerald Anderson, kasama sina Baron Geisler at Barbie Imperial. Mula sa disenyo ni Justin Besana, ang poster ay patikim sa posibleng tunggalian sa pagitan ng mga aabangang karakter ng Kapamilya series.


Bago ang poster reveal, ipinasilip din ng JRB Creative Production ang teaser kung saan makikitang may dalang baril si Richard habang may hawak na kris si Gerald, hudyat ng kanilang magiging maaksiyong harapan sa serye. Inilabas din ang isa pang teaser tampok si Bela, kung saan maririnig ang nakakakilabot niyang linya, “They are being butchered and so severely outnumbered.” Samantala, maririnig naman ang putok ng baril at sirena ng kapulisan sa teaser ni Richard habang binabanggit ang linyang, “Bunga ito ng malawakang pagkalat ng mga baril sa bansa.”


Isa ang BVD sa mga bagong handog ng ABS-CBN ngayong taon mula sa direksiyon nina FM Reyes, Bjoy Balagtas, Rico Navarro, kasama ang action director na si Erwin Tagle. Unang inanunsiyo ito noong Enero 19, kasabay ng pasilip sa matinding training na pinagdaanan ng cast bilang paghahanda sa serye.

‘Yun lang, and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 21, 2026



TALKIES - COCO, TODO-THANK YOU KAY JULIA SA PAG-AALAGA SA PAMILYA NILA_IG _thecocojarchive

Photo: IG _thecocojarchive



“Salamat dahil dumating ka sa buhay ko, my partner, my best friend, my love and my boss,” ang pahayag ng aktor na si Coco Martin nang mag-post siya sa Instagram (IG) ng kanyang birthday greeting para sa aktres na si Julia Montes.


Aniya, “Maligayang kaarawan sa pinakamamahal ko, Mara. Maraming salamat sa walang sawang pagmamahal at pag-aalaga mo sa akin at sa buong pamilya natin.


“Salamat dahil dumating ka sa buhay ko, my partner, my best friend, my love and my boss. Ikaw ang inspirasyon ko sa araw-araw. Napakapalad ko dahil ibinigay ka sa akin ng Diyos. Happy birthday @montesjulia08. Mahal na mahal kita.”


Anyway, happy birthday, Julia Montes!

‘Yun lang, and I thank you.





Karibal kay Jillian…

EMAN, UMAMING KINAUSAP SI RAHEEL BHYRIA 



“We’re really good friends,” ang pahayag ng aktor-boksingero na si Eman Bacosa Pacquiao nang tanungin siya kung ano ang status nilang dalawa ng aktres na si Jillian Ward.


Kamakailan lang ay nag-guest ang anak ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Eman sa Unang Hirit (UH).


Sa panayam ay ibinahagi ni Eman ang naging experience niya sa taping ng Never Say Die (NSD) ng GMA Network.


Saad ni Eman, “Ah, nakakakaba po at napaka-exciting kasi ‘yun po ‘yung first acting project ko.”


Tanong ni Arnold Clavio, “Ang tanong, mas mapapanood ka ba namin sa pag-arte kaysa pagboboksing?”


Saad ni Eman, “Parehas po.”


Tanong naman ni Suzie Entrata, “Marami ang nag-request na mag-guest ka sa Never Say Die dahil maraming kinikilig sa inyo ni Jillian. Kumusta namang makaeksena si Jillian? Nahiya ka ba noong una?”


Saad ni Eman, “Ah, nahihiya at kinabahan po ako.”


Hirit ni Arnold nang mapansin nitong Jill lang ang tawag ni Eman kay Jillian, “Kami, ‘Jillian’, bakit ikaw ay ‘Jill’ lang ang tawag mo?”

Saad ni Eman, “Um, close friends po kami.”


Birong tanong ni Arnold, “So, tawag sa ‘yo, ‘Ems’ na lang?”

Sagot ni Eman na may kasamang ngiti, “Secret.”


Sa nasabing panayam ay natanong ni Arnold ang tungkol sa pagpunta ni Jillian sa Bohol.

Saad ni Eman, “Ah, support po s’ya sa akin. Full support po s’ya sa akin. Pati family n’ya, pati ako rin po sa kanya sa pagiging artista n’ya.”


Tanong ni Arnold, “Kinumusta mo ba si Jillian dahil nakakakaba manood ng boxing?”

Saad ni Eman, “Yes po. Kinumusta ko po s’ya. Sabi n’ya, first time po n’ya manood ng boxing.”


Dagdag na tanong ni Arnold, “Nag-alala ba s’ya sa ‘yo?”

Saad ni Eman, “Sobra.”


Tanong pa ni Arnold, “Kumusta ang pamilya mo at pamilya ni Jillian?”

Saad ni Eman, “Maayos naman po. Nagba-bonding po ‘yung family namin minsan. Usap-usap po ‘pag may time.”


Tanong naman ni Suzie, “So, parents n’ya ay nandu’n?”


Saad ni Eman, “Yes po. Nag-attend po sila sa fight. Tapos, dinner po kami, long talk.”

Tanong ni Suzie, “May selos ka bang nararamdaman kay Raheel Bhyria?”

Saad ni Eman, “Ahm, nag-usap naman po kami.”


Dagdag na tanong ni Arnold, “Ano’ng pinag-usapan n’yo?”

Saad ni Eman, “What’s up, bro?”


Dagdag na sabi pa ni Eman, “Guys, ‘di po kami magkaaway. Friends po kami.”

Ibinahagi rin ni Eman na una niyang ginagawa ‘pag gising sa umaga ay magdasal.

Well, in fairness sa anak ni Sen. Manny Pacquiao, super magalang.





“IT’S really fun especially working with Rhen. I enjoyed it so much,” ang pahayag ng mahusay na aktor na si Joseph Marco sa preskon ng Viva One original series na My Husband is a Mafia Boss (MHIAMB).


Sa panayam ay natanong si Joseph Marco at ang kanyang ka-love team na si Rhen Escaño kung ano ang masasabi nila sa isa’t isa at sa mga kasama nila sa serye.

Saad ni Joseph Marco, “It’s so fun kasi after reading the book, naging fan talaga ako. Bago pa kami mag-start, sobrang excited na ako.


“Knowing the Zek and Amy character, ‘yung banter nila, it’s really fun especially working with Rhen. I enjoyed it so much.


“Sobrang enjoy ko na makatrabaho si Rhen. I guess, ito yata ‘yung pinaka-genuine na team-up na nagawa ko and I am so blessed to have her as my leading lady for Mafia Boss.


“I don’t think I would be able to do the things I do here kung ‘di s’ya ang ka-partner ko. That’s why I am so thankful. Very healthy ‘yung relationship namin at every time we have tapings, I am always excited to work with her.”


Saad naman ni Rhen Escaño, “Iba ‘yung feeling na ‘pag excited ka sa ginagawa mo, magre-register sa camera.


“So lalo na with director na very funny person, ang saya talaga sa set. Very light at ang saya ng lahat. After ng eksena, nagtatawanan.


“And so it’s a happy set dahil sobrang gusto namin ‘yung ginagawa namin and also of course the project.”


Mula sa direksiyon ni Fifth Solomon, mapapanood na sa wakas ng mga fans sa buong mundo ang isang kuwentong puno ng kilig at thrill.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 19, 2026



Jose Manalo at Toni Gonzaga -Toni Talks YT

Photo: Jose Manalo at Toni Gonzaga - Toni Talks YT




Masayang kuwentuhan na may kasamang bukingan ang naging ganap sa YouTube (YT) channel ng singer-actress na si Toni Gonzaga na Toni Talks (TT) nang mag-guest sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.


Nagbahagi si Toni ng karanasan niya sa pag-audition sa Eat…Bulaga! (EB!) para sa segment na Birit Queen.


Kuwento ni Toni, “Si Jose ang naalala ko, nag-audition ako sa kanya sa Birit Queen.”

Tanong ni Wally kay Jose, “Ipinasa mo?”


Sagot ni Toni, “Hindi. ‘Di ko makakalimutan kasi nu’ng nag-host na s’ya, ‘Ito ‘yung ‘di pumasa sa akin. Ito ang ‘di nagpasa sa akin.’”


Tanong ni Jose, “Bakit ko ba ibinagsak ‘to?”


Natawa na lang si Jose sa kuwento ni Toni at pabirong sabi niya, “Pinabalik kita noon?”

Well, at least, hindi man naging parte ng Birit Queen si Toni ay naging host naman siya ng EB! ‘Di ba, Jose Manalo?


Tanong pa ni Toni, “Ano’ng pinaka-memorable ninyong Sugod-Bahay?”

Sagot ni Jose, “Nu’ng nalaglag ako sa kanal.”


Dagdag na tanong ni Toni, “Ba’t ka nalaglag sa kanal?”

Sagot ni Jose, “‘Di nakita sa camera, pero may naka-video, in-upload ‘yun. So nalaglag ako, ‘di nakita. Pag-ahon ko, sabi ni Tito Sen (Tito Sotto), ‘di n’ya raw nakita. ‘Oh, ‘di mo nakita?’ Inulit ko pa.


“Pero inisip ko na ‘di ako hihinga, ‘di ko ibubuka ‘yung bibig ko. Aahon agad ako kasi baka

may mainom ako.


“Tumawag din si sir. ‘Ano’ng nangyari? May mga open wounds ka ba?’ ‘Meron po.’ ‘Nasaan?’” pag-alala ni Jose sa naturang aksidente.


Pabirong sagot daw niya, “Ito po, ‘di ba, ‘yung nasa mukha ko?’


“Sabi n’ya, ‘‘Di ‘yan! Puro ka kalokohan! Nag-aalala kami sa ‘yo. Ano’ng gusto mo?’

“Sabi ko, ‘Sir, dagdagan n’yo po ‘yung sahod namin.’”


Hirit ni Toni, “Ang tibay ng resistensiya mo?”


Saad ni Jose, “Alam mo bang tulog ka na, pero napapanaginipan mo pa ‘yung amoy? Ganu’n s’ya. Ganu’n s’ya kalupit.”


Tungkol naman sa naging samahan nila bilang mga hosts, tanong pa ni Toni, “Nagkatampuhan ba kayo?”


Sagot ni Jose, “Sa totoo, wala. Walang salitang showbiz, wala.”


Well, in fairness sa JoWaPao (Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros), marami na rin silang napasaya sa husay nila pagdating sa pagho-host.

Boom!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page