top of page
Heart Evangelista.jpg
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 25, 2026



Toni Gonzaga - Instagram

Photo: Toni Gonzaga - Instagram



Special guest ang actress-singer na si Toni Gonzaga sa premiere ng Season 2 ng Chad Kinis Show (CKS).


Sa panayam ay napag-usapan ang tungkol sa mga naging paboritong leading man ni Toni.


Tanong ni Chad, “Sa mga naging leading man mo, nakita mo ba minsan sa sarili mo na, ‘Ay, ‘di ako bagay d’yan.’ Meron ka bang naging ganu’n sa mga leading man mo? Sino?”


Saad ni Toni, “Oo. Parang sa kanila lahat. Parang nakita ko bagay kami on screen pero ‘pag napi-picture mo kasi, ganu’n siguro ‘yung mga overthinker.


“‘Yung napi-picture mo na 5 years from now, 10 years from now, paano ‘pag nag-away kayo? Paano ‘pag may pinagdaanan kayong ganito? Paano n’yo iha-handle ‘yun?


“Kasi nga nakikita mo ‘yung kung paano sila. So, iniisip mo paano kaya, parang ‘di kami magwo-work sa totoong buhay. So, nakikita mo ‘yun sa mga leading man mo.


“Although, ‘pag nu’ng ‘20s ka, may feelings, mase-set aside mo ‘yung mga ganu’n. So, minsan, make-carried away ka sa feelings. Pero eventually, mare-realize mo na parang ‘di ‘to ‘yung pang-off-camera. Parang pang-on-cam talaga kami magwo-work.”


Dagdag na tanong pa ng host, “Sino ang favorite mo na leading man?”


Saad ni Toni, “Lahat. Lahat-lahat. Wala akong isa lang kasi iba-iba sila lahat ng cuteness at dynamics at saka ng kilig na naibigay sa akin sa lahat ng pelikula.”


Well, at least, bongga ang nakatuluyan ni Toni in real life na si Direk Paul Soriano, isang award-winning film director, producer, at screenwriter. ‘Di ba naman, Alex Gonzaga?





MARAMING artista at personalidad ang nagbigay ng ayuda sa mga jeepney drivers sa Maynila dahil sa krisis sa krudo. Kabilang sa mga kilalang nag-abot ng tulong ay sina Willie Revillame, Kim Chiu, Kyline Alcantara at Awra Briguela.


Sa social media post ni Awra ay nagbahagi siya ng larawan kung saan makikita siya kasama ang mga kaibigan na nagbibigay ng groceries sa mga jeepney drivers.


Saad ni Awra sa post niya, “There’s something powerful about shared intentions. Doing this with friends who have the same principles as me reminded me that helping doesn’t have to be grand, it just has to be genuine.


“From preparing and packing groceries in my own place, to knowing that these will go to jeepney drivers who continue to work hard despite everything they’re facing, every moment felt purposeful.


“This is our small way of giving back, and a reminder that even in uncertain times, kindness will always have a place.


“Big thanks to everyone who became part of this donation drive, especially to Mama Stormi, who started all of this, and to our friends who showed up with their time and heart — Reese, Pixie, Shan, Shine, Sessable, Marco, and Enrico.


“Also to our friends who couldn’t make it today but still chose to help—Kingkong, Super Frince, Melissa, and Fordy—thank you for being part of this in your own way.


“To everyone who donated, from Stormi’s viewers to each and every person who extended their help, we truly appreciate all of you. This wouldn’t have been possible without your kindness and willingness to give.


“What we did may seem small, but it was built on shared effort, genuine intention, and a collective desire to help.


“May God bless you all for the goodness you’ve shared, not just today but in the lives you’ve touched.”


Well, katuk-katok lang po sa nakaka-LL (luwag-luwag) d’yan, baka gusto ninyong gayahin si Awra sa pagbibigay ng simpleng ayuda sa ating mga drivers. 

Good job, Awra Briguela!





“PINANGARAP lang noon. Ngayon, totoo na,” ang pahayag ng actress-dancer na si Rochelle Pangilinan sa kanyang Instagram (IG) post matapos mag-share ng larawan habang siya’y nasa Sydney, Australia.


Saad ni Rochelle, “Pinangarap lang noon, ngayon, totoo na. Dreams do come true — just never stop chasing them. Thank you, God. I’ll be forever grateful.”


Korek ka d’yan, Rochelle, samahan lang ng sipag, tiyaga, at dasal.


Samantala, nasa Australia ang SexBomb Girls para sa kanilang Get, Get, Aww! World Tour sa Sydney Coliseum Theater kahapon, April 24, at sa Westgate Indoor Sports sa Melbourne sa April 26.





IBANG feels at level ng kilig ang ihahatid ng pinakabagong tambalan nina Alexa Ilacad at Gelo Rivera sa kauna-unahang vertical drama ng ABS-CBN Studios na The Chambermaid’s Daughter (TCD) na mapapanood sa iWant simula Abril 30 (Huwebes).


Bibida ang hindi inaasahang pag-iibigan ng masipag na hotel room attendant na si Hannah Montano, na ginagampanan ni Alexa, at ng kanyang Koreanong boss na si Daniel Jeon, na ginagampanan ni Gelo, na tuturuan niyang magsalita ng Tagalog bilang private translator.


Pamatay na kilig at mga rebelasyon ang aabangan sa pagpasok ni Hannah (Alexa) sa mundo ni Daniel (Gelo), na babago sa kanyang buhay at susubok sa kanyang katatagan.


Ang The Chambermaid’s Daughter ang unang proyekto ng ABS-CBN Studios sa vertical drama format, na binubuo ng maiikling episodes na madaling sundan at panoorin, at bahagi ng lumalawak na lineup ng vertical dramas ng iWant.

‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 24, 2026



TALKIES - VICE, MARAMING UTANG-FB Vice Ganda

Photo: FB Vice Ganda



Special ang naging pahabol na birthday celebration ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa Laro Laro Pick segment ng ABS-CBN’s It’s Showtime (IS).

Nag-reunion sila ng mga dating kapitbahay at kaibigan na taga-Tambunting.


Ang kalye ng Tambunting ay bahagi ng Tondo, Manila kung saan ipinanganak at lumaki si Vice na mas kilala noon bilang ‘Tutoy’ sa lugar nila.


Sey ni Vice, “Happy at excited ako sa episode na ‘to. Actually, ‘tong episode na ‘to, ‘tong mga manlalaro natin, makakasama ko dapat ‘to ru’n sa supposedly birthday episode ko.

“‘Di naman natuloy ‘yung birthday episode ko kasi nga Holy Week ‘yun.”


Masayang ipinakilala ni Vice ang kauna-unahang matalik na kaibigan niya na muli niyang nakasama sa IS na si Melvin.


Sa panayam ay tinanong ni Vhong Navarro si Melvin kung ano ang hindi makakalimutang ugali ni Vice.


Kuwento ni Melvin, “Noong mga bata pa kami, mahilig kaming maglaro ng basketball. Merong isang pagkakataon na nasira ‘yung sapatos ko. So, may extra shoes s’ya. Ibinigay n’ya sa akin ‘yung isa n’yang sapatos na ‘yun. Malaki ‘yun, pero ginamit ko makalaro lang ako. Ibinigay n’ya sa akin.”


Sey ni Vice, “Kung meron man akong kinamulatan ng salitang pakikipagkaibigan at friendship, sa kanya ‘yun kasi s’ya ‘yung una kong kalaro. Mabait ‘yan kaya inaanak ko ‘yung panganay n’ya.”


Saad naman ni Melvin na may kasamang biro, “Tama. Tama. Ang dami ng utang n’ya.”

Sey naman ni Vice na may kasamang biro, “Grabe ka! Sobra ka naman. Baka nakakalimutan n’yo, ‘yung fiesta, binigyan namin kayo ng pakbet.”


Tanong ni Jhong Hilario kay Melvin, “Ano ‘yung pakiramdam na nakikita mo na si Vice sa TV, sumisikat na, grabe na ‘yung Vice Ganda na kalaro mo dati?”


Saad ni Melvin, “Napaka-proud para sa akin. Lalo kasi kababata ko s’ya. Lalo na ru’n sa lugar namin, talagang ipinagmamalaki s’ya ngayon na isang taga-Tambunting na galing sa mahirap na lugar. Ngayon, si Vice Ganda na s’ya. Dati, Tutoy lang s’ya.”


Nakumpleto ang original barkada ni Vice. Bukod kay Melvin, naglaro rin sina Paul, Wilbert, Ivan at Jon-Jon.


Well, happy for you Vice Ganda, nakita mo ulit ang mga original barkada mo na nagmahal sa iyo noong panahon na ikaw ay si Tutoy pa lang.

‘Di ba naman, madlang people?





“I love you, baba,” ang pahayag ng singer na si Ogie Alcasid sa kanyang social media post para sa kanyang loving wife na si Regine Velasquez.


Simple, pero punumpuno ng pagmamahal ang mensahe ni Ogie para sa kaarawan ni Regine noong April 22, 2026, na tinawag niyang ‘Sunshine’ at ‘Baba’.


Wika ni Ogie, “Happy birthday to the one that brings sunshine into my life.

“The one person that supports me and corrects me with complete honesty and always prays for me.


“I pray the Lord blesses you today and forever more. I love you, baba.”

Anyway, happy birthday, Regine Velasquez-Alcasid!


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 23, 2026



TALKIES - JODI, UNANG NAKAALAM NA IKAKASAL NA SINA IWA AT PAMPI-FB Jodi Sta. Maria PH & IG _iam_iwa

Photo: FB Jodi Sta. Maria PH & IG @iam_iwa



Ang unang nakaalam pala ng engagement nina Pampi Lacson at Iwa Moto ay ang ex-wife ng una na si Jodi Sta. Maria, na ibinahagi ng aktres sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ng GMA Network.


Tanong ng King of Talk na si Boy Abunda, “Iwa and Pampi announced their engagement last February, ano ang dasal mo para sa kanila?”


Saad ni Jodi, “Before their announcement, they actually told me first about the engagement.


“And sa totoo lang, masaya ako para sa kanila. Isang bagay ito na matagal nilang hinintay. Thirteen, fourteen years na paghihintay is no joke.


“And now, it’s really happening. Siguro, ang magiging dasal ko lang para sa kanila is mahalin nila ang isa’t isa, intindihin nila ang isa’t isa.


“‘Di ba, sila ang magkakampi, magkatuwang at magkaagapay sa buhay?”

In fairness, bakas sa mukha ni Jodi Sta. Maria na masaya siya para sa pagpapakasal nina Pampi Lacson at Iwa Moto.





“I’m so grateful for you, I love you,” pahayag ng aktres na si Jessy Mendiola sa kanyang Instagram (IG) post nang magbahagi siya ng sweet message para sa kaarawan ng host ng Rainbow Rumble (RR) ng ABS-CBN na si Luis Manzano.

Sey ni Jessy, “Happy birthday, my love @luckymanzano.


“Thank you for being simply who you are, kind, loving and the one who makes everything feel lighter.


“Just like the song says, ‘I like me better when I’m with you.’ That’s exactly how it is with you.

“I’m so grateful for YOU. I LOVE YOU.”


Sa comment section ng post ng aktres ay nagpahayag din si Luis ng simple pero punumpuno ng pagmamahal.

Saad ni Luis, “I love you.”


Samantala, ang co-host ni Luis Manzano sa RR na si Negi ay nagpahayag din ng mensahe para sa kaarawan ng anak ng Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Sey ni Negi, “Happy birthday sa pinakapogi sa buong mundo, pinakamabait na tao na kilala ko, Kua (Kuya) Lucky Manzano.”


Well, korek ka riyan, Negi, mabait talaga si Luis at in fairness, ang laki ng ibinawas sa timbang ng mahusay na TV host. Bumalik ang katawan niya noong binata pa siya. 


Totoo pala ang sinabi ng komedyanteng si Bayani Agbayani na kapag ginusto ni Luis na magpapayat ay madali nitong nagagawa.

Anyway, happy birthday, Luis ‘Lucky’ Manzano!





Si Ian ang punong-abala…

NORA AUNOR MUSEUM, BUBUKSAN NA SA JUNE



INI-REPOST ng aktor na si Robin Padilla ang social media update ng Nora Aunor National Artist Facebook (FB) page hinggil sa planong pagbubukas ng Nora Aunor Museum sa Hunyo 2026, na pinangangasiwaan ng kanyang anak na si Ian De Leon.


Saad ng Nora Aunor National Artist FB page, “Mababawasan ang pangungulila ng mga Noranians dahil may bago silang pupuntahan bukod sa puntod ni Ate Guy sa LNMB (Libingan ng mga Bayani).


“Ito ay ang Nora Aunor Museum na inaasikaso ni Ian De Leon at itina-target na mabuksan sa darating na Hunyo.”


Saad ni Ian, “We are working hard to gather them, dresses she used in Superstar and movies, trophies. We are working hard to curate. We are discussing a deadline for it, hopefully it can launch in June.


“We don’t want to lose momentum. I have a legal team, marketing, IPs nd all that. My wife is doing all the heavy lifting regarding the figures.


“I hope everyone can be there to support. To Noranians who have memorabilia, we will include it in the museum. Pictures, albums, clippings, they can share. We will put your name in the museum if you can share or donate.


“We are aggressive in doing this, not for me, not for anyone, it is for mom and what she has left behind.


“We are working hard to pass this on to future generations. We want her resilience in life, her journey of making dreams a reality to continue inspiring generations.”


Anyway, wish ni yours truly na matuloy ang pagbubukas ng museum ni Bok (Nora Aunor) para magbigay ng saya sa mga Noranians.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page